Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Pakiusap namin sa mga mister


Hi sa inyong lahat mga kababayan ko at home at sa abroad. Sa sobrang hirap ng buhay sa Pilipinas, ang pag-a-abroad ang unang maiisip na solusyon ng halos lahat na nandito na sa abroad. Kahit alam namin na buhay ang nakataya,sinikap pa rin naming makalabas for so many reasons. Binalewala na namin ang sarili namin, our first priority ay ang family. Minsan kahit malas ang buhay dito, tinitiis na lang para may perang mapadala sa Pilipinas. Para naman sa katulad ko na may mga asawang naiwan, sana isipin n’yo rin na nagtitiis kami para sa ikabubuti ng ating pamilya. Pero ano ang nagiging kapalit noon? Habang kami ay nagsisikap dito, kayong mga asawang lalaki ay nagpapasarap ng buhay, nambabae at halos ubusin na ang perang ipinapadala sa walang kuwentang bisyo. Sana mahiya naman kayo. Kmi na nga ang tumatayong padre-de-familia ‘yon pa ba ang isusukli ninyo?


All we are asking from you is to be a good husband. Is that too much to ask? Sana maawa naman kayo sa amin.
– Ivy
All we are asking from you is to be a good husband. Is that too much to ask? Sana maawa naman kayo sa amin. Alam n’yo ba na 24/7 ang trabaho namin dito? Kahit ‘di na namin kaya, kinakaya at tinitiis pa rin naming…at alam nyo ba kung bakit? because of you! Kayo ang insperasyon namin kaya kahit anong hirap ay makaya namin dito. Iniisip kasi namin na we have to do this, or that para may maipadala na naman kami sa end of the month. Gusto kasi namin na kahit mamatay-matay na kami sa hirap dito basta mabigyan namin kayo ng magandang buhay. So sinulat ko ito in behalf ng mga asawang nandito sa abroad na nagpapaka-martir dahil sa pamilya. Ika nga, everything we do, we do it for you... so please help us. Ivy Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay sa Kwentong Kapuso upang maibahagi sa iba. Ang inyong mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad na sadyang nilikha para sa inyo. Muli, ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Patuloy kaming hindi magsasawa na basahin ang inyong kwento - maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang at nagpapalipas lang ng oras. Inaanyayahan din naman ang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na may bahagi sa buhay ng isang OFW na nais magpaabot ng kanilang saloobin sa kanilang minamahal na nakikipagsapalaran sa ibayong-dagat. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa aming mga kababayan saan mang bahagi ng mundo, saludo kami sa inyo mga Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!