
Kinumpirma sa
StarTalk nitong Sabado (November 7) na hindi na si Dingdong Dantes ang magiging host ng
StarStruck nitong Season 5. Instead, Dingdong will replace Richard Gomez as host of
Family Feud, once kinakailangan na ng huli na mag-withdraw sa telebisyon pagdating ng campaign season para sa 2010 elections. Tatakbo si Richard bilang congressman ng Ormoc City. Si Dingdong ang napisil ng Kapuso network na humalili kay Richard dahil napatunayan na nito ang kanyang kakayahan bilang host. Sa puntong yun, after hosting the primer of
StarStruck, ipapasa na ni Dingdong ang kanyang hosting task sa isa pang Kapuso star na si Dennis Trillo. Kinumpirma rin ni Dennis sa
Startalk ang pagiging bagong host niya ng reality artista search ng GMA-7. Aniya, "Opo, nag-pictorial na ako for
StarStruck. May plug shoot po kaming kinunan kahapon." Makakasama ni Dennis sa show sina Raymond Gutierrez at Carla Abellana. -
Rose Garcia, PEP