Kapag nadiskuwalipika: Papalit kay Erap manggagaling daw sa pamilya
11/05/2009 | 12:27 AM
MANILA – Manggagaling sa pamilya ni dating Pangulong Joseph Estrada ang ipapalit na kandidatong pangulo ng Partido ng Masang Pilipino (PMP), sakaling magkaroon ng desisyon na idiskuwalipika ang pinatalsik na lider sa 2010 elections.
Ito ang inihayag ni Senate President Juan Ponce Enrile nitong Miyerkules kasabay ng pagbasura sa mga espekulasyon na sasama sa kampo ni Estrada si Sen Francis Escudero para matiyak na magiging “replacement" candidate ng PMP.
“Wala, walang ganun," bungad ni Enrile tungkol sa balitang si Escudero ang ipapalit kay Estrada. “Kung marereplace si Erap, baka ang tatakbo si Dra Loi or si (Sen) Jinggoy or si (San Juan Mayor) JV."
Gayunman, tiwala umano ang lider ng Senado na papayagan ng korte na tumakbong muli ang kanyang kandidato sa panguluhan na si Estrada sa kabila ng nakasaad sa Konstitusyon na isang beses lamang puwedeng mamuno ang isang presidente.
“We are confident that Estrada will not be disqualified, but just in case that he will be disqualified, well were talking of the possibilities you can never tell, then substitution is allowable. Only the possible substitutions are people who have Estrada surnames," idinagdag niya.
Inihayag din ni Enrile na malaki ang papel ng partido sa gagawing desisyon sa pagpili ng papalit kay Estrada kapag madiskuwalipika ito. “…since the Estrada name is the one that has a recall to the supporters of PMP, then I assume that it has to be an Estrada."
Mula nang kumalas sa Nationalist Peoples Coalition noong nakaraang buwan, nagkaroon ng pagdududa na hindi na tutuloy sa pagtakbong pangulo sa 2010 elections si Escudero. Sa halip ay pinapaniwalaan na tatakbo na lamang siya na bise presidente sa ibang kandidato.
Kabilang sa umano’y interesado kay Escudero bilang bise presidente ay sina Sen Manny Villar ng Nacionalista Party at Defense Sec Gilbert Teodoro ng Lakas-Kampi-CMD.
Habang si si Estrada ay nagpahayag na hindi na niya papalitan ang kanyang katambal na si Makati Mayor Jojemar Binay, presidente ng United Opposition.
Laging may una
Sa kabila ng pag-alis sa NPC, sinabi ni Enrile na hindi dapat alisin si Escudero sa listahan ng mga “presidentiables" dahil maaari pa rin itong tumakbo kahit walang suporta ng partido.
“I will not count him (Escudero) out (but) I will not say (his edge over other candidates). That is unfair to other candidates (and) I have a candidate," ayon kay Enrile.
Bilang beterano sa pulitika, nang tanungin si Enrile kung may tiyansa si Escudero na manalo bilang indepedyente, sagot ng lider, “There is always a first time."
Sa press conference sa Senado, wala pa ring desisyon si Escudero kung tatakbo o anong posisyon ang kanyang aasintahin sa May 2010 elections.
"Walang pang pinal na pasya o desisyon ako, pero hiling ko rin naman na bigyan ako ng panahon upang timbangin ang mga bagay-bagay na ito dahil ilang araw pa lamang ako naging malaya mula sa pagiging miyembro ng isang partido," paliwanag niya.
Itinanggi rin ni Escudero na nakikipag-usap siya sa ilang partido upang maging running mate sa halalan.
“Hangga’t walang deklarasyon, walang pinal na desisyon," ani Escudero sabay paglilinaw na bukas siyang maging running ni Villar ngunit dapat umanong linawin muna ng lider ng NP ang usapin tungkol sa C-5 road project.
Si Villar ay inireklamo ni Sen Jamby Madrigal sa Ethics Committee dahil sa conflict of interest tungkol sa naturang proyekto. Matapos ng isang taong imbestigasyon, inaasahang maglalabas ng desisyon ang Senate committee of the whole tungkol sa kaso ni Villar. - GMANews.TV