Pia Magalona talks about daughter Maxene’s closeness with JC Tioseco
11/04/2009 | 11:18 PM
Tila nauuwi na raw sa totohanan ang magandang pagtitinginan nina Maxene Magalona at JC Tioseco mula sa pinasasamahan nilang soap na GMA 7. Boto naman kaya sa binata ina ni Maxene na si Pia?
Ayon kay entertainment reporter Lhar Santiago, malakas umano ang bulungan na mula sa pagiging love team sa soap na Kung Aagawin Mo Ang Lahat sa Akin, ay nagiging totohanan na ang pag-iibigan nina Maxene at JC.
Lalo umanong naging maugong ang balita tungkol sa romantic relationship ng dalawa sa likod ng kamera nang may makakita na magkasama sina Maxene at JC sa mga lakaran.
Gayunman, iginigiit ng dalawa na mabuting magkaibigan lang sila. Pero kung ang pamilya ni Maxene ang tatanungin, mukhang walang magiging problema ang first Pinoy Survivor Philippines na si JC.
“It’s gonna be normal to link people together specially if they have chemistry or something, so I’m just really glad na, go ahead link your selves because he is really good influence to other people… JC is ok naman, he’s ano he’s fun to be with and funny and cute," pahayag ni Pia sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.
Maging ang mga kapatid ni Maxene ay walang ipinakitang pagtutol kay JC. Mabait naman daw kasi ang binata at masarap kasama.
“Ok lang kasi siya naman ang bahala kung ano ang gusto niya," ayon kay Elmo Magalona.
Sa kabila nito, masayang ngiti lang ang isinukli ni Maxene sa komento ng kanyang ina at kapatid tungkol kay JC.
“Lahat naman kami…natutuwa ang mga kapatid ko kapag nakakasama siya so, masaya talaga siyang kasama…yun talaga ang mga gusto naming kasama, people na madaling pakisamahan," ayon kay Maxene. – Fidel Jimenez, GMANews.TV
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV