Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Entertainment

Survivor Philippines Palau: City Hall hunk fails to enter Top 5

Mula sa labing-anim, lima na lang ngayon ang natitirang castaways ng Survivor Philippines: Palau pagkatapos mapatalsik sa pinakahuling Tribal Council ang Manila City Hall employee na si Shaun Rodriguez.

Dahil sa kanyang lakas sa challenges, itinuturing na malaking threat si Shaun ng kanyang kapwa castaways kaya nagdesisyon silang siya ang tanggalin.

Nawalan ng bisa ang automatic two votes na nakuha ng chef at restaurant owner na si Mika Batchelor mula sa "blood pearl" na ibinigay sa kanya ng natanggal last week na si Suzuki Sadatsugu. Limang boto ang nakuha ni Shaun laban sa tatlong boto ni Mika.

Bago gawin ang botohan ay tinanong ng host na si Paolo Bediones ang natitirang anim na castaways—sina Shaun, Mika, Justine Ferrer, Amanda Colley Van Cool, Jef Gaitan, at Charles de Vera Fernandez—ng revealing questions tungkol sa kanilang strategy.

Isa sa mga tinanong ni Paolo ay kung sino sa natitirang castaways ang gusto nilang makasama sa Top 2. Tatlo ang pumili kay Justine: sina Jef, Shaun, at Charles. Pinili naman nina Mika at Amanda ang isa't isa, at si Jef ang pinili ni Justine na makasama sa Top 2.

Maluwag namang tinanggap ni Shaun ang kanyang pagkakatanggal pagkatapos niyang makaligtas noong isang linggo dahil sa hidden immunity necklace na nasa kanyang pag-aari. Napabuntung-hininga lang siya nang basahin ni Paolo ang pangalan niya sa huling parchment paper na naging hudyat ng kanyang pagkakatanggal.

Sa kanyang exit interview, sinabi ni Shaun na para sa kanya, si Justine ang sole survivor. Totoo rin daw ang sinabi niya kay Justine na ito ang isasama niya sa Final 2 kahit na alam niyang wala siyang tsansang manalo laban sa tinaguriang reyna ng Isla Purgatoryo.

Bagamat wala na siyang pagkakataong manalo ng tatlong milyong piso at tanghaling Pinoy Sole Survivor, nanalo naman si Shaun ng P100,000 cash pagkatapos niyang manaig sa huling Reward Challenge—isang mahabang obstacle course.

Si Amanda naman ang nanalo sa huling Immunity Challenge kaya naligtas siya sa Tribal Council. Bukod sa kanyang panalo ay nakausap din niya ang kanyang mga magulang na nasa U.S. Pinili niya si Mika na makasama sa special reward at makausap din ang mga mahal nito sa buhay.

Pagkatapos ng Immunity Challenge ay nakasama ng mga castaways pabalik ng kanilang camp ang tinaguriang "bad boy" ng Season 1 ng Survivor Philippines na si Marlon Carmen, na naging bisita nila hanggang kinabukasan. Isa-isang kinausap ni Marlon ang natitirang castaways upang "guluhin" ang mga utak nito at alamin ang diskarte nila.

Sa pagkakatanggal ni Shaun, siya ang ika-limang miyembro ng Jury na magdedesisyon kung sino ang tatanghaling Pinoy Sole Survivor. Makakasama niya rito ang mga unang natanggal sa merged tribe na Sonsorol na sila Marvin Kiefer, Tara Macias, Echo Caceres, at Suzuki Sadatsugu. - Erwin Santiago, PEP
Other Entertainment stories
New Kapuso star Princess Snell willing to take sexy roles for stardom
03/16/2010 | 10:40 PM
Handa raw sunggaban ng bagong Kapuso star na si StarStruck V Avenger Princess Snell ang anumang oportunidad na darating sa kanya para sumikat sa pinasok na career. More
PEP: Nina Kodaka shoulders the education of her two cousins
03/16/2010 | 07:28 PM
Bagamat nagsisimula pa lang ang StarStruck V Avenger na si Nina Kodaka na kumita sa kanyang pag-aartista, pero ngayon pa lang ay tumutulong na siyang makapag-aral ang ilan niyang mga kamag-anak. More
PEP: Arnel Pineda apologizes to National Historical Institute; asserts artistic freedom
03/16/2010 | 05:35 PM
Whenever Pinoy boxing champ Manny Pacquiao fights, the Filipinos always look forward not only to the event itself but also to whoever will perform the Philippine national anthem, "Lupang Hinirang." More
iGMA: Paolo Contis’ unforgettable birthday
03/16/2010 | 05:16 PM
Being one of today’s most talented personalities in show business, Paolo Contis definitely welcomed his 26th birthday last Sunday with many blessings. More
Brillante's 'Lola' wins grand prize in Miami filmfest
03/16/2010 | 03:59 PM
Brillante Mendoza, dubbed in reviews as "the brightest star in the constellation of Philippine filmmakers," has bagged yet another jewel for the Philippines. More
PEP: Aljur Abrenica says Alkris loveteam is 'friendly competition'
03/16/2010 | 03:20 PM
Maganda ang pasok ng taong 2010 para kay Aljur Abrenica. Ang primetime series nila ni Kris Bernal na The Last Prince ang naging opening salvo ng GMA-7 this year. Bagamat may kaba noong una,... More
Genesis inducted into Rock Hall in NYC ceremony
03/16/2010 | 10:29 AM
NEW YORK — English progressive rockers turned 1980s pop stars Genesis were inducted into the Rock and Roll Hall of Fame on Monday, joined by two other acts that thrived in second lives — ABBA and... More
AP source: Jackson in $200M-plus recording deal
03/16/2010 | 09:53 AM
LOS ANGELES — The estate of Michael Jackson has landed the late King of Pop the biggest recording deal in history: a $200 million guaranteed contract with Sony Music Entertainment for 10 projects... More
British actress Kate Winslet splits from husband
03/16/2010 | 08:59 AM
LONDON – British movie star Kate Winslet has separated from her film director husband Sam Mendes after nearly seven years of marriage, their law firm said Monday. More
ADVERTISEMENT
Facebook opens office in India, first in Asia
2010-03-15 18:53:53
MUMBAI, India — Social networking site Facebook is opening an operations office in India, its...
Rookie teams Excelroof, Pharex dispute top seeding
2010-03-15 20:18:01
Newcomers Excelroof and Pharex B-Complex try to break its tie for the top spot when they clash in...
Unahin ang mga problema ng bansa bago paghihiganti – Arroyo allies
2010-03-16 21:07:35
MANILA – Dismayado ang mga kaalyado ng administrasyon sa pahayag ni presidential candidate...
Dutch pedophile political party disbands
2010-03-15 19:01:47
AMSTERDAM – A Dutch political party formed by self-described pedophiles has voted to disband...