
Aminado ang host ng
Survivor Philippines: Palau na si Paolo Bediones na walang itulak-kabigin kina Amanda Colley Van Cooll at Justine Ferrer para sa titulong 'Pinoy Sole Survivor.' Pareho raw deserving na manalo ang dalawa, kaya kahit pa na si Amanda ang itinanghal na winner ay hanga pa rin daw siya kay Justine. "Whether it's Justine or Amanda, either one would have been perfect e. You know, you have Justine with her fairytale story of being voted off and then made it back sa merge. She's the Isla Purgatoryo Queen, lumaban nang lumaban hanggang sa umabot sa Final 3. And she could have made it. "And then you have Amanda na low-key, low-key muna. She stayed in the game and held alliances closer to her and all that. And then sa huli, sunud-sunod yung immunity pinapanalunan niya. So, either one of them is deserving, e," paliwanag ni Paolo nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng live Finale ng
Survivor Philippines: Palau nitong Biyernes sa Studio 5 ng GMA Network.
SUSPENSE TILL THE END. Kabado at excited raw si Paolo noong binibilang na niya ang mga boto. "Wow... nung binibilang ko yung mga boto, nag-tie tayo at two all, the moment na pumapasok yung kamay ko sa lalagyan nanginginig siya. I was counting number five, and then I counted number six, and then nag-tie three all. And then I held the seventh vote, of course, I have to pause for a commercial. "I was so tempted na silipin ko lang. Tingnan ko lang kung sino ba ito. Pero hindi ko ginawa. It was only nung bumalik na on air na sinilip ko na. Tapos sinabi ko, 'Jef, hindi ikaw," Paolo referring to Jef Gaitan na kasama sa Final 3 pero walang nakuhang boto sa finale. "If it was Jef, we're gonna vote again, with the seven [Jury] choosing between the two. So, we're forced to come up with a 4-3. Pero yun nga, kapag nangyari yun, it will be based on kung ano yung napanood nila. So, puwedeng magbago yung desisyon nila, di ba, on how it was made and all these things," patuloy ng host. May idea ba siya kung sinong bumoto kanino? "I don't know if you watched, ha, pero wala nang time. Sa last part kasi nagro-roll na ang CBB [closing billboard], e. I'm not sure who voted for whom based on penmanship, e. Ang alam ko lang dun yung kay Mika kasi may heart, di ba? That's all I knew. The others naman may pa-message-message pa, so napaka-unpredictable, e," paliwanag ni Paolo. Dahil sa magandang resulta ng Season 2, kinumpirma ni Paolo na under negotiation na daw ang Season 3 ng naturang reality show na posibleng magbukas sa June 2010. "With regards sa nature ng Season 3, hindi pa natin alam. Actually, ang alam ko they are in the final stage of negotiation ng pangatlong season. Of course, I'd love to do another one," ayon sa host.
OPEN TO OTHER TV STATIONS. Ngayong sinabi na ni Paolo na gusto niyang gawin ang Season 3 ng Survivor Philippines, humingi ng paglilinaw ang PEP sa TV host tungkol sa lumabas na balita na lilipat na raw siya ng istasyon. Gaano ito katotoo? "Wala namang isyu ng lilipat. It's more of like at this point I have not sign any contract with any network. So, hindi pa masasabi na lumilipat or what," sambit nito. Pero totoo bang may offer ang ibang TV stations? "I don't want to say yes, I don't want to say no. Kasi when you say yes, puwede nilang i-deny yun. So at this point, I want to play my cards right... After twelve years of hosting on TV, actually 14, I just want to work. If Survivor Philippines Season 3 is for me, which is June pa of next year, then I'm gonna have to look elsewhere to do a project muna in the meantime," aniya. Nandiyan pa naman ang morning talk show niya na
Unang Hirit, pero ang goal daw ni Paolo, “is to find a primetime show that would sustain me within the nine months na hindi ako makikita on air. Ang core competency ko is hosting. That's what I love to do. That's where I know I'm good at. Siyempre, yun ang papasukin kong trabaho... The opportunities are not yet given to me at this point, so I have to look elsewhere, I guess. "Like I said, gusto ko lang magtrabaho. And I think I've been in this business long enough to know na tatagal naman ako, alam mo yun? So, it's really just a matter of where am I gonna go? And the good thing is, sabi ko nga, it's better na confused ka with a lot of options and a lot of doors, rather than you're stuck na wala kang choice, di ba? Tapos ano ka... ipit, di ba? So, I'm happy with my situation now," idinagdag niya. Hindi ba siya kinausap ng GMA to stay sa network at huwag nang magtrabaho sa iba? "Of course they were offering me... kasi nga my contract expired September 15. So, since then we've been negotiating and trying to come up with another contract. Of course, yung nilalaman ng kontrata e dapat yung nakikita ko na tutulong sa career at hindi lang para magkaroon lang ng proyekto. And you know, after being in the business for so long, I already know what career planning is and what just having a project is... "And there's so many things that I wanna do, e. I want to do a talk show. I want to do a game show. I still want a reality show. I want to conceptualize shows. I want to do radio. I wanna write. So, until those doors are open by me then hindi ko magagawa yun. Alam ko, there's no one else to rely on but me in finding those kind of opportunities, e," pagpapatuloy ni Paolo.
REUNION SPECIAL. Samantala, hindi pa tapos ang
Survivor fever, dahil sa gabi ng Linggo, November 15, ay mapapanood naman sa SNBO ang Survivor Philippines: Palau The Reunion Special, kung saan ipapakita ang mga never-before-seen footages ng mga nakatutuwang eksena sa isla. Magkakaroon din ng interviews sa mga castaways sa nagananp na finale at tungkol sa kanilang mga naging karanasan sa isla. Tinanong ng PEP kay Paolo kung malalaman sa Reunion Special kung sino sa Jury ang bumoto kay Amanda at kung sino ang bumoto kay Justine. "Hopefully ilabas nila. Basta I can assure the viewers na masaya ang mapapanood nila sa Sunday sa
Reunion Special," pagtiyak ni Paolo. -
Glen P. Sibonga, PEP