Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Double standard daw sa kidnaping sa Mindanao binira

MANILA – Kinastigo ng isang kongresista ang tila double standard na pinaiiral ng pamahalaan sa paglutas sa kaso ng kidnaping sa Mindanao matapos pugutan ng mga hinihinalang Abu Sayyaf group ang isang elementary school principal sa Jolo, Sulu.

Sa panayam ng media, ipinaramdam ni Anak Mindanao party-list Rep. Mujiv Hataman, tubong Basilan, ang hinanakit sa pagkamatay ni Gabriel Canizares, principal ng Kanague Elementary school.

Dinukot ng mga armadong lalaki si Canizares noong Oktubre 19, pero natagpuan ang kanyang ulo nitong Lunes na nakabalot sa plastic bag sa isang gasoline station sa Jolo.

Puna ni Hataman, matamlay ang pag-asikaso ng pamahalaan sa mga biktima ng kidnapping na Pilipino kumpara sa mga dayuhang dinudukot ng mga bandido.

“While we laud all government efforts in freeing our countrymen who were abducted by the Abu Sayyaf Group, we can’t deny the fact that they (public officials) are very lively in dealing with foreign victims," ayon sa kongresista.

“It’s very unfortunate that a principal like Canizares who was a genuine hero to many had to meet this gory end in the hands of these bandits. Natataranta lang sila kapag foreigners ang biktima," idinagdag ni Hataman.

Iginiit ni Hataman na kumpara sa kaso ng dinukot na tatlong kawani ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na kinabilangan ng dalawang dayuhan, hindi naging kasing kasigasig ang mga tauhan ng pamahalaan ang pakikipagnegosasyon sa grupong may hawak kay Canizares.

Ang mga kawani ng ICRC sina Andreas Notter, Eugenio Vagni, at Pinay na si Marie Jean Lacaba, ay isa-isang pinalaya ng mga bandido. Hinihinalang nagkaroon ng bayaran kapalit ng kanilang kalayaan pero pinabulaanan ito ng pamahalaan.

Sa ngayon ay abala ang pamahalaan upang mailigtas ang dayuhang pari na si Michael Sinnot na kinidnap sa Pagadian City.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Duda si Hataman kung may binuong local crisis management committee ang lokal na pamahalaan sa pagresolba sa kaso ni Canizares na karaniwang ginagawa kapag ang mga biktima ay dayuhan.

Sinasabing pinugutan ng mga kidnaper si Canizares dahil P150,000 lang ang nakuhang pera ng kanyang pamilya bilang ransom, na malayo sa hinihinging P2 milyon ng mga suspek.

“Ano ba ang ginawa ng local officials para mapigilan sana ang ganitong karumal-dumal na insidente?" tanong ni Hataman.

Kinastigo rin ng mambabatas ang patuloy na paghahasik ng krimen ng ASG na ilang ulit ng iniutos ni Pangulong Gloria Arroyo na lipunin.

“The government should finally crush the bandits that prevent Mindanao growth. Once and for all tapusin na nila ito. Hindi naman nawawala ang problema, lalong natatakot ang mga tao sa mga nangyayari," babala niya.

Bagong biktima

Nitong Martes, itinuro ng Armed Forces of the Philippines na Abu Sayyaf rin ang nasa likod ng pinabagong pagdukot sa mga nagtatrabaho sa isang flywood factory sa Basilan.

Ayon kay Lt. Col. Romeo Brawner Jr., tinatayang 30 armadong lalaki ang tumangay sa mga biktima sa Sitio Tehem, Barangay Buto, Maluso, Basilan.

Batay sa police report sa Basilan, ang mga biktima ay kinilalang sina Michael Tan, Oscar Lu, at Mark Singson. Ngunit sa ulat ng National Police Commission (Napolcom) sa Maynila, kinilala ang mga biktima na Michael Tan, Oscar Tan, Jerry Tan, at isang Mark, kasama ang iba pang manggagawa sa pabrika.

Hinihinala ni Brawner na ang pinakabagong insidente ay taktika lamang ng mga bandido upang mailayo ang atensiyon ng tropa ng pamahalaan kaugnay sa ginagawang pagtugis sa grupong pumugot kay Canizares. - GMANews.TV
ADVERTISEMENT
Philippines hunts Indonesian training militants
2010-03-21 13:26:34
Indonesian officials have asked Philippine authorities to track down an Indonesian fugitive...
Klitschko KOs Chambers to keep heavyweight title
2010-03-21 11:29:36
DUESSELDORF, Germany — Wladimir Klitschko knocked out Eddie Chambers in the 12th and final round...
Sandra Bullock still poised for successful future
2010-03-19 18:13:46
LOS ANGELES — Sandra Bullock reached the pinnacle of her profession on March 7, when she won an...
Mindanao refugees issue so complex — UN body
2010-03-20 08:12:49
The displacement of Mindanao residents due to fighting between government forces and secessionist...