
Recently, nagkaroon ng changes sa roster of hosts ng '
StarStruck V.' Instead of Dingdong Dantes, Dennis Trillo will take up hosting the live episodes with Carla Abellana. And Dennis is excited to meet this new challenge sa kanyang career. Sa pocket press interview ng
StarStruck V for its two new hosts, Dennis is animatedly talking about his new project: being a host sa pinaka-successful na reality artista-search on television. "Excited," mabilis na sgot ni Dennis sa press when asked how it feels to be part of the show. Nang punahin ng host na pareho sila ng sagot ni Carla, Dennis replied, "kasi first time namin pareho." The award-winning actor also told the press na ito rin ang una niyang pagkakataon to work with Carla—outside of their spiels sa SOP from time to time. "At ngayon talaga, magiging full-time hosts kami," he said. Bilang kaibigan at katrabaho ni Dingdong, ang original
StarStruck host, tinanong namin si Dennis kung nakausap na ba niya ito, at kung binigyan ba siya ng tips ni Dingdong sa pagho-host. "Hindi pa kami nag-uusap about this e." said Dennis adding that Dingdong has been busy with taping for
Stairway to Heaven. "Pero ‘pag nagkita kami, siyempre tatanungin ko rin siya." Dennis does reveal that he's been watching the past seasons of
StarStruck though. "Siyempre, ayaw kong mapahiya kay Dong," Dennis admitted candidly. "Kasi magaling siya…ayaw ko ring mapahiya sa network na nilagay nila ako rito." Aside from watching past episodes of
StarStruck, kinuwento rin ng binata that he's been observing how Ryan Seacrest and Paolo Bediones host their shows. "Sila 'yung peg ko;" Dennis even shared that they are the hosts he looks up to. Dennis also said, ibang klaseng hosting din naman ang makikita ng mga viewers sa kanilang dalawa ni Carla. "Siyempre hindi naman natin puwedeng gayahin na lang ng gayahin ang mga iniidolo natin. "Kailangan maipakita din 'yung talagang kung ano kami—'yung sarili naming style," pahabol niya. Sa November 22 pa ang first episode ni Dennis, the first live episode ng
StarStruck V. Pero ngayon pa lang, talagang halata na ang excitement sa kanya—hindi lang sa mga salitang binibitawan niya. International level na ang
StarStruck. From October 30 to November 8, auditions were held in different parts of the world para sa mga gustong sumali na may Filipino blood. Sabi ni Dennis, "'yung clout ng
StarStruck, naging mas wide na siya…Sa tingin ko, yun 'yung isa sa mga highlights na bagong aabangan nila dito sa
StarStruck." Bago iniwan ng iGMA si Dennis, we asked kung siya ang mamimili, ano ang dapat mayroon ang isang
StarStruck winner. Hopefuls, and he said: "Siyempre importante 'yung talent, 'yung itsura, 'yung x-factor." 'Yan ang mga characteristics na sa tingin ni Dennis ay importante sa isang artisa. Pero the most important of the three, Dennis added, "Kailangan kasi may attitude." Hindi ba sila malagay sa attitude box niyan? "Hindi bad attitude," Dennis clarified. "Basta may character 'yung kailangan." Pagdiin pa niya, "Importante talaga 'yung x-factor—isang kita mo pa lang, alam mo na agad e." Will you be able to spot the next star sa bagong batch of hopefuls? Malapit n’yo na silang makilala. Catch the show every Saturdays, kapalit ng
Celebrity Duets pagkatapos ng
Pinoy Records, and every Sundays pagkatapos ng Kap's Amazing Stories. And get to know the new batch of hopefuls daily from Mondays through Fridays sa
StarStruck Update bago mag-
Family Feud. -
Jason John S. Lim, iGMA