Naiwan ang Luzon: State of calamity inalis na sa Visayas, Mindanao
10/10/2009 | 08:02 PM
MANILA – Inalis na ni Pangulong Gloria Macagapal Arroyo nitong Sabado ang state of calamity sa Visayas at Mindanao, habang posibleng tumagal naman hanggang Disyembre ang deklarasyon ng kalamidad sa Luzon.
Sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde sa GMANews.TV na ang desisyon ay ginawa ni Gng Arroyo batay sa rekomendasyon ng mga opisyal ng National Disaster Coordinating Council (NDCC), Department of Trade and Industry, at Department of Agriculture.
Unang isinailalim ni Arroyo sa state of calamity ang buong bansa noong Oktubre 2 matapos ang matinding pinsalang iniwan ni bagyong “Ondoy." Layunin nitong bigyan ng pagkakataon ang mga lokal na pamahalaan na magamit ang pondo sa pagtulong sa mga nasalanta, at maghanda na rin sa mga susunod na bagyo.
Ayon kay Remonde, isinama sa state of calamity ang Visayas at Mindanao upang makontrol din ang presyo ng mga pangunahing bilihin bilang paghahanda sa epekto ng mga bagyo.
Aniya, maraming lugar din sa Mindanao ang lumubog sa baha, partikular sa Cotabato at Maguindanao noong panahon ng pananalasa ni “Ondoy."
Idinagdag ni Remonde na posibleng tumagal hanggang Disymbre ang state of calamity sa Luzon dahil sa naging epekto ng bagyong “Pepeng" sa Hilaga at Gitnang bahagi ng rehiyon.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
"Kung maawa ang Diyos sa atin at kung walang sakunang darating sa Luzon the longest siguro is up to December," pahayag ng kalihim sa panayam ng dzRB radio.
“Obviously grabe itong hinaharap nating calamity sa Northern and Central Luzon. We are still in the process of relief and rehab in Metro Manila and Southern Tagalog. But I can assure that this is not going to last for a year," idinagdag ni Remonde.
Dahil sa pag-alis ng state of calamity sa Visayas at Mindanao, sinabi ni Remonde na dapat manahimik na ang mga kritiko ng gobyerno na baka gamitin ang kautusan sa pagdedeklara ng state of emergency.
“(We) hope this announcement not only clarifies matters (but also will) reassure those among us alarmed by provocative comments about a darker agenda behind the president’s declaration of a state of calamity," ayon sa opisyal.
Sa kabila nito, maaari pa rin umanong ibalik ang state of calamity kapag nagkaroon muli ng matinding kalamidad. Binalaan din ng Malacanang ang mga negosyante sa Visayas at Mindanao na huwag samantalahin ang sitwasyon para magtaas ng kanilang mga paninda.
“’Di sa dahil na-lift they can do that.’ Di ibig sabhin hihinto ang price monitoring councils ng DTI for basic commodities and under DA for agricultural products," ani Remonde. “They will act accordingly kung may profiteering, hoarding or pagsasamantala." - GMANews.TV