Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Panawagan sa naliligaw ng landas

Napakaganda ng pakiusap ni Ivy sa mga Pilipino na ang mga asawa ay nasa abroad.

Nakikiusap sila sa kanilang asawa na bigyan ng pagpapahalaga sa kanilang mga sakripisyo para maiahon sa kahirapan ang kanilang buhay. Dapat nilang suklian ito ng tapat na pagmamahal at respeto sa kanilang asawang nagtitiis ng lungkot at hirap.

Ako naman ang makikiusap sa mga babaeng nagtratrabaho sa abroad. Nakapagtrabaho ako sa bansang Singapore at dito ko nasaksihan ang dalawang klase ng Pinay. Ang una ay maipagmamalaki natin dahil sila ay laman ng simbahan at tumutulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong.

Sila ay nanghihikayat sa ating mga kababayan na sumapi sa kanilang mga gawain at upang huwag maligaw ng landas. Ang ikalawa naman na tutukuyin ko ay ang mga babaeng mababaw ang kaligayahan. Sila ang laman ng mga discohan at bar. May mga kasamang ibang lahi at kadalasan ay sila ang pinagmumulan ng away. Kung manamit ay daig pa ang nagbebenta ng panandaliang aliw.

May makikita kang sumusuray dahil sa labis na kalasinggan. Sa loob ng bus ay maririnig mo ang mga kalaswahan na ginagawa nila at parang ipinagmamalaki pa. Ang labis na nakakalungkot ay kung sino pa ang may edad at may asawa ay siya pang gumagawa nito.

Ang pakiusap ko at paalala sa mga babaeng naliligaw ng landas....nagtrabaho kayo sa ibang bansa na unang pakay ninyo ay mapaganda ang buhay ng mga mahal ninyo sa buhay. Marami namang paraan na maibsan ang mga kalungkutang nadarama ninyo sa pagkawalay sa mga mahal sa buhay.

Maaari kayong mag-aral ng computer, pananahi, maggupit at ibang kurso na maaari ninyong pakinabanggan. Magtanong lang kayo sa mga grupo ng mga Pilipino sa simbahan at ituturo sa inyo kung saan kayo pwedeng mag-aral. Pwede din kayong sumapi sa kanilang grupo,marami kayong matutunan at matutulungan.

Sana ang panawagan kong ito ay maging daan para magising ang ating ibang mga kababayan na naliligaw ng landas...Salamat po sa pagbasa ng pakiusap kong ito. - GMANews.TV

Mar

Pakiusap sa mga mister


Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay sa Kwentong Kapuso upang maibahagi sa iba. Ang inyong mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas.

Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad na sadyang nilikha para sa inyo.

Muli, ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Patuloy kaming hindi magsasawa na basahin ang inyong kwento - maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang at nagpapalipas lang ng oras.

Inaanyayahan din naman ang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na may bahagi sa buhay ng isang OFW na nais magpaabot ng kanilang saloobin sa kanilang minamahal na nakikipagsapalaran sa ibayong-dagat.

Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa aming mga kababayan saan mang bahagi ng mundo, saludo kami sa inyo mga Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!
ADVERTISEMENT
Ohio strip club hosts 'Lap dances for Haiti'
2010-02-09 09:52:11
TOLEDO, Ohio – A strip club in Ohio has raised $1,000 for Haitian earthquake relief during what...
KKK (Kalaguyo, Kerida, Kabit)
2010-02-09 16:44:45
Ang kabit, kalaguyo o kerida ay walang maidudulot na maganda sa pamilyadong tao. Wawasakin nito...
Gas blast at US power plant kills at least five
2010-02-08 13:28:43
MIDDLETOWN, Connecticut — An explosion blew out the walls of an unfinished power plant and set...
Councilor bet killed in Cotabato City shooting
2010-02-08 16:43:52
A candidate for councilor in Cotabato City was killed in a botched kidnapping attempt, police...