Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Rat busters, "human crab" and cheese


Episode on November 7, 2009 Saturday, 8:45 PM after Bitoy's Showwwtime Official Blog: kapusomojessicasoho.tv RAT BUSTERS Rats --- they mess with our food and destroy our property. Now, the situation is getting worse as these vermin are also responsible for one of the most fatal diseases during the rainy season --- Leptospirosis. Residents of Muntinlupa are already taking matters in their own hands with their daily rat-hunting scheme! But in Bataan , a different kind of rat is hunted for food by the Aetas. “HUMAN CRAB"? Jovy can’t help but think that she is cursed --- she has ankylosing spondylitis, more popularly known as bamboo spine, a condition where the backbone gets joined to each other and the person affected gets to walk like a crab. How can this illness turn the world of its victims upside down? SAY CHEESE! Who’s the star of the feast in Sta. Cruz, Laguna --- white cheese! In Nueva Ecija, carabao milk is turned into mozzarella cheese. Even though it is not our main food, Pinoy cheese is still something we can be very proud of!
RAT BUSTERS Kung dati, naninira lang ng mga damit at kaagaw natin sa pagkain ang mga daga, ngayon, buhay na ng tao ang kanilang nginangatngat. Ito ay sa pamamagitan ng kanilang ihi, na siyang sanhi ng nakamamatay na leptospirosis. Kaya ang mga residente sa Muntinlupa, nagkapit-bisig para puksain ang mga daga. Napupuksa na raw nila ang mga peste kumikita pa sila! Mukha ngang mainit sa paningin ang mga daga ngayon. Dahil isang kakaibang uri ng daga naman sa Bataan , ang pinanglalaman-tiyan ng mga Aeta. “TAONG TALANGKA"? Dahil sa sakit na ankylosing spondylitis o bamboo spine, kung saan ang gulugod o back bone ay nagdidikit-dikit, animo’y taong talangka kung lumakad si Jovy. Apektado rin ang kanyang tuhod at balakang. Si Armand naman, bagamat naagapan ang paglala ng kanyang kundisyon, hindi naman na niya maigalaw ang kanyang leeg. Nagkadikit-dikit na raw kasi ang mga buto nito. Ano nga ba talaga ang karamdamang ito na kayang-kayang baluktutin ang kapalaran ng mga dinadapuan nito? KESORAP-SARAP! Ang bida sa isa sa pinakamagarbong piyesta sa Sta. Cruz, Laguna --- ang kesong puti! Ang mga bumabaha namang gatas ng kalabaw sa Nueva Ecija, ginagawa ngayong mozzarella cheese. Habang sa Davao , gatas naman ng kambing ang pangunahing sangkap para makagawa ng blue goat at feta cheese. Bagamat hindi raw orihinal na pagkaing Pilipino ang keso, hindi raw pahuhuli sa lasa at kalidad ang mga bersyon ng Pinoy cheese! Tunay namang kesorap-sarap!