Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Lider ng robbery group na sumalakay sa Greenbelt 5 napatay sa Cebu

COMPOSTELLA, Cebu – Apat na tao kabilang ang pinapaniwalaang lider ng kilabot na Alvin Flores Gang na nanloob sa Greenbelt 5 sa Makati noong Oktubre 18 ang napatay sa shootout sa mga awtoridad sa bayang ito nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat ni Cebu GMA News reporter Lalaine Go, ihahain sana ng pinagsanib na tauhan ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation (NBI), ang arrest warrant sa mga suspek para sa kasong illegal possession of firearms nang maganap ang engkuwentro.

Nanlaban umano ang mga suspek at napatay ang apat sa kanila kabilang ang itinuturong lider ng grupo na si Alvin Flores, ayon kay Roel Bolivar, hepe ng Reaction, Arrest and Interdiction Division (RAID) sa Manila.

Ang iba pang nasawi ay sina Richie Hijapon at Mark Salamanca, habang hindi pa nakikilala ang isa pa.

Naaresto naman ang isa pang suspek na si Rene Batiancila na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms sa Caloocan City.

Galing naman sa korte ng Antipolo ang ipinalabas na warrant of arrest laban kay Flores dahil sa kasong robbery.



Kaagad umanong nagtungo ang mga awtoridad sa Cebu matapos makakuha ng impormasyon ng umalis na sa Maynila ang grupo ni Flores makaraang ang pagsalakay sa isang tindahan ng mamahaling relo sa Greenbelt 5.

Hindi malinaw sa pulisya kung bakit nasa Cebu ang grupo ni Flores, bagaman inihayag ni NBI Central Visayas regional director Medardo de Lemos na unang pagkakataon na nakita nila ang grupo sa lalawigan.

Si Flores ay may nakapatong na pabuyang P500,000 sa kanyang ikadarakip.

Kilala ang Alvin Flores Gang sa mga mapangahas na pagsalakay sa mga establisimyento at gumagamit ng mga uniporme ng mga awtoridad.

Isang miyembro ng grupo ni Flores ang napatay ng mga tauhan ni Taguig Mayor Sigfredo "Freddie" Tinga nang magkabarilan nang looban ng mga suspek ang tindahan ng mamahaling relo sa Greenbelt 5. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Mga kandidato umarangkada sa unang araw ng kampanya
02/09/2010 | 11:20 PM
MANILA – Kanya-kanyang gimik, pagpapapogi at paninira sa kalaban ang bumungad sa unang araw ng kampanya nitong Martes para sa mga kandidato sa pambansang posisyon sa darating na halalan sa Mayo. More
Pagdakip sa 43 health workers sisiyasatin ng Senado
02/09/2010 | 09:28 PM
MANILA – Kahit nakabakasyon ang Kongreso, naghain ng resolusyon si Sen. Pia Cayetano sa kapulungan para imbestigahan ang pag-aresto sa 43 health workers sa Morong, Rizal na pinaghihinalaang... More
Pagdanganan pinayagan ng umupo bilang gobernador ng Bulacan
02/09/2010 | 08:44 PM
MANILA – Opisyal ng manunungkulan bilang gobernador ng Bulacan si dating Agrarian Reform Secretary Roberto Pagdanganan matapos ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang apela ng pinatalsik... More
Feb 16, 2010: Huling araw ng aplikasyon ng WWII vets para sa US benefits
02/09/2010 | 06:34 PM
MANILA – May isang linggo pa para makapagsumite ng aplikasyon ang mga Pilipinong beterano ng World War II upang makatanggap ng mga benepisyong ipinagkakaloob ng mga Amerika. More
Comelec bigong mag-report sa Kongreso tungkol sa automated polls
02/09/2010 | 05:54 PM
MANILA – Nagpahayag ng pagkabahala nitong Martes si Speaker Prospero Nograles Jr kaugnay sa kabiguan ng Commission on Elections (Comelec) na magsumite sa Kongreso ng ulat tungkol sa kalagayan ng... More
Isiniwalat ni Enrile na panunuhol ni Villar pinagdududahan
01/27/2010 | 09:52 PM
MANILA – ‘Dapat pa bang paniwalaan ang tao na minsan ng umamin na pineke niya ang sariling ambush noong panahon ng martial law? More
Pinay sa Saudi nagpamalas ng kabayanihan sa pagtulong sa kababayan
01/27/2010 | 05:21 PM
JEDDAH, Saudi Arabia – Isang Pinay ang nagpakita ng kabayanihan nang tulungan ang isang kababayan domestic hleper na minaltrato ng kanyang amo sa loob mismo ng paliparan sa Dammam. More
Lalaki kulong matapos humirit ng sex kapalit ng naked pics ng ex-gf
01/27/2010 | 04:25 PM
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Sa halip na malambot na kama, matigas na rehas ang hinihimas ngayon ng isang 38-anyos na nursing student matapos ipakulong ng kanyang dating kasintahan. More
Shell pinayuhang ayusin ang ‘utang’ na P7B kaysa manakot
01/26/2010 | 11:59 PM
MANILA – Sa halip na sindakin ang gobyerno, pinayuhan ng ilang mambabatas ang pamunuan ng Pilipinas Shell na humanap ng paraan kung papaano babayaran ang P7.3 bilyong utang umano nito sa buwis. More
Sesyon ng Senado nilayasan ni Sen Santiago
01/26/2010 | 09:21 PM
MANILA – Galit na nilayasan ni Senador Miriam Defensor Santiago ang sesyon ng Senado nitong Martes matapos magtalumpati upang ilabas ang galit kay Senate President Juan Ponce Enrile. More
ADVERTISEMENT
Gibo highlights LGU support in kick-off sortie
2010-02-09 20:02:59
Forty district representatives, twenty city mayors, and over a hundred local executives from all...
Chinese envoy in N. Korea; 2 Koreas meet at border
2010-02-08 13:26:28
SEOUL, South Korea — A senior Chinese envoy was in North Korea on Monday on a mission to persuade...
Talk ‘N Text fined over P1M for walkout vs Ginebra
2010-02-09 15:41:21
The walkout staged by Talk N’ Text that marred Game 4 of its PBA Philippine Cup quarterfinal...
Ohio strip club hosts 'Lap dances for Haiti'
2010-02-09 09:52:11
TOLEDO, Ohio – A strip club in Ohio has raised $1,000 for Haitian earthquake relief during what...