Robin Padilla wants BB Gandanghari in action scenes not Rustom Padilla
10/27/2009 | 09:53 PM
Pinag-aaral ni Robin Padilla ang kapatid na si BB Gandanghari ng martial arts bilang paghahanda sa gagawin nilang pelikula na kukunan sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa.
“Siya ang magiging bida pero mayroon pa siyang ibang mga ‘gandanghari’ na kasama," patikim na kuwento ni Robin sa istorya ng movie ni BB Gandanghari kay entertainment reporter Nelson Canlas.
Si Robin ang tatayong producer at fight instructor ng action movie ni BB Gandanghari. Aniya, gusto niyang makita sa fight scenes ang kanyang kapatid na si BB Gandanghari at hindi ang dating ‘Rustom Padilla.’
“Pinag-aaral ko siya ng arnis-de-mano sa Cebu. Kasi ayokong magmukha siyang lalaki sa fight scenes. Gusto ko kapag nakipag-fight siya talagang…(kapag) bigla kong makikita sa Rustom, ayoko nun. Talagang pangatawanan n’ya, ‘yan ka, trip mo ‘yan pangatawanan mo ‘yan," pagpapatuloy ni Robin sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.
Kasabay nito, inihayag din ni Robin na handa niyang suportahan ang bagong talagang pinuno ng Optical Media Board (OMB) na si Ronnie Ricketts sa kampanya nito kontra piracy.
Si Ronnie ang pumalit kay Edu Manzano na balitang tatakbong senador sa 2010 elections.
Sa naunang panayam, sinabi ni Ronnie na nais niyang makausap si Robin para hingan ng tulong sa mga kapatid nitong Muslim.
“One of this days I want to meet Robin as well kasi marami siyang kapatid na Muslim brothers na hopefully I can also talk to the leaders as well na hindi na kailangan maging confrontational," ayon kay Ronnie.
Tugon naman ni Robin sa panayam ng GMA news nitong Martes, “Kahit kaninong kapatid ko sa industriyang Pilipino handa akong tumulong sa abot ng aking makakaya. At isang napakagandang posisyon yung ibinigay kay Maestro (Ronnie) kaya siguro dapat natin siyang tulungan." – Fidel Jimenez, GMANews.TV
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV