iGMA: Paulo Avelino advices next StarStruck batch, ‘’wag pasaway, 'wag lumaki ulo’
10/16/2009 | 05:20 PM
This November, isang bagong avenue of stardom ang papasukin ng dating StarStruck Avenger na si Paulo Avelino -- ang mundo ng hosting -- as he becomes one of the four hosts ng 'StarStruck V Update.'Jason John S. Lim.
"Isa na namang opportunity ang nag-open para sa akin at sa career ko." That's how Paulo sees his new project as one of the hosts ng StarStruck V Update that will soon air weekdays on GMA 7.
"Excited [ako] kasi first time kong magho-host ulit after ng Startalk," he continued, "at saka ito, hindi na play-time na parang sa Startalk; it's a different way of hosting, it's a different attack—ayun."
Sobrang excited na raw ang binata sa kanyang magiging bagong assignment.
Tinanong ng iGMA si Paulo kung may memorable moments ba siya sa show when he was still a contestant. At maliban daw sa bonding time niya with his batch mates, dalawa daw ang tumatak talaga sa isip niya: "Pinaka-grabe talaga 'yung sampal [ ni Ms. Jean Garcia], tsaka 'yung naka-ilang take sa Kiss Flicks namin ni Jesi Corcuera.
"First kiss niya daw ako e—nagulat ako," ayon kay Paulo.
Bilang isa sa mga active StarStruck alumni, we asked Paulo kung ano ba ang nagbago after their Final Judgment night.
"Life after StarStruck is sobrang iba," he shared.
While in StarStruck na parang naglalaro lang daw sila ng mga ibang contenders, sinabi ni Paulo na, “hindi mo pa mare-realize 'yung totoong world ng showbiz habang nasa loob ka. It happens when you come out, doon pa lang magsisimula 'yung mundo."
But he does admitted na malaki ang naitulong ng StarStruck in preparing him for his entry sa world of showbiz.
"Madaming klase ng challenges na ini-improve 'yung different kinds of skills [mo]," he cited, adding the he was able to host, act, dance and sing sa competition.
At bilang isang product rin ng StarStruck, Paulo hopes to be an inspiration sa bagong batch of hopefuls na sasalang sa StarStruck V.
"Nanggaling rin ako sa mga tests—so siguro magiging inspiration sa kanila na makikita ka na active sa showbiz," ayon sa binata.
Tip lang ni Paulo para sa new batch na papasok, ‘wag sila magpapasaway!"
At hindi pa man nagsisimula ang StarStruck V, Paulo imparts his philosophy sa mga magiging products ng parating na season ng reality artista search: "Just be yourself…be kind to everyone, at kahit anong mangyari ‘wag ninyong papapasukin 'yung pagkasikat na feeling sa ulo. Keep your feet on the ground, treat everyone, kahit sino, kahit staff pa ‘yan, kahit crew, kahit utility—treat them as equals and you'll go a long way."
Before Paulo's hosting stint for StarStruck V Update begins, matatapos muna ang kanyang story sa Dear Friend presents 3 Bachelors this Sunday, October 18.
Kuwento ni Paulo, "Sbangan ninyo kung ano ang gagawin ni Jaime (Paulo's character) sa tatay niya, at kay Jay R at Mart Escudero—pati na rin sa mga asawa nila. Damay-damay na 'to. Lahat na 'to dinamay ko sa aking problema. Kaya abangan niyo po kung hanggang saan aabot ang paghihiganti ko."
http://www.igma.tv/story/6126/StarStruck-look-back-Paulo-Avelino


















