Mobile Alerts  Newsletter  RSS  Archives  About Us  Bookmark Us  Twitter GMANews.TV
Pinoy Abroad

'Wag kang sensitive kabayan

Email the Editor Print | | More
Magandang araw sa lahat ng mga kabayan sa iba’t ibang bahagi ng mundo! Una sa lahat salamat sa GMANews.TV sa pagbibigay sa ating lahat ng pagkakataon magbahagi ng ating mga opinyon o saloobin sa lahat ng mga pangyayari sa ating paligid at sa ating mga karanasan.


Ako po ay nagtatrabaho sa Dubai kagaya ng libo-libo nating kabayan na naghahangad ng magandang kinabukasan para sa pamilya. Ang akin pong asawa at anak ay kasama ko rito sa Dubai. Pati na rin ang aking kapatid at mga pinsan.

Masasabi ko pong kami naman ay ‘di pinapabayaan ng Diyos sapagkat kahit na may global crisis ay nakakaraos naman po kami at ‘di nawawalan ng trabaho. Ang kuwento ko po ay tungkol sa isyu ng mga “isnaberong kabayan" na kung ‘di ako nagkakamali ay naging topic nyo na rin ng mga nakaraang araw.

Sana’y ‘wag naman tayong masyadong sensitibo, lalo na’t wala naman ginagawang masama sa’yo yung tao. Marami na rin akong natulungan dito na mga kabayan at karamihan ay niloko lang din ako.
– Joy

Gusto ko lang sana linawin sa ting mga kababayan lalo na dun sa mga bagong salta sa ibang bansa para maghanap ng trabaho, na hindi porke ‘di namamansin yung ibang kabayan ay mapagmataas na ang tingin.

Dito sa Dubai ay sobrang dami ng mga Pilipino na katulad sa Pilipinas na ‘di mo naman kilala ang pagkatao kahit na makasalubong mo pa. Marami na rin dito ang mga kabayan na nanloko ng sarili nilang kabayan o kaya’y ninanakawan pa. Dapat nating maintindihan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay mayroon ngingiti sa’yo o kaya’y magsasabi na “ hello, kabayan".

Sana’y ‘wag naman tayong masyadong sensitibo, lalo na’t wala naman ginagawang masama sa’yo yung tao. Marami na rin akong natulungan dito na mga kabayan at karamihan ay niloko lang din ako. Marami ang magkukuwento na kailangan na kailangan nila ang pera para sa kanilang pamilya at pagkatapos mong tulungan ay ‘di mo na mahagilap kung nasaan.

Isipin na lang natin na kung ikaw man ay magllaakad sa Cubao crossing, hindi mo naman masasabi sa lahat ng makakasalubong mo na “hello, kabayan!" ‘di ba? Mahirap na baka mamaya lang ay nakasunod na siya para holdapin ka.

Maraming salamat po sa inyong pagbasa. More power sa Pinoy Abroad!

Joy ng Dxb

Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay sa Kwentong Kapuso upang maibahagi sa iba. Ang inyong mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas.

Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad na sadyang nilikha para sa inyo.

Muli, ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Patuloy kaming hindi magsasawa na basahin ang inyong kwento - maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang at nagpapalipas lang ng oras.

Inaanyayahan din naman ang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na may bahagi sa buhay ng isang OFW na nais magpaabot ng kanilang saloobin sa kanilang minamahal na nakikipagsapalaran sa ibayong-dagat.

Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa aming mga kababayan saan mang bahagi ng mundo, saludo kami sa inyo mga Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!
Email the Editor Print | | More
ADVERTISEMENT
Ward welcomes Kessler to US for title bout
2009-11-21 14:21:17
OAKLAND, California — Andre Ward feels he's been an underdog from the moment he was...
SM Prime eyes overseas listing of China malls
2009-11-20 10:25:45
SM Prime Holdings Inc., the country’s largest owner and operator of shopping malls, is studying...
Don't pay P10M ransom, Basilan hostages' kin told
2009-11-20 00:20:05
The military on Thursday appealed to the families and superiors of the three abducted factory...
Pinoy kids from 'down under' retrace their roots
2009-11-20 04:27:17
A new generation of Filipino-Australian kids are spending their time learning everything about...