Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

8 patay, 24 sugatan sa aksidente sa Isabela

Walong tao ang patay at aabot sa 24 na iba pa ang nasugatan nang magsalpukan ang isang pampasaherong bus at isang pick-up truck sa Cauayan City, Isabela nitong madaling-araw ng Miyerkules.

Sa ipinadalang text message sa media, sinabi ng hepe ng Cagayan region police na si Chief Superintendent Roberto Damian, na naganap ang banggan ng Dagupan Bus Lines at Toyota Hilux pick-up truck sa national highway na sakop ng Barangay Tagaran sa Cauayan City.

Papunta umano ang pampasaherong bus sa bayan ng Tuao, Cagayan nang makabanggan ang pick-up truck dakong 3:30 a.m.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Sinabi ni Damian sa dzBB radio na kasama sa walong nasawi ang drayber ng pick-up na si Perlito Bautista, at pitong pasahero ng bus. Anim sa mga nasawi ay dinala sa Funeraria Carbonel sa Cauayan City.

Samantala, ang mga nasugatan ay isinugod naman sa Cauayan District Hospital at Garcia General Hospital sa nabanggit din na bayan.

Lumilitaw sa pahayag ng ilang testigo na ang bus ang nawala sa linya kaya nabangga ang Toyota Hilux.

"Nag-swerve ang bus, tumama sa Hilux. Nahulog sa bangin yung bus," pahayag ni Damian sa dzBB batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya. – GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Tuition freeze iginiit dahil sa El Nino
03/20/2010 | 10:06 PM
MANILA – Bunga ng pinsalang idinulot ng matinding init o El Nino phenomenon lalo na sa mga lalawigan, nanawagan ang isang senatorial candidate na huwag payagan ng pamahalaan ang anumang tuition... More
Gibo pabor sa military cooperation maging sa ibang bansa
03/20/2010 | 04:53 PM
Inihayag ni administration presidential candidate Gilberto “Gibo" Teodoro na isusulong niya na magkaroon ng military cooperation maging sa ibang bansa katulad ng ipinatutupad na Visiting Forces... More
Dayuhan bawal pa ring magpapako sa krus sa ‘Cutud’
03/20/2010 | 03:06 PM
Dahil sa mga nagdaang kontrobersiya na kinasangkutan ng mga dayuhang nagpapako sa krus sa mga dinarayong senakulo, nagdesisyon ang mga opisyal ng barangay ng San Pedro Cutud sa San Fernando,... More
OFW gives birth on plane; baby gets unique name
03/19/2010 | 11:31 PM
Isang overseas Filipino workers mula sa Dubai ang nagsilang ng kanyang sanggol sa loob ng eroplano habang nasa himpapawid. Pinangalanan ang sanggol na SQ – na hango sa eroplano na sinakyan nilang... More
6 na kandidatong pangulo posibleng idiskuwalipika ng Comelec
03/19/2010 | 07:23 PM
MANILA – Posibleng tatlong kandidato na lang sa panguluhan ang pagpilian ng mga botante pagsapit ng halalan sa Mayo 10 kapag natuloy ang babala ng Commission ng Elections laban sa anim na iba... More
Senatoriable ni Gibo saksi sa pagwawala ng dayuhan sa loob ng eroplano
03/19/2010 | 05:57 PM
MANILA – Nalagay sa peligro ang buhay ng mahigit 100 pasahero ng Philippine Airlines (PAL) Airbus A320 na biyaheng Cebu – kabilang ang isang kandidatong senador - nang magwala ang isang dayuhang... More
May rason bakit ‘di sumasama sa kampanya si Korina - Roxas
03/19/2010 | 04:11 PM
MANILA – Hindi umano nais ni vice presidential bet Sen Manuel Roxas II na makaladkad sa “partisan activities" ang maybahay niyang si Korina Sanchez kaya hindi ito sumasama sa kampanya ng Liberal... More
OFW group handang tumulong sa OAV sa Saudi
03/19/2010 | 12:30 AM
JEDDAH, Saudi Arabia – Nag-alok ng tulong sa konsulada ng Pilipinas sa nabanggit na bansa ang isang grupo ng mga overseas Filipino workers kaugnay sa isasagawang Overseas Absentee Voting na... More
Pondo sa condom gamitin na lang daw sa ibang pangangailangan sa kalusugan
03/18/2010 | 06:09 PM
MANILA – Sa halip na condom, dapat unahin umano ng Department of Health ang pagbili ng mga gamit para sa mga pampublikong pagamutan at health center lalo na sa mga lalawigan. More
Edu Manzano ‘di nakasipot sa panayam ni Mike Enriquez
03/18/2010 | 05:41 PM
MANILA – Sa kabila ng garantiya ni Edu Manzano na hindi aatras sa kanyang kandidatura, nabigo naman itong humarap sa programa ni Mike Enriquez sa dzBB radio kung saan isinasalang ang mga... More
ADVERTISEMENT
Megaworld secures deal to help develop JUSMAG
2010-03-19 23:07:40
Megaworld Corp. was chosen as the government’s joint venture partner to develop the Joint United...
Oversized posters may ban six bets from presidential contest
2010-03-19 16:00:34
Six presidential candidates may face disqualification after their campaign materials have...
Myanmar guerrilla chief warns of war ahead of vote
2010-03-19 16:38:47
BANGKOK — The head of Myanmar's largest guerrilla army warned Friday that the risk of armed...
PEP: Justine Ferrer talks about life after Survivor Philippines: Palau
2010-03-19 15:31:22
Survivor Philippines: Palau finalist Justine Ferrer did not expect to have a career on...