Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Rhian Ramos finds magic in ‘Cholo’s’ kiss


In last Thursday’s episode of Stairway to Heaven, nagkaroon na naman ng moment sina Cholo (Dingdong Dantes) at Jenna (Rhian Ramos). And while both are engaged to marry other people sa soap, sinabi ng aktres na nahuhulog na ang loob nya sa karakter ng aktor. Sa set ng Stairway to Heaven, inamin sa iGMA ni Rhian na mahal na niya si Cholo. "Dapat namang mahalin ko siya," pagdiin ni Rhian. Siyempre nga naman, she is playing Jenna who used to be Jodi, who is madly in love with the charming Cholo. Pero paano na si Tristan/Charlie (TJ Trinidad) na tila nalilito sa sitwasyon. "Kasi 'yung nangyayari ngayon, lagi niyang naririnig ng 'Jodi. Jodi. Jodi.' 'yung gusto niyang mangyari, gusto niyang sabihin, 'Hindi ako si Jodi, wag mo akong mahalin.' 'yung problema, minamahal na niya si Cholo. Parang gusto niya, sana nga siya na lang si Jodi. Kaso lang hindi e. 'Hindi ako 'yung mahal mo.' Yun 'yung conflict sa loob," kuwento ni Rhian. Rhian continues that she thinks the only reason Jenna agreed to marrying Charlie in the first place is, "akala niya ‘yun 'yung tama; ‘yun 'yung dapat niyang gawin." "Si Tristan kasi, si Charlie, safety net niya ‘yan e." The actress reminds us that ever since Jenna lost her memory, si Charlie na ang laging nasa tabi niya. "Si Charlie lang ang naging guide niya sa kung sino ba talaga siya." "Inakala niya kasing tinutulungan siya ni Charlie para makaalala; kaya ang laki ng trust niya kay Charlie at ayaw niya itong masaktan," she said. Though, she already has. Rhian shares with us na isa sa mga favorite sequences niya 'yung scene na hinalikan siya ni Cholo—at huminto ang mundo niya. "Pinakagusto kong eksena 'yun," she revealed. "Parang ang feeling ko, wow! May magic ang love. Tapos hindi man lang namin napansin na nandoon si Tristan." "Pero naniniwala ako na ‘yun nga 'yung feeling, 'di ba? Dapat ‘yun nga 'yung feeling ng kiss—na tumitigil ang mundo," Rhian added. Of course, Rhian wants to reassure her fans that what they see on-screen stays on screen. Sabi nga niya, when asked kung ano ang perfect na working relationship para sa kanya, she would say it's working with Dingdong. "Mayroon kaming isang perfect na working relationship where anything na hindi work, hindi namin iniisip." Rhian explained. "Naka-focus lang talaga kami. Kung ano ang eksena—‘yun ‘yon. Kaya siguro naaabot din namin 'yung intensity na kinakailangan doon sa mga eksena. Kasi ‘yun na 'yung focus namin e—work talaga. So napakaganda nitong working relationship [namin]." Not that they don't talk about personal things too. "Kaya naman pag-usapan ang mga personal [na bagay]," Rhina said. "Pero, alam mo ‘yun, sobrang priority talaga namin ang trabaho? Once na nandito kami, trabaho lang." And that's also the reason why Rhian isn't put off by the fact that Dingdong is not single. "Hindi naman talaga ako nailang sa fact na 'yun; kasi bilang artista, sa tingin ko, kung ano ang sa totoong buhay, wala na dapat akong pakialam doon." Rhian continued, "at saka there shouldn't be a difference na umaarte ka kasama ang leading man na single, sa umaarte ka na kasama ang leading man na taken. Dapat walang difference kung paano ka umarte." Rhian assured the televiewers that what she and Dingdong has, is purely a working relationship. "Gusto ko silang bigyan ng assurance na wala dapat silang ikagalit or anything." Stairway to Heaven airs weeknights pagkatapos ng Darna at bago magsimula ang Rosalinda, sa GMA-7. - Jason John S. Lim, iGMA