Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Paglikas sa ilang residente sinimulan dahil sa banta ng bulkang Mayon

Sinimulan ng ilikas ang ilang residente sa paligid ng nag-aalburutong bulkan Mayon sa lalawigan ng Albay matapos itong magbuga ng abo noong Miyerkules.

Sa ulat ng dzRH radio, tinatayang 390 pamilya, o 1,665 tao mula sa dalawang barangay sa bayan ng Daraga ang inilikas at pansalamantalang pinatuloy sa Daraga Supermarket.

Nakatakda umanong makipagpulong ngayong Biyernes ang mga lokal na opisyal sa mga kinatawan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) para talakayin ang aktibidad ng bulkan.

Una rito, pinayuhan ng Phivolcs ang mga residente sa paligid ng Mayon na maging handa sa posibleng paglikas matapos itong magbuga ng abo noong Miyerkules.

Pinayuhan din ni Renato Solidum Jr., pinuno ng Phivolcs, ang publiko na kaagad na linisin ang abo na ibinuga ng bulkan dahil magdudulot ito ng peligro sa kalusugan.

“Siguro kailangan natin i-remind ang ating kababayan ang pagbagsak ng abo may health hazard ‘yan tulad ng paglanghap ng pino na abo dapat iwasan. ‘Pag nagkaroon ng pagbagsak ng abo saraduhan ang bintana,’ pag nasa labas takpan ang ilong ng panyo o basang damit linisin agad," payo ni Solidum sa panayam ng dzBB radio.

Posible pa umanong magbuga ng abo ang Mayon na kasalukuyang nasa Alert Level 2.

Sinabi ni Solidum na patuloy na minamatyagan ng Phivolcs ang aktibidad ng bulkan partikular sa pagpapalabas nito ng magma.

“Wala pa sa ganoon ang ganoong pangyayari (pero) ‘di natin masabing malayo talaga. Posibleng magpatuloy ang activity," ayon sa opisyal.

Pinaalalahanan ni Solidum ang mga residente na huwag tumawid sa pinaiiral na 6-km permanent danger zone sa paligid ng bulkal, 7-km extended danger zone sa Legazpi City-Daraga area. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Dagdag na tropa ng pamahalaan sa Davao City hiniling sa Comelec
03/17/2010 | 12:10 AM
MANILA – Hiniling ni Speaker Prospero Nograles sa Commission on Elections na dagdagan ang puwersa ng militar at pulisya sa mga lugar sa Davao City kung saan aktibo ang mga rebeldeng komunista. More
Pondo ng gobyerno vs El Nino ‘di nararamdaman – Mitra
03/16/2010 | 11:44 PM
MANILA – Hiniling ni Nacionalista Party senatorial bet Ramon Mitra IV sa Department of Agriculture (DA) na gamitin na ang pondo ng pamahalaan upang tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na... More
Unahin ang mga problema ng bansa bago paghihiganti – Arroyo allies
03/16/2010 | 09:07 PM
MANILA – Dismayado ang mga kaalyado ng administrasyon sa pahayag ni presidential candidate Sen Benigno “Noynoy" Aquino III na bubuo ito ng lupon na magsisiyasat sa mga alegasyon ng katiwalian ni... More
Magkapatid na paslit nasawi sa sunog sa Pangasinan
03/16/2010 | 06:14 PM
Patay ang magkapatid na paslit nang matupok ang kanilang bahay tanghali nitong Martes sa Barangay Bari sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan. More
5 bata patay sa tigdas - DOH
03/16/2010 | 04:20 PM
MANILA – Lima na ang kumpirmadong nasawi sa sakit ng tigdas, kabilang ang tatlong walong-buwang-gulang ng mga lalaki, batay sa impormasyong nagmula sa Department of Health (DOH). More
Suspek sa paghalay at pagpatay sa 16-anyos na babae nadakip
03/16/2010 | 03:55 PM
BUTUAN CITY — Hawak na ng pulisya sa Cabadbaran, Agusan del Norte ang pangunahing suspek sa hinihinalang kaso ng gang rape at pagpatay sa isang dalagita na naganap noong nakaraang linggo. More
Botante pinaalalahanan ni Rosales vs magastos na kandidato
03/13/2010 | 08:58 PM
MANILA – Pinangunahan ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales nitong Sabado ang 16 na lider ng Simbahang Katoliko sa Metro Manila sa pagbibigay ng paalala sa mga botante na maging maingat... More
3 OFWs sasabak sa halalan sa Mayo
03/13/2010 | 03:10 PM
RIYADH – Tatlong overseas Filipino workers ang nakatakdang umuwi ng Pilipinas sa susunod na linggo hindi para magbakasyon kung hindi para sumabak sa kampanya bilang kandidato sa darating na halalan... More
Banat ng pinsan ayaw patulan ni Gibo
03/13/2010 | 12:23 AM
MANILA – Binalewala ni administration presidential candidate Gilberto “Gibo" Teodoro Jr. ang patutsada ng kanyang pinsan na wala siyang utang na loob sa ginawang pagpapalaki ng kanyang tiyuhin na... More
Bilang ng boboto sa kandidatong pabor sa RH bill lamang sa SWS survey
03/12/2010 | 09:31 PM
MANILA – Mas maraming Pilipino ang boboto umano sa kandidatong sumusuporta sa panukalang batas tungkol sa pagpa-plano ng pamilya o reproductive health bill, kung paniniwalaan ang survey ng ginawa... More
ADVERTISEMENT
SC extends Bulacan status quo for a week
2010-03-16 16:26:10
Bulacan Governor Joselito Mendoza gets to stay in office for another week as the Supreme Court...
OWWA to fulfill aid vows for repatriated OFWs
2010-03-15 22:02:39
The Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) will fulfill its promises after beleaguered...
Bomb scare grips BIR office in QC; no explosives found
2010-03-16 12:28:17
A bomb scare gripped employees of the main branch of the Bureau of Internal Revenue (BIR) Tuesday...
Jobless rate eases; 2.8M Pinoys had no jobs in Jan
2010-03-16 12:30:06
About 2.8 million Filipinos were jobless in January, slightly lower than the 2.9-million estimate...