Filtered By: Showbiz
Showbiz

Paolo Contis’ gf Lian Paz is 4 months pregnant


Kinumpirma ng versatile actor na si Paolo Contis sa StarTalk nitong Sabado na apat na buwan ng buntis ang kanyang nobya na dating miyembro ng dance group na EB Babe na si Lian Paz. Sa ginawang panayam ni Ricky Lo, isa sa mga host ng StarTalk sa GMA 7, binasag na nina Paolo at Lian ang mga kumakalat na blind item na tila tumutukoy sa kanilang dalawa. “She’s four months going five," tugon ni Paolo nang tanungin ni Ricky tungkol sa tunay na kalagayan ni Lian na medyo halata na ang umbok ng tiyan. Pero bakit ngayon lang sila nagsalita? “Honestly nauna ang blind item bago naging totoo ang balita," ayon kay Paolo. “Siyempre inuna na muna naming sabihin sa mga ano, ang mga dapat makaalam. Of course sa mga katrabaho natin sa GMA, si ‘Nay Lolit (Solis), my family, her family. Wala naman kaming planong itago…ever." Dahil sa pagbubuntis ni Lian, naungkat na rin ang tungkol sa sakit nito sa ovary. “Medyo nahirapan akong magbuntis," pahayag ni Lian. “Yung first trimester ko maselan ako, kailangan nakahiga lang ako kasi mababa yung progesterone ko. Kailangan ko pang mag-take ng pampakapit then." Ayon kay Paolo, tatlo ang naging rekomendasyon sa kanila tungkol sa sakit sa ovary ni Lian. Una na rito ang operasyon, ikalawa ang pagpapatigil sa “buwanang dalaw" ni Lian ng isang taon, at ang ikatlo na kanilang pinili – fertility. “Kaming dalawa siyempre (ang nagdecide) pinag-usapan naming dalawa. Kaya nga nung lumabas (yung balita) na ayokong panagutan (ang pagbubuntis) paanong ayokong panagutan, yung nga ang choice namin," paliwanag ng aktor.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Isyu sa ina Minsan na ring napaulat na hind pabor ang ina ni Paolo kay Lian, at malapit daw ang ina niya sa dating nobya na si Isabel Oli. Pero ayon kay Paolo, masaya siya dahil nagkausap na raw ang dalawang mahalagang babae sa kanyang buhay. “Mommy ko ano quite lang yun, of course it will take a time kasi medyo matagal na hindi naman sila nagkausap, maraming intriga. It will be… first step na nagkita sila, I was there kabado, sana Ok, nagkita sila, I was very very happy," pagbahagi ni Paolo. Nais na rin ni Paolo na matigil ang mga usapin tungkol sa pagiging malapit ng kanyang ina kay Isabel. “No, kasi laging may kumakalat na ganun. My family, is my family, si Lian family na ng family ko ngayon," deklara niya. May mensahe naman si Lian sa mommy ni Paolo. “Happy po ako nagkakilala na po tayo at last. Sana meron po tayong mas maganda pang darating na time together. Mamahalin ko po ang anak n’yo ‘wag kayong mag-alala." Ano naman kaya ang naging reaksyon ng kanyang nanay-nanayan sa showbiz at manager na si Lolit? “Masaya si ‘Nay Lolit. Ang maganda kay ‘Nay Lolit, serious na serious pa ko, sabi ko ‘Nay may sasabihin ako sa’yo, sabi nya, ‘ano dyuntis na?," natatawang kuwento ni Paolo. "Sabi nya congratulation!" Tungkol sa career ni Lian sa pagiging dating miyembro ng all-girls dance group ng EB Babes ng Eat Bulaga, inamin ni Lian na hindi na siya nag-renew ng kanyang kontrata sa manager na si Malou Choa-Fagar. “Actually wala na, umalis na po ako sa Bulaga hindi na po ako nag-renew. If ever na pagkatapos kong manganak kung magwo-work pa ako, given a chance bakit hindi. Pero siyempre itutuon ko muna ang atensiyon ko for the baby," paliwanag niya. Tumanggi naman muna si Paolo na magsalita tungkol sa kanilang kasal kung magaganap ito bago o pagkatapos isilang ang kanilang baby. Gayunman, labis ang pasasalamat ni Paolo kay Lian dahil hindi siya iniwan sa kabila ng mga intriga na kanilang pinagdaanan. “Si Lian marami kaming pinagdaanan. I always thankful kay Lian that she stayed with me, sa lahat ng pangit, lahat ng trials, lahat mostly ng paninira sa kanya," ayon sa aktor. - Fidel Jimenez, GMANews.TV