Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Bahay ni Romulo Neri niratrat; mga suspek naka-fatigue

MANILA – Nagkabutas-butas ang bahay at van ni Social Security System president Romulo Neri sa Quezon City nang paulanan ito ng bala ng mga hindi kilalang lalaki nitong umaga ng Biyernes.

Wala namang nasaktan sa naturang insidente, batay sa ibinigay na impormsyon sa dzBB radio ni Quezon City police director Chief Superintendent Elmo San Diego.

Ayon sa isang kapit-bahay ni Neri, apat hanggang limang lalaki ang lumabas sa isang Hyundai van na kulay maroon dakong 9:15 a.m. Matapos disarmahan ang security guard sa bahay ni Neri, sinimulan nilang paputukan ang bahay at nakaparadang van ng opisyal.

"Maraming putok, akala ko madadamay kami. Naka-fatigue yung mga bumabaril," ayon sa saksi na si Gng Castro.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo sa ginawang pag-atake sa bahay ni Neri.

Nakita rin ang inabandonang Hyundai van na ginamit ng mga suspek ilang bloke ang layo sa bahay ni Neri.

Naliligo

Ayon kay Neri, naliligo ito nang marinig ang ingay sa labas ng bahay at inakalang may nalaglag lamang na mga lamesa.

Wala umano siyang natatanggap na banta kaya hindi niya alam kung sino ang nasa likod ng pamamaril sa kanyang bahay.

"I have no idea, the police are investigating it...Yung mga kotse ko na nakapark sa labas, punong-puno ng bala," pahayag ng opisyal.

Ipinapaubaya na lamang umano niya sa pulisya ang imbestigasyon sa naturang insidente.

“In fact, I reduced my security kasi wala namang threats," idinagdag niya.

Naging kongtobersiyal si Neri matapos itong masangkot sa $329.48-milyong national broadband network deal sa ZTE Corp. ng China.

Inamin niya sa pagdinig sa Senado na inalok siya ni dating Commission on Elections chairman Benjamin Abalos ng P200 milyong suhol kapalit ng pag-apruba sa proyekto noong siya pa ang pinuno ng National Economic Development Authority.

Itinanggi ni Abalos ang paratang ni Neri ngunit naging dahilan ito ng pagbibitiw niya bilang pinuno ng Comelec.

Sa kabila ng pagdalo ni Neri sa imbestigasyon ng Senado sa kinanselang proyekto, tumanggi naman ang opisyal na ibunyag kung ano ang pinag-usapan nila ni Pangulong Gloria Arroyo tungkol sa nasabing proyekto.

Iginiit niya na sakop ng executive privilege ang pinag-usapan nila ni Gng Arroyo kaya dadalhin na lamang niya sa hukay ang detalye nito. – GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Tuition freeze iginiit dahil sa El Nino
03/20/2010 | 10:06 PM
MANILA – Bunga ng pinsalang idinulot ng matinding init o El Nino phenomenon lalo na sa mga lalawigan, nanawagan ang isang senatorial candidate na huwag payagan ng pamahalaan ang anumang tuition... More
Gibo pabor sa military cooperation maging sa ibang bansa
03/20/2010 | 04:53 PM
Inihayag ni administration presidential candidate Gilberto “Gibo" Teodoro na isusulong niya na magkaroon ng military cooperation maging sa ibang bansa katulad ng ipinatutupad na Visiting Forces... More
Dayuhan bawal pa ring magpapako sa krus sa ‘Cutud’
03/20/2010 | 03:06 PM
Dahil sa mga nagdaang kontrobersiya na kinasangkutan ng mga dayuhang nagpapako sa krus sa mga dinarayong senakulo, nagdesisyon ang mga opisyal ng barangay ng San Pedro Cutud sa San Fernando,... More
OFW gives birth on plane; baby gets unique name
03/19/2010 | 11:31 PM
Isang overseas Filipino workers mula sa Dubai ang nagsilang ng kanyang sanggol sa loob ng eroplano habang nasa himpapawid. Pinangalanan ang sanggol na SQ – na hango sa eroplano na sinakyan nilang... More
6 na kandidatong pangulo posibleng idiskuwalipika ng Comelec
03/19/2010 | 07:23 PM
MANILA – Posibleng tatlong kandidato na lang sa panguluhan ang pagpilian ng mga botante pagsapit ng halalan sa Mayo 10 kapag natuloy ang babala ng Commission ng Elections laban sa anim na iba... More
Senatoriable ni Gibo saksi sa pagwawala ng dayuhan sa loob ng eroplano
03/19/2010 | 05:57 PM
MANILA – Nalagay sa peligro ang buhay ng mahigit 100 pasahero ng Philippine Airlines (PAL) Airbus A320 na biyaheng Cebu – kabilang ang isang kandidatong senador - nang magwala ang isang dayuhang... More
May rason bakit ‘di sumasama sa kampanya si Korina - Roxas
03/19/2010 | 04:11 PM
MANILA – Hindi umano nais ni vice presidential bet Sen Manuel Roxas II na makaladkad sa “partisan activities" ang maybahay niyang si Korina Sanchez kaya hindi ito sumasama sa kampanya ng Liberal... More
OFW group handang tumulong sa OAV sa Saudi
03/19/2010 | 12:30 AM
JEDDAH, Saudi Arabia – Nag-alok ng tulong sa konsulada ng Pilipinas sa nabanggit na bansa ang isang grupo ng mga overseas Filipino workers kaugnay sa isasagawang Overseas Absentee Voting na... More
Pondo sa condom gamitin na lang daw sa ibang pangangailangan sa kalusugan
03/18/2010 | 06:09 PM
MANILA – Sa halip na condom, dapat unahin umano ng Department of Health ang pagbili ng mga gamit para sa mga pampublikong pagamutan at health center lalo na sa mga lalawigan. More
Edu Manzano ‘di nakasipot sa panayam ni Mike Enriquez
03/18/2010 | 05:41 PM
MANILA – Sa kabila ng garantiya ni Edu Manzano na hindi aatras sa kanyang kandidatura, nabigo naman itong humarap sa programa ni Mike Enriquez sa dzBB radio kung saan isinasalang ang mga... More
ADVERTISEMENT
Police: Boy, 16, made racial comment at US Walmart
2010-03-21 10:05:30
WASHINGTON TOWNSHIP, New Jersey — A 16-year-old boy who police said had made an...
Manuel tows Pharex to PBL finals
2010-03-20 19:18:52
Vic Manuel scored 27 points to help Pharex B Complex complete a 96-83 win over Cossack Blue in...
Finding out who Tarlac’s presidential favorite is—in five easy steps
2010-03-21 03:08:25
CONCEPCION, Tarlac—Tarlaquenos of this almost-urbanized town are divided on whom to vote in the...
Lawmaker wants cockfighting part of RP heritage
2010-03-21 16:17:55
Cockfighting may soon be officially part of the country’s national cultural heritage, if a...