Filtered by: Showbiz
Showbiz

Joey De Leon to artists: 'Maglikot kayo, gumawa ng iskandalo'


Patuloy ang Startalk sa pagbibigay ng pinakamaiinit na balita at intriga sa larangan ng showbiz. Katulad ng show, ang host nito na si Joey De Leon ay siguradong hindi matitinag sa kabila ng mga kontrobersiya na ibinabato sa kanya. Nang maabutan ng iGMA si Joey de Leon sa live set ng Startalk, abala ang host-comedian sa pagbibigay ng sarili niyang brand of showbiz news reporting on TV kaya lagi siyang inaabangan ng mga manonood week-in at week-out. Nang magkaroon ng pagkakataon makausap, pinatunayan ni Joey sa iGMA na ang engaging personality niya on-cam ay pareho lang off-cam. A wish and a challenge When asked kung ano ang naging mga wish niya during his birthday at anniversary ng Startalk, hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Joey. "Well, the usual, pero sana lang maglikot pa 'yung mga artista, gumawa ng iskandalo para buhay na buhay ang ang show. Kasi pag nanahimik ang mga 'yan, wala na kaming show, nandun lang naman ang buhay nyan eh--sa bawa't galaw nila." "'Yan ang totoo, sa bawat galaw ninyo, may show kami. Ganun eh. Kapag nag[sipag] bait lahat nyan, eh wala," idinagdag niya. Minsan ay hinamon raw niya ang mga artista na manahimik muna at walang gagawa ng kalokohan pero tiyak daw na mamamatay ang mga talk shows. "Minsan hinamon ko ang mga artista, 'Manahimik kaya kayo ng isang taon--walang lalabas ng bahay, walang gagawa ng ano.' Patay ang mga talk shows, di ba? Ang kinabubuhay ng mga shows katulad ng Startalk ay ang mga extra-curricular, mga extra movements nila off- and on-camera. Ang Startalk? With Lolit [Solis] around, wala kaming takot," pagtiyak ni Joey. Nang banggitin ang paborito niyang co-host, pinatunayan niya na ang kanilang closeness at on-screen tandem ay isa sa mga dahilan kung bakit ang Startalk ay longest running showbiz-oriented talk show sa Pilipinas. "Mahal ko 'yan. Ang dami ko na ngang offers, mga talk shows [din]. Ang iniisip ko kung gagawa ako ng format--not in the evening, but in the morning--tipong The View, ang una kong choice agad si Lolit," paliwanag ni Tito Joey. "Siyempre mixed ito like Regis Philbin and Kelly [Ripa]. Pwede kaming dalawa…'Yung late night may mga bawal ka pa rin. Kaya mas gusto kong morning show. Si Lolit, basta mga kadema-demanda patitira ko sa kanya," pahabol ng kinikilalang entertainment guru sa bansa. Ano ba talaga ang sikreto ng ng Startalk at pilit itong ginagaya at tinatapatan ng iba, ngunit binabalik-balikan pa rin ng mga manonood? "Dahil sa mga talk shows na katulad ng Startalk, nagse-surface ang mga tsismis eh, mga pang kiliti sa utak ng tao," tugon niya. "Importante ang tsismis kasi pag wala ng tsismis, hindi na bubulong ang tao, wala tayong whispers. Importante din 'yan eh." Huwag kaligtaan ang mga intriga, issues at kontrobersiya sa Startalk, Saturdays after Eat Bulaga! - Erick Mataverde, iGMA
Tags: joeydeleon
LOADING CONTENT