Filtered by: Showbiz
Showbiz

PEP: Rhian willing to work with Dingdong and Marian


Masayang-masaya si Rhian Ramos dahil patuloy sa pagtaas ang ratings ng pinagbibidahan niyang soap sa GMA-7 with Dingdong Dantes, ang Stairway To Heaven. Base sa recent Mega Manila ratings ay lumalapit na ang ratings ng Stairway To Heaven sa current leader na Darna, na mula rin sa Kapuso network. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rhian sa taping ng Stairway To Heaven sa Malolos, Bulacan nitong Miyerkules (November 11). "Happy na happy siyempre." bulalas niya. "Kasi parang sayang naman yung napakagandang love story kung hindi siya natanggap or napansin for any reason. Ang saya lang namin ngayon na hindi nasayang yung efforts namin para gumawa ng magandang show. Kasi hindi rin naman madaling gawin itong show na ito. Napaka-emotionally tiring nitong show na ito." Sa tingin ba niya yung magandang ratings ng soap nila ay patunay na natanggap na ng mga manonood ang tambalan nila ni Dingdong as Jodi at Cholo? "Ako naman, from the start, hindi ako masyadong nag-worry about kung bagay ba kami, yung ganun. Kasi hindi naman talaga kami loveteam, partners lang kami sa show na ito. I think yung chemistry kasi ay isang bagay na you can work on, e. And we're really working on it. Kasi siyempre ngayon ko lang siya nakatrabaho and hindi naman puwedeng close kami agad. "And then, sa success na nakukuha namin, parang nabibigay ko yung credit sa story dahil napakaganda naman talaga nung kuwento. Mahirap i-ignore yung ganun kagandang kuwento, e. Napanood ko yung original version and talagang direkta sa puso ang tama. Also, ang ganda ng treatment na ginawa nila for this version. Hindi namin totally ginaya yung original. Iba yung Jodi nila, iba yung Cholo nila," saad ng 19-year-old actress. Ang Stairway To Heaven ay base sa isang Koreanovela na tinampukan ng Korean superstars na sina Choi Ji Woo at Kwon Sang Woo. Ipinalabas ang original version sa GMA-7 din. Ano naman ang comment niya sa pagli-link sa kanila ni Dingdong? "Sa totoo lang, I was thinking na one of these days it's bound to happen," pag-amin ni Rhian. "Yung sa start pa lang, sabi ko, kahit anong mangyari mali-link kami in some way or may lalabas tungkol sa amin. Kasi sa totoo lang, nakakita na ba kayo ng mag-partners na hindi tsinismis kahit konti? And then, nandiyan pa yung kissing scenes. "Siyempre, naiintindihan ko na rin yung logic na tingnan n'yo na rin kung gaano ka-intense yung mga ginagawa namin para sa eksena. Parang it's hard to imagine na wala talaga. Kasi pag nakita mo yung eksena, sobrang intense yung love nila—ni Jodi at ni Cholo. So, parang mahirap intindihin na sa totoong buhay ay wala naman talaga. Parang mahirap siguro para sa ibang tao yung seriously hinahalikan mo ng ganyan, tapos pagkatapos ng take, wala lang. Kaya siguro may mga lumalabas. Kaya kailangan kaming lagyan ng kuwento or something." WILLING TO WORK WITH DINGDONG & MARIAN. Sa isang interview sa rumored girlfriend ni Dingdong na si Marian Rivera, wala naman daw reason para magselos siya kay Rhian. Ano ang reaksiyon miya dito? "Oo, wala naman talaga, e," pagsang-ayon niya. "I think kung ano lang yung nire-require ng trabaho, yun lang yung ginagawa namin. Wala din naman kaming ginagawang 'extra-curricular activities.'" Close ba sila ni Marian? "No, e, kasi never ko pa siyang nakatrabaho," pag-amin niya. "Usually kasi yung nagiging bonding ko sa ibang artista, yung nagka-show kami. For example kami ni Dong, never kaming nakapag-usap before until nagkaroon kami ng show. And yun ang usual na case sa lahat ng mga nakakatrabaho ko." Willing ba siyang gumawa ng love triangle movie or soap with Dingdong and Marian? "Ako, ayos lang. Hindi naman kasi ako ang nagsasabi kung ano yung gagawin kong susunod, di ba? Hindi naman ako yung nagsasabi kung ano yung next project ko. Pero given a chance, why not? Ako, well, hindi naman talaga ako fan na fan, pero pinapanood ko talaga yung Darna ngayon, e. Nae-excite ako pag sinasabi niya yung, 'Ding, ang bato!' Di ba, yung sikat na line?" saad niya. THOUGHTFUL DINGDONG. Ayon kay Rhian, habang tumatagal ay mas nakikilala nila ni Dingdong ang isa't isa. Ano ang mga bagay na natuklasan niya kay Dingdong? "Ako, napansin ko na he pays attention sa mga maliliit na detalye. Minsan hindi niya rin ipapahalata kung napansin niya o hindi. Ewan ko, ako kasi napapansin ko, e. Kasi I pay attention to small details also. Very sensitive siya na kahit anong maliit na change, like kunwari may nagbago sa mood mo kahit hindi mo pinapahalata, mahahalata niya. At saka bilang actor din, very responsive siya. Kung ano yung ibinigay mo, gagamitin niya talaga yun. Very observant," paglalarawan ni Rhian sa kapareha. Pero naging sweet din ba si Dingdong sa kanya bilang leading lady? "Well, yeah, very gentleman siya," sagot ni Rhian. "At saka hindi naman siya yung isang tao na cold. Naturally thoughtful siya. Talagang natural sa kanya yung iniisip niya sa ibang tao. At saka nakikita mo talaga yun sa kanya. Like for example nung pagkatapos ng bagyo, siya yung type ng person na he goes out of his way para isipin yung ibang tao." Hindi rin daw makakalimutan ni Rhian ang pagiging thoughtful ni Dingdong lalo na nung sorpresahin siya nito sa birthday niya last October 3. "Tapos nung birthday ko, I don't know how, kung paano niya nalaman yung paborito kong cake. Pero nalaman niya at 'yon ang ibinigay niya sa akin, yung blueberry cheesecake. Nagulat ako kasi nandun kami sa isang location sa Makati noon... Kasi nag-birthday ako October 3, pero nag-taping kami ng October 2, and then wala siya kasi wala siyang taping noon. So, nung midnight, kinantahan ako ng buong set. Sinurprise nila ako pagbaba ko ng elevator, pagbukas ng pinto, lahat sila nandun tapos kumanta na sila ng 'Happy Birthday.' "And then, the next taping day, nung pumunta ako ng work, inilagay ko yung gamit ko sa isang room na ako lang yung nandun. At saka ako lang yata yung pumunta sa floor na yun. So, nandun lang ako tumatambay mag-isa. And then nung pinabihis ako for the next scene, nagpunta ako ng CR, nagbihis ako. Pagbalik ko sa kuwarto ko, may cake na sa kama ko. 'Ano ito?' pagpapatuloy ni Rhian. “Tapos nung pagtingin ko sa likod ko, nandun na pala siya [Dingdong]. Tapos, 'Uy, happy birthday!' ganyan-ganyan. Sabi ko, 'Paano mo nalaman ang favorite flavor ko?' Bilog siya tapos may isang malaking 'Happy Birthday Rhian, Love Dingdong.' May pangalan niya. Sabi ko, 'Wow, kailangan may pangalan!' Pinag-tripan ko talaga siya noon. At ipinapaalam niya, sabi niya, 'Cake ko 'yan! Sa akin galing 'yan!'" masaya niyang kuwento. Ayon kay Rhian, hindi pa raw siya hinihingan ng tulong o support ni Dingdong para sa Yes Pinoy Foundation na itinatag ng aktor. Pero kung lalapit daw sa kanya ang leading man ay willing siyang tulungan ito. "Oh, yeah. I would do many things naman. One, to help, and two, for him," mabilis na tugon ng magandang dalaga. - Glen P. Sibonga, PEP
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics