Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Entertainment

PEP: Charles fails to make it in the 'Final 3' of Survivor Philippines: Palau

Nagbabaga sa init ang naganap na Tribal Council ng Survivor Philippines: Palau. Dito ay nalaman na ang tatlong castaways na maglalaban-laban para sa cash prize na three million pesos at sa titulong Pinoy Sole Survivor.

Ang tatlong natitirang castaways ay sina Justine Ferrer, Amanda Colley Van Cooll, at Jef Gaitan. Samantalang natanggal naman ang businessman mula sa Pangasinan na si Charles de Vera Fernandez.

Naging makapigil-hininga ang Tribal Council dahil naglabasan ng sama ng loob sina Justine, Amanda, Jef, at Charles. Halos lahat sila ay nagpakawala ng maaanghang na salita laban sa isa't isa na ikinagulat maging ng Jury. Bago pa man sila pumunta sa Tribal Council ay nagkainitan na ang apat sa kampo pa lang. Marahil ay naipon na ang lahat ng galit at sama ng loob nila, partikular na si Justine, kaya ibinuhos na nila ito lahat.

Bagamat si Charles ang nanalo sa huling Immunity challenge ay kinailangan niya itong i-give up nang mas piliin niya ang reward na condo unit sa Makati na nagkakahalaga ng P2 million. Binigyan din siya ng karapatang mamili kung kanino mapupunta ang Immunity necklace sa mga natitira niyang kasama.

Sa huli, pinili ni Charles na ibigay ang Immunity necklace kay Justine.

Dalawang beses nagkaroon ng tie sa botohan kung sino ang huling castaway na matatanggal. Sa unang botohan ay ibinoto nina Justine at Charles si Amanda, samantalang sina Jef at Amanda naman ay ibinoto si Charles. Sa ikalawang botohan ay sina Justine at Jef na lang ang bumoto. At muli ay nagkaroon ng tie nang si Amanda ang ibinoto ni Justine at si Charles naman ang ibinoto ni Jef.

Dahil dito, nagkaroon ng tie-breaker sa pamamagitan ng paggawa ng apoy. Ang unang makapagpapasindi ng apoy at magpapaputol sa lubid ang siyang mananalo at makakasama sa Final 3.

Bagamat unang nakagawa ng apoy si Charles, hindi naman ito naging sapat para maputol niya ang lubid dahil naubusan na siya ng kusot na magpapaningas ng apoy. Sinamantala ni Amanda ang pagkakataon para makagawa ng apoy at manalo sa kanilang labanan.

Si Amanda ang makakasama nina Justine at Jef sa Final 3. Natalo man siya, hindi masyadong nanghinayang si Charles dahil meron na nga siyang condo unit.

Si Charles ang ika-pito at huling miyembro ng Jury na kinabibilangan din nina Marvin Kiefer, Tara Macias, Echo Caceres, Suzuki Sadatsugu, Shaun Rodriguez, at Mika Batchelor. Sila ang magdedesisyon at boboto kung sino ang mananalo ng tatlong milyong piso at sa titulong Pinoy Sole Survivor.

Sa huling Tribal Council ay bibigyan ng karapatan ang mga miyembro ng Jury na tanungin isa-isa ang Final 3 ng kahit na ano. Dito nila ibabase ang kanilang mga boto kung sino ang karapat-dapat na manalo.

Malalaman ang naging desisyon ng Jury sa live presentation ng Survivor Philippines: Palau sa Biyernes, November 13.

Sino kaya kina Justine, Amanda, at Jef ang tatanghaling Pinoy Sole Survivor? - Erwin Santiago, PEP
Other Entertainment stories
PEP: Richard Gutierrez promises to look after Nomar Pardo's children
03/20/2010 | 10:38 PM
Nagdaos ng isang Misa ang Gutierrez family nitong Biyernes bilang pasasalamat sa mga blessings na dumarating sa kanilang. Dito ay nakausap ng media si Richard Gutierrez kung saan inihayag niya kung... More
‘My son didn't commit suicide’ – Toni Rose Gayda
03/20/2010 | 06:17 PM
Pinabulaanan ng television host na si Toni Rose Gayda nitong Sabado ang mga espekulasyon na nagpakamatay ang kanyang anak na si James Lim, 25-anyos. More
iGMA: Pepito Manaloto is the first reality sitcom in television
03/20/2010 | 03:49 PM
Masisilayan na sa susunod na linggo ang buhay ni Pepito Manaloto sa Kapuso Network. Malalaman na rin kung bakit tinawag itong kauna-unahang reality sitcom sa telebisyon. More
Oprah, schoolgirls to testify at defamation trial
03/20/2010 | 01:48 PM
PHILADELPHIA – Oprah Winfrey and several schoolgirls allegedly abused at her academy in South Africa are expected to testify in a trial over a defamation lawsuit brought by the school's former... More
Court: Anna Nicole Smith gets none of oil fortune
03/20/2010 | 07:34 AM
A federal appeals court ruled Friday that Anna Nicole Smith's estate will get none of the more than $300 million the late Playboy model claimed a Texas billionaire to whom she was briefly... More
Ogie Alcasid defends Arnel Pineda over national anthem issue
03/19/2010 | 09:14 PM
Sinabi ni Ogie Alcasid na mali raw na parusahan si Arnel Pineda dahil sa ginawa nitong bersiyon sa pagkanta ng Lupang Hinirang sa nakaraang laban nina Manny Pacquiao at Joshua Clottey sa Texas, USA. More
Ex-porn star reveals purported Tiger Woods texts
03/19/2010 | 08:09 PM
LOS ANGELES – A former porn actress says she may reveal more potentially embarrassing information about Tiger Woods after releasing sexually graphic text messages that she claims prove her affair... More
iGMA: Int’l choreographer Fusion gives 'Party Pilipinas' world-class dance moves
03/19/2010 | 06:30 PM
Party Pilipinas, the much-awaited Sunday musical/variety program of GMA Network set to premier on March 28, moves up to a new level of entertainment as it taps the expertise of world-class... More
PEP: Toni Rose Gayda's youngest son dies in a freak accident
03/19/2010 | 06:14 PM
Nasawi nitong madaling-araw ng Biyernes ang bunsong anak ng TV personality na si Toni Rose Gayda matapos mahulog sa ika-apat na palapag ng tinutuluyang condominium sa Mandaluyong City. More
ADVERTISEMENT
Philippine stocks slip due to lack of fresh leads
2010-03-19 18:26:52
Philippine stocks slipped in lethargic end-of-week trade with the absence market-moving news in...
Gaza rocket kills Thai farm worker in Israel
2010-03-19 07:19:47
A rocket fired by Gaza militants smashed into a greenhouse in an Israeli border village Thursday,...
NBA Wrap: LeBron scores 29 to break Kobe’s record
2010-03-20 15:36:28
CHICAGO — LeBron James became the youngest player to score 15,000 career points, breaking...
Oprah, schoolgirls to testify at defamation trial
2010-03-20 13:48:23
PHILADELPHIA – Oprah Winfrey and several schoolgirls allegedly abused at her academy in South...