Mananabotahe sa automated elections pinatutukoy kay Gordon
11/05/2009 | 05:03 PM
MANILA – Hinamon ng tatlong kongresista si Sen. Richard Gordon na tukuyin ang mga mambabatas na nagpaplanong isabotahe ang automated elections sa susunod na taon.
Sa magkakahiwalay na payahag nitong Huwebes, iginiit nina Speaker Prospero Nograles, Baguio City Rep. Mauricio Domogan at Zambales Rep. Ma. Milagros Magsaysay, na hindi makatarungan ang alegasyon ni Gordon na may mga mambabatas na kumikilos para ibalik sa mano-mano ang sistema ng halalan sa Mayo 2010.
Iginiit ni Nograles na 268 ang kongresista sa Kamara de Representantes kaya mas makabubuting kilalanin ng senador kung sino ang tinutukoy nitong mananabotahe sa halalan.
“Name the names because we are already 268 congressmen and women. It's hard to solve his ( Sen. Gordon) crossword puzzle. It is unfair to the 268 members of the House, and to all concerned who are now toiling to make the 2010 polls a success," ayon sa lider ng Kamara.
Sa kabila nito, naniniwala umano si Nograles na walang masamang intensiyon ang matagal na niyang kaibigan na si Gordon sa ginawa nitong pahayag tungkol sa madilim na senaryo na nakikita nito tungkol sa eleksiyon.
“The world is watching us. A clean and credible election is a legacy we want our future generations to inherit. Maybe Sen. Gordon would be able to help us clear the way to 2010," idinagdag niya.
Binalaan naman ni Domogan na pag-iisipan na namumulitika lamang si Gordon kapag nabigo itong tukuyin ang mga inaakusahang mananabotahe sa automated elections.
Kabila si Gordon sa mga ikinukonsiderang tatakbong presidente sa 2010 elections.
Tinawag naman ni Magsaysay na “rumor mongering" si Gordon kapag wala itong tinukoy na pangalan ng mambabatas.
“Dapat pangalanan ni Sen. Gordon kung sino at unfair naman ‘yun sa taga-Kongreso. Kung di n’ya gawin ‘yun, walang katotohanan ang mga pinagsasabi niya at rumor mongering ang ginagawa niya," idinagdag niya.
Naniniwala si Nograles na mahihirapan na isabotahe ang halalan sa 2010 dahil sa modernong teknolohiya at pagiging mapagmatyag ng publiko.
“We must have faith in ourselves as a people. We will not countenance a no-election scenario in 2010. We will not let history condemn us for indifference," deklara niya.
Una rito, sinabi ni Gordon na may ilang mambabatas na nagsusulong na ipagpaliban ang paggamit ng makina sa halalan at ibalik ang bilangan sa mano-manong paraan.
Bagaman walang tinukoy, inihayag ng senador na tanging mga pulitiko na natatakot na matalo umano sa patas na eleksiyon ang nagnanais na hindi matuloy ang automated elections sa bansa. - GMANews.TV