Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Pagbisita ni Clinton sa RP dapat daw samantalahin sa pagrepaso ng VFA

MANILA – Hiniling ni Senador Francis Escudero sa pamahalaan na samantalahin ang pagbisita ni US State Secretary Hillary Clinton sa Pilipinas para igiit ang pagrepaso sa sa mga probisyon sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Bukod sa pagsusuri sa mga sasakyan ng US na dadalhin sa Pilipinas, iginiit ni Escudero na kailangang isulong sa VFA ang mga probisyon na magbibigay ng proteksiyon sa mga kababaihan.

Ang pahayag ay ginawa ng senador matapos sabihin ni Clinton na ang VFA ay isang katibayan ng mahusay na pagtutulungan ng Pilipinas at US katulad sa pagharap sa kalamidad.

"The Visiting forces agreement is an important expression of that partnership based on mutual respect and mutual interest and our service members as we have seen in these last natural disasters are ready to provide assistance where it is asked for and to work side by side with the military of the Philippines. I’m proud with what our service members have done and to respond to the devastating storms and the floods," ayon kay Clinton sa pulong balitaan sa Malacanang nitong Huwebes

Ngunit para kay Escudero, walang laman ang pahayag ng opisyal ng US kung patuloy na igigiit ng Washington ang ‘di umano pantay na probisyon sa kasunduan kabilang ang usapin sa hurisdiksiyon sa nagagawang krimen sa Pilipinas ang US soldiers.

“Makikita ito lahat sa kaso ni US Lance Corporal Daniel Smith. Bilang seryosong babaeng kandidato sa US, naging inspirasyon ng kababaihan si Hillary Clinton, at kabalintunaan ito dahil kitang-kita na pawang anti-women ang VFA, partikular sa kaso ni Smith," ayon kay Escudero.

Iginiit niya na dapat samantalahin ng Palasyo ang pagbisita ni Clinton upang kalampagin ang US sa mga kontrobersiyal na probisyon sa VFA na pinapaniwalaang higit na nakikinabang ang US.

Nabuo ang naturang kasunduan ng Pilipinas at US noong 2001 matapos ibasura ng Senado ang RP- US Military Agreement. Taong 1991 nang bomoto ang 12 senador laban sa kasunduan sa pamumuno ni dating Senate President Jovito Salonga.

“Dapat tanungin ng Palasyo ang US na tiyakin na walang armas nukleyar sa alinmang barkong pangdigma ng US na pumapasok sa ating bansa," pagdiin ni Escudero.

Lumulutang ang hinala na nagtataglay ng armas nukleyar ang barko ng Amerikano na pumapasok sa bansa sa patuloy na nagdating ng mga tropang US na isa umanong paglabag sa Saligang Batas.

“Dapat palitan natin ang VFA ng isang tratado na papayagan ang Pilipinas na suriin ang lahat ng paparating na eroplano, barko o anumang sasakyang pandigma na pag-aari ng US military, at magbigay sila ng detalyadong imbentaryo ng armas at kagamitan na ipapasok sa bansa para sa anumang operasyon," mungkahi niya. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Tuition freeze iginiit dahil sa El Nino
03/20/2010 | 10:06 PM
MANILA – Bunga ng pinsalang idinulot ng matinding init o El Nino phenomenon lalo na sa mga lalawigan, nanawagan ang isang senatorial candidate na huwag payagan ng pamahalaan ang anumang tuition... More
Gibo pabor sa military cooperation maging sa ibang bansa
03/20/2010 | 04:53 PM
Inihayag ni administration presidential candidate Gilberto “Gibo" Teodoro na isusulong niya na magkaroon ng military cooperation maging sa ibang bansa katulad ng ipinatutupad na Visiting Forces... More
Dayuhan bawal pa ring magpapako sa krus sa ‘Cutud’
03/20/2010 | 03:06 PM
Dahil sa mga nagdaang kontrobersiya na kinasangkutan ng mga dayuhang nagpapako sa krus sa mga dinarayong senakulo, nagdesisyon ang mga opisyal ng barangay ng San Pedro Cutud sa San Fernando,... More
OFW gives birth on plane; baby gets unique name
03/19/2010 | 11:31 PM
Isang overseas Filipino workers mula sa Dubai ang nagsilang ng kanyang sanggol sa loob ng eroplano habang nasa himpapawid. Pinangalanan ang sanggol na SQ – na hango sa eroplano na sinakyan nilang... More
6 na kandidatong pangulo posibleng idiskuwalipika ng Comelec
03/19/2010 | 07:23 PM
MANILA – Posibleng tatlong kandidato na lang sa panguluhan ang pagpilian ng mga botante pagsapit ng halalan sa Mayo 10 kapag natuloy ang babala ng Commission ng Elections laban sa anim na iba... More
Senatoriable ni Gibo saksi sa pagwawala ng dayuhan sa loob ng eroplano
03/19/2010 | 05:57 PM
MANILA – Nalagay sa peligro ang buhay ng mahigit 100 pasahero ng Philippine Airlines (PAL) Airbus A320 na biyaheng Cebu – kabilang ang isang kandidatong senador - nang magwala ang isang dayuhang... More
May rason bakit ‘di sumasama sa kampanya si Korina - Roxas
03/19/2010 | 04:11 PM
MANILA – Hindi umano nais ni vice presidential bet Sen Manuel Roxas II na makaladkad sa “partisan activities" ang maybahay niyang si Korina Sanchez kaya hindi ito sumasama sa kampanya ng Liberal... More
OFW group handang tumulong sa OAV sa Saudi
03/19/2010 | 12:30 AM
JEDDAH, Saudi Arabia – Nag-alok ng tulong sa konsulada ng Pilipinas sa nabanggit na bansa ang isang grupo ng mga overseas Filipino workers kaugnay sa isasagawang Overseas Absentee Voting na... More
ADVERTISEMENT
Tanpinco seven strokes off Thai Open leader
2010-03-19 16:29:27
Anya Tanpinco carded another even par 72 but still stared at a seven-stroke lead off Thai...
Intel launches fastest, first 32-nanometer chip
2010-03-19 19:55:42
The Philippine subsidiary of Intel Corp. unveiled to the local market on Friday its fastest...
Court: Anna Nicole Smith gets none of oil fortune
2010-03-20 07:34:36
A federal appeals court ruled Friday that Anna Nicole Smith's estate will get none of the...
UK library receives book overdue by 45 years
2010-03-20 13:51:07
LONDON – It's common to return a library book late — but not by half a century.