Undas magiging maulan – Pagasa
10/28/2009 | 11:55 PM
MANILA – Ihanda na ang mga payong pagpunta sa mga sementeryo sa Nobyembre 1 dahil inaasahang magiging maulan sa araw ng Undas dahil sa paparating na bagyo, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ni Nathaniel Cruz, tagapagsalita ng Pagasa, na papasok na sa teritoryo ng Pilipinas ang bagong bagyo na papangalanang “Santi" bago matapos ang nabanggit na araw.
Inaasahang tatama sa kalupaan si Santi sa Gitna o Hilagang bahagi ng Luzon sa Sabado ng gabi. Posible umanong maging maulan sa Nob. 1 sa katimugang bahagi ng Luzon, pati na sa Metro Manila.
Ayon kay Cruz, lumakas pa lalo ang bagyo na namataan nitong hapon ng Miyerkules sa 1,390 km silangan ng Gitnang Luzon. Taglay nito ang pinakamakas na hangin na 120 kph malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 150 kph. Bahagyang bumagal ang kilos nito patungo sa kanluran sa bilis na 22 kph.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Pinaalalahanan naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., pinuno rin ng National Disaster Coordinating Council (NDCC), ang publiko na mag-ingat at maging handa sa pagtungo sa mga libingan.
“We see difficulties if our countrymen are not aware of the coming typhoon and they are planning to visit their relatives at the cemeteries. They may be trapped there and this may cause traffic congestion in the streets and may delay the response and relief efforts that may be needed to be done," pahayag ni Teodoro sa isinagawang press briefing sa Camp Aguinaldo.
Pinayuhan niya ang publiko na pumunta sa mga libingan ng mas maaga para bisitahin ang mga pumanaw na mahal sa buhay.
“Let us avoid visiting our relatives at the cemeteries and if they really need to make a visit, we can do it earlier, before Saturday," payo ng kalihim. - GMANews.TV