Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

8 sundalo: 12 tao napaslang sa sagupaan sa Surigao

BUTUAN CITY – Tinatayang 12 tao kabilang ang walong sundalo ang napatay, habang ilan pa ang nasugatan sa pakikipag-engkuwentro sa mga hinihinalang miyembro ng komunistang rebelde sa bayan ng Lanuza, Surigao del Sur.

Ang walong sundalo na nasawi ay mula sa Philippine Army’s 58th Infantry Battalion, kabilang ang isang pulis na kasapi ng 1405th Provincial Police Mobile Group, isang miyembro ng Special Cafgu Active Auxiliary (SCAA), at dalawang security personnel ng isang logging firm na Surigao Development Corp (SUDECOR).

Ang mga biktima ay nakipagbarilan umano sa mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bahagi ng barangay Pakwan noong Miyerkules.

Nagsasagawa umano ang tropa ng pamahalaan ng hot pursuit operation laban sa mga rebelde nang makasagupa ang mahigit 100 kasapi ng NPA.

Batay sa ulat na natanggap nii Senior Superintendent Nestor Monton Fajura, deputy regional director ng Caraga police, sinunog ng mga rebelde ang mga kagamitan ng SUDECOR at kinumpiska ang 11 aramas mula sa SCAA.

“Outnumbered the NPA rebels took advantaged of the situation thus they managed to inflict heavy casualties to us. It is really a very unfortunate incident but our soldiers never faltered to do their duties, they must be considered heroes," ayon kay Fajura.

Kabilang umano sa mga malubhang nasugatan ay ang chief of security forces ng SUDECOR na si (Ret) Col. Tomasito Grafe.

Ilan pa sa mga nasugatan sa engkuwentro batay sa listahan ng Caraga Police Regional Information Office ay sina:

• PFC Joebert Cabuyao, 58th IB;
• PFC Rollie Altaya, 58th IB;
• Arvie Melida, 58th IB;
• Robinson Aninag, 58th IB;
• Rico Macabangon, 58th IB;
• PFC Roy Dagatan, 58th IB;
• PFC Joendel Hulgansa, 58th IB;
• PVT Dennis Ordinan, 58th IB;
• PVT Joel Natividad, 58th IB;
• PVT Janio Delos Santos 58th IB;
• SPO1 Luis Gorrero Alcasar of the 1405th Surigao del Sur Provincial Police Mobile Group.

Sinabi ni Fajura na patuloy ang pagtugis ng tropa ng pamahalaan laban sa mga rebelde. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
5 bata patay sa tigdas - DOH
03/16/2010 | 04:20 PM
MANILA – Lima na ang kumpirmadong nasawi sa sakit ng tigdas, kabilang ang tatlong walong-buwang-gulang ng mga lalaki, batay sa impormasyong nagmula sa Department of Health (DOH). More
Suspek sa paghalay at pagpatay sa 16-anyos na babae nadakip
03/16/2010 | 03:55 PM
BUTUAN CITY — Hawak na ng pulisya sa Cabadbaran, Agusan del Norte ang pangunahing suspek sa hinihinalang kaso ng gang rape at pagpatay sa isang dalagita na naganap noong nakaraang linggo. More
Botante pinaalalahanan ni Rosales vs magastos na kandidato
03/13/2010 | 08:58 PM
MANILA – Pinangunahan ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales nitong Sabado ang 16 na lider ng Simbahang Katoliko sa Metro Manila sa pagbibigay ng paalala sa mga botante na maging maingat... More
3 OFWs sasabak sa halalan sa Mayo
03/13/2010 | 03:10 PM
RIYADH – Tatlong overseas Filipino workers ang nakatakdang umuwi ng Pilipinas sa susunod na linggo hindi para magbakasyon kung hindi para sumabak sa kampanya bilang kandidato sa darating na halalan... More
Banat ng pinsan ayaw patulan ni Gibo
03/13/2010 | 12:23 AM
MANILA – Binalewala ni administration presidential candidate Gilberto “Gibo" Teodoro Jr. ang patutsada ng kanyang pinsan na wala siyang utang na loob sa ginawang pagpapalaki ng kanyang tiyuhin na... More
Bilang ng boboto sa kandidatong pabor sa RH bill lamang sa SWS survey
03/12/2010 | 09:31 PM
MANILA – Mas maraming Pilipino ang boboto umano sa kandidatong sumusuporta sa panukalang batas tungkol sa pagpa-plano ng pamilya o reproductive health bill, kung paniniwalaan ang survey ng ginawa... More
‘Binaysty’ sa Makati idinepensa ni VP bet Binay
03/12/2010 | 06:13 PM
MANILA – Ipinagtanggol ni vice presidential candidate Jejomar Binay ang mga kapamilya na nakaupo at kakandidato sa iba’t-ibang lokal na posisyon sa Makati City sa halalan sa Mayo 10. More
Magat Dam nasa critical level na; power plant isinara
03/12/2010 | 04:41 PM
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Pansamantalang isinara ang Magat Hydroelectric plant simula nitong Miyerkules, matapos umabot na sa kritikal na antas ang tubig sa Magat dam. More
Para manalo si Gibo: Pondo kailangan para gumana ang makinaryang pulitikal
03/11/2010 | 10:46 PM
MANILA – Hindi lubos na gagana ang makinaryang pulitikal ng administrasyon kung walang sapat na pondong ibibigay sa mga lokal na lider upang maghatid ng boto kay Lakas-Kampi-CMD presidential bet... More
Kung may Kris si Noynoy, may Pacquiao si Villar
03/11/2010 | 05:28 PM
MANILA – Hindi umano nababahala si Nacionalista Party (NP) presidential candidate Sen Manny Villar sa pagsama ng actress/host na si Kris Aquino sa kampanya ni Liberal Party standard bearer Sen... More
ADVERTISEMENT
Public warned vs fake gun ban exemptions
2010-03-15 18:19:49
An unknown group has been selling fake gun ban exemptions to those who wish to bear firearms...
Rio Olympics organizers warn of funding shortfall for games
2010-03-16 13:51:04
SAO PAULO — Rio organizers warned Monday that they would be unable to fund the...
Facebook opens office in India, first in Asia
2010-03-15 18:53:53
MUMBAI, India — Social networking site Facebook is opening an operations office in India, its...
ABBA, Genesis ready for induction to Rock Hall
2010-03-16 00:01:14
NEW YORK – Some musical acts that thrived in second lives are joining the Rock and Roll Hall of...