On-line voter’s registration isusulong sa Senado
11/04/2009 | 05:58 PM
MANILA – Inihayag ni Sen Richard Gordon nitong Miyerkules na sisikapin niyang ihabol para maipasa sa pagbubukas ng sesyon ng Kongreso sa susunod na linggo ang panukalang Internet Voters’ Registration Bill.
Ang pahayag ay ginawa ng senador bunga ng mga reklamo na marami ang hindi nakahabol na makapagparehistro lalo na sa mga bagong botante.
Sinimulan noong Disyembre 2008 ang pagpaparehistro at nagtapos nitong Nobyembre 31. Ilang botante ang pinayagan ng Commission on Elections ang magpatala noong Martes dahil sa pananalasa ng bagyong 'Santi' noong huling araw ng pagpaparehistro.
Sinabi ni Gordon na mas magiging madali ang pagpaparehistro sa Internet na ginagawa na umano sa ibang bansa sa halip na magtungo sa tanggapan ng Comelec na kadalasan mayroong pila.
Naniniwala ang mambabatas na mayroon sapat na paraan upang ilagay ang mga safety measures sa panukala upang hindi maabuso ang pagpaparehistro sa Internet.
“Kung puwede kang mag-apply ng visa sa embassy sa pamamagitan ng computer, bakit hindi natin magawa ‘yan para sa registration sa pamamagitan ng computer? Wala naman problema ‘yan, may litrato. That’s the best evidence, makikita iyong litrato doon kaya mapapadali ang pagpaparehistro, hindi na nahihirapan ang tao," paliwanag ni Gordon.
Idinagdag niya na ang on-line registration ay akma sa ginagawang modernisasyon sa halalan kung saan isasagawa sa unang pagkakataon ang automated elections sa buong bansa sa May 2010.
“Kaya nga natin inisip ‘yang automated elections para hindi na mahirapan ang tao sa pagboto. Wala na ring sample ballot, wala ng environmental damage sa dami ng papel na gagamitin mo sa sample ballot, at mabilis ka na makakaboto," paliwanag ng senador.
Tutol sa balik mano-mano
Kasabay nito, naniniwala si Gordon na ibabasura ng Senado ang anumang mungkahi na ipagpaliban ang automated election. Tanging mga kandidato na natatakot lamang umano na matalo ang magsusulong na huwag ituloy ang modernong paraan ng halalan.
“Wala akong duda na magsa-succeed yang automated election, unless talagang sinabotahe para lang may makinabang. Pero sa tingin ko wala akong problema diyan. Hindi ko ipaglalaban ‘yan passionately kung hindi ko nakikita na magwo-work ‘yan. Alam ko meron mga nagpa-plano," pahayag niya.
Binigyan-diin ni Gordon na pabor sa mga maimpluwensiya at may perang kandidato ang makikinabang kung ibabalik sa mano-mano ang pagbilang sa boto sa halalan.
“There are some people who are desperate, natatakot sila na mahina yung kanilang kandidato. ‘Yang bilangan by hand, lamang ang may pera, lamang ang powerful. ‘Yang bilangan by computer, pare-pareho lahat. ," paggiit ni Gordon. - GMANews.TV