Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Bagong panuntunan sa PBA ipatutupad dahil sa naganap na bugbugan

MANILA – Maglalabas umano ng bagong panuntunan ang Philippine Basketball Association sa mga susunod na araw upang maprotektahan ang mga manlalaro at fans kasunod ng naganap na bugbugan sa naturang liga.

Sa isinagawang pagdinig ng House committee on games and amusement nitong Miyerkules, sinabi ni Angelito Alvarez, chairman of the board ng PBA, na marami silang nakitang problema sa nangyaring insidente na kinasangkutan ng isang player at tagahanga na nanonood sa court side.

“It will be an all-encompassing code of conduct. Maraming nakitang problema because of this incident," patungkol ni Alvarez sa gulong nangyari noong Oktubre 16 na kinasangkutan nina Burger King player Wynne Arboleda at fan na si Alain Katigbac, 31-anyos, negosyante.

“This incident is an eye-opener for all of us. We will come up with a new set of guidelines to improve things. This is an opportunity for us to improve," pagtiyak ni Alvarez kay Manila Rep. Amado Bagatsing, tagapangulo ng komite.

Sinabi naman ni Bagatsing na handa ang kapulungan na tulungan ang PBA at Games and Amusement Board sa magiging proseso ng liga para hindi na maulit ang insidente noong Oct 16 at maprotektahan ang mga manlalaro at tagahanga.

“If you guys need legislation, we will be more than willing to help. But let it not be said that we are not doing anything," anang kongresista. “There has to be parameters. The most important thing is that PBA and GAB sit down to discuss these things."

“There should be guidelines for the better understanding of all concerned," idinagdag ni Bagatsing. “He said there is not even a code of conduct, and will only be forced to issue one because three incidents already occurred this year, the worst of which is the Arboleda incident."




Sa mga nangyayaring insidente sa PBA, sinisi ni Bagatsing ang mga referee na dapat umanong unang gumigitna para hindi na mangyari ang kaguluhan.

“There are lessons to be learned here. The PBA, through the referees, should have made the decision. It’s not (the fault) of the coach, not the player, but the referee. Kasi pag nakita ng referee, hindi masusubo ang player," pagdiin niya.

Dumalo sa naturang pagdinig si Arboleda kung saan humingi siya ng paumanhin sa nangyari at nangakong hindi na muling masasangkot sa kaguluhan.

Dahil sa parusang one-year suspension, sinabi ni Arboleda na tinatayang P1.7 milyon ang nawala sa kanyang sahod.

“Mabigat po sa akin iyun dahil may family din po ako, pero kung ano man pong blessing ay tatanggapin ko na lang," ayon sa manlalaro.

Pinuntirya naman ni Aba-Ako party-list Rep. Leonardo Montemayor, ang sistema sa PBA upang kaagad sitahin ang mga fans na nanlalait sa mga manlalaro upang maiwasan ang gulo.

“Prevention is very important in the sense that hecklers in the crowd should be checked right away, to prevent players from doing something drastic," pahayag niya.

Inihayag naman ni Sta. Lucia player Marlou Aquino na hindi lang ang mga manlalaro ang nagiging biktima ng mga nangungutiyang fans kundi maging ang miyembro ng kanilang pamilya.

Sinabi ni Aquino na minsan na rin naging biktima ng mga heckler ang dalawa niyang anak nang manood ang mga ito sa isa niyang laro. - GMANews.TV
ADVERTISEMENT
Strike begins as talks between BA, union collapse
2010-03-20 14:40:02
A three-day strike by British Airways cabin crew affecting thousands of travelers began Saturday...
Binay adviser escapes slay try in Cainta
2010-03-21 19:04:48
A long-time political adviser of Makati mayor and vice presidential aspirant Jejomar Binay was...
Pope's Irish letter faces critical Catholic world
2010-03-20 07:28:29
Pope Benedict XVI addresses Ireland on Saturday in a letter apologizing for the sex abuse scandal...
Sulu bets sign peace covenant, vow clean polls
2010-03-21 15:19:37
SULU, Philippines – Local politicians on Sunday signed a peace covenant and pledged to...