‘Pag ‘di aprubado ng Kongreso: Campaign tax unconstitutional?
11/04/2009 | 05:00 PM
MANILA – Nagbabala ang oposisyon na labag sa Konstitusyon ang gagawing pagsingil ng Bureau of Internal Revenue ng limang posiyentong withholding tax sa campaign contributions kung walang batas na ipapasa ang Kongreso.
Kasabay nito, nagbabala naman si Makati Mayor Jejomar Binay, presidente ng United Opposition (UNO), na posibleng gipitin ng Malacanang ang mga taong magbibigay ng donasyon sa oposisyon dahil makikilala nila ang mga ito sa ipatutupad na pagsingil ng buwis sa kampanya.
Sa isinagawang media forum sa Quezon City nitong Miyerkules, sinabi ni Valenzuela Rep. Rex Gatchalian at Atty. Adel Tamano, na dapat manggaling sa Kamara de Representantes ang anumang mungkahi tungkol sa bagong singil sa buwis.
“Personally, tax measure is within the realm of Congress. That is the legislative power of Congress,“ paliwanag ni Gatchalian, tagapagsalita ng Nationalist People’s Coalition (NPC).
Nagbabala naman si Tamano, tagapagsalita ng Nacionalista Party (NP), na malalagay sa alanganing sitwasyon ang BIR kapag ipinatupad ang naturang kautusan na maituturing umanong ilegal.
“That is unconstitutional because all tax measures must emanate from the House of Representatives," pahayag nito sabay babala na posibleng hindi na magbigay ng donasyon ang mga tao sa kandidato na nais nilang tulungan.
“The order will also discourage small donors to give, hindi magbibigay at matatakot," pahayag ni Tamano na tutol sa pagpapatupad ng Revenue Regulations No. 8-09.
Bukod sa pagsingil ng withholding tax sa campaign funds ng mga kandidato, inaatasan din ang mga partido politikal at mga kandidato na magparehistro sa BIR bilang mga withholding agent.
Una rito, sinabi ni Antique Rep. Exequiel Javier, chairman ng House committee on ways and means, na hindi na kailangan ang batas para ipatupad ang naturang kautusan ng BIR sa pagsingil ng buwis sa kampanya.
Inihayag din ni Northern Samar Rep. Paul Daza, na makatutulong ang naturang kautusan ng BIR para matukoy ang pinagmumulan ng kontribusyon sa mga kandidato at malaman kung mayroong naggagaling sa ilegal na gawain.
Laban sa oposisyon
Dahil matutukoy ang mga magbibigay ng kontribusyon, sinabi ni Binay, tatakbong bise presidente sa 2010 elections, na posibleng gipitin ng administrasyon ang mga tao, grupo o korporasyon na susuporta sa kandidato ng oposisyon.
"Imposing the five percent tax would reportedly allow the administration to employ every trick in the book to harass and intimidate our financial backers," anang alkalde.
“Opposition donors will now be vulnerable to harassment, and will think twice about supporting those of us in the opposition," idinagdag niya.
Sinabi ni Binay na maging ang Commission on Elections (Comelec) ay duda sa legalidad ng kautusan ng BIR, kasabay ng pagpuna ng alkalde dahil wala umanong konsultasyon na ginawa ang ahensiya sa naturang usapin.
"There is a need to clarify the scope of coverage since the law exempts electoral contributions from any form of tax," ayon kay Binay.
Aminado ang BIR na ang pagsingil ng buwis sa kampanya ng kandidato ay bahagi ng programa ng ahensiya na madagdagan ang kita ng gobyerno matapos hindi nito maabot ang target collection sa unang siyam na buwan ng taon.
Ang kabiguan na makamit ang collection target ang sinasabing dahilan kaya nagbitiw sa puwesto bilang pinuno ng BIR si Sixto Esquivias IV. - GMANews.TV