Filtered by: Topstories
News
1 patay, 12 pa inoobserbahan dahil sa leptospirosis sa Bulacan
MALOLOS CITY — Isang binata ang namatay habang 12 pasyente na pinaghihinalaan kaso leptospirosis ang inoobserbahan sa Bulacan Medical Center (BMC). Ayon sa pamilya ng nasawing si Mark Anthony Jutara, 21 anyos, ng Brgy. Saog, Marilao, Bulacan, napuna nila ang pagiging matamlay nito ilang araw matapos mawala ang malalim na baha sa kanilang lugar dulot ng bagyong “Ondoy." Kasama umano si Jutara sa mga tumulong sa pagsagip sa kanyang mga kapitbahay na nalubog din sa baha noong Setyembre 27. Noong nakaraang Miyerkules, sinabi ni Gng Virginia Jutara, ina ng nasawi, nagsuka at nagtae ang anak at hanggang sa hindi na makayanan ang katawan. Bukod pa rito, napuna nila ang paninilaw ng mata at balat ni Mark Anthony, at hindi na rin umiihi. Hindi naman umano kaagad nadala ng pamilya ang anak sa pagamutan dahil sa matindi ang phobia nito sa karayom ng iniksiyon. Kinumpirma rin ni Dr. Joycelyn Gomez, provincial health officer for public health ng Bulacan, na may 12 kaso ng leptospirosis na kanilang inoobserbahan sa BMC. Ayon kay Gomez, lima sa mga kaso ay nasa intensive care unit, at pito ang nasa medical ward. “We continue to remind local residents stay away from flood waters especially children, hindi po biro ang leptopirosis," paalala ni Gomez. Ang leptospirosis ay baktirya na galing sa ihi ng daga at iba pang hayop na humahalo sa baha. Mapanganib ito sa tao at maaaring makapasok sa katawan sa pamamagitan ng mga sugat na nakababad sa tubig.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nauna ng nagbabala si Health Secretary Francisco Duque III sa posibleng pagdami ng kaso ng leptospirosis sa mga lugar na matinding binaha dahil sa nakaraang bagyo. Sinabi ni National Epidemiology Center head Dr. Eric Tayag na isa sa mga lugar na may mataas ng kaso ng leptospirosis ay naitala sa Marikina City. Inihayag naman ni DOH undersecretary Elmer Punzalan na umabot na sa 398 kaso ng sakit na ito ang naitala sa Metro Manila ngayon taon. Noong 2008, nakapagtala ang DOH ng kabuuang 700 kaso ng leptospirosis sa buong bansa. Pinaghahandaan na rin umano ng DOH ang pagtaas ng kaso ng sakit sa Cagayan Valley na matinding sinalanta naman ng bagyong “Pepeng." “Remember the ‘4 Ls’ that include lalaki, lugar na nabaha, lumusong sa baha at lagnat," payo ni Tayag. Kadalasang tinatamaan umano ng leptospirisis ay mga lalaki na mahilig lumusong sa baha. Mararamdaman ang sintomas ng sakit gaya ng lagnat at giniginaw sa loob ng 10 araw matapos lumusong sa baha. - GMANews.TV

Tags: leptospirosis, bulacan
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
More Videos
Most Popular