Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Political killings ikinabahala ng senador

MANILA – Lubhang naalarma ang isang senador sa patuloy na pagtaas ng insidente ng political killings sa iba’t ibang bahagi ng bansa kung saan ang pinakahuli ay ang pagpaslang sa isang lider ng militanteng grupo sa Bicol region.

Ayon kay Sen Francis Escudero, pinaslang ng hindi pa nakikilang salarin noong Nobyembre 10 ang tagapagsalita ng Bayan Muna na si Rodrigo Torres sa Camarines Sur. Bukod pa rito ang mga ulat na may mga miyembro ng New People’s Army ang napaslang at tatlo ang inaresto ng tropang gobyerno sa Compostela Valley kamakailan.

“Masyadong nakakaalarma ang madalas na pagpaslang, pagdukot at pagdakip na siyang kumakalat sa Bicol region sa mga nakaraang linggo," pahayag ng mamababatas.

Dahil dito, nanawagan si Escudero sa pamahalaan na ituloy ang makikipag-usap sa mga rebeldeng komunista at isama sa negosasyon ang lahat ng mga may kinalaman sa usapin upang wakasan ang insurehiya at matigil ang tumitinding paglabag sa karapatang pantao.

“Hindi matitigil ang ganitong pagpatay maliban na lamang kung iaalok ang kapayapaan sa usapan ng lahat ng sangkot na partido. Nagkakaroon ng oportunidad sa nahintong usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front upang mahimok ang lahat ng grupo sa proseso ng kapayapaan na hindi binabalewala ang anumang nakamit sa mga nakaraang usapan," paliwanag niya.

Nagkaroon ng pag-asa na maipagpapatuloy ang usapang pangkayapaan sa unang bahagi ng taon, ngunit hindi ito natuloy nang tumanggi ang pamahalaan na palayain ang 14 na “peace panel consultant" ng NDF.

Nauna nang inihayag ni Presidential Adviser on the Peace Process Annabelle Abaya na kumikilos ang pamahalaan upang mabuksan muli ang pag-uusap sa pamamagitan ng pagkuha ng isang Norwegian mediator.

“Isali natin ang lahat sa proseso kaya kung anuman ang magiging desisyon, mayroon silang suporta. Dapat isulong natin ng negosasyon sa kapayapaan sa rebeldeng grupo ng komunista sa ilalim ng burador ng Saligang Batas, international humanitarian law at pambansang kagalingan," paliwanag niya.

Idinagdag niya na dapat ugatin ng susunod na administrasyon ang problema ng rebelyon upang hanapan ito ng solusyon sa madaling panahon. – GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Tuition freeze iginiit dahil sa El Nino
03/20/2010 | 10:06 PM
MANILA – Bunga ng pinsalang idinulot ng matinding init o El Nino phenomenon lalo na sa mga lalawigan, nanawagan ang isang senatorial candidate na huwag payagan ng pamahalaan ang anumang tuition... More
Gibo pabor sa military cooperation maging sa ibang bansa
03/20/2010 | 04:53 PM
Inihayag ni administration presidential candidate Gilberto “Gibo" Teodoro na isusulong niya na magkaroon ng military cooperation maging sa ibang bansa katulad ng ipinatutupad na Visiting Forces... More
Dayuhan bawal pa ring magpapako sa krus sa ‘Cutud’
03/20/2010 | 03:06 PM
Dahil sa mga nagdaang kontrobersiya na kinasangkutan ng mga dayuhang nagpapako sa krus sa mga dinarayong senakulo, nagdesisyon ang mga opisyal ng barangay ng San Pedro Cutud sa San Fernando,... More
OFW gives birth on plane; baby gets unique name
03/19/2010 | 11:31 PM
Isang overseas Filipino workers mula sa Dubai ang nagsilang ng kanyang sanggol sa loob ng eroplano habang nasa himpapawid. Pinangalanan ang sanggol na SQ – na hango sa eroplano na sinakyan nilang... More
6 na kandidatong pangulo posibleng idiskuwalipika ng Comelec
03/19/2010 | 07:23 PM
MANILA – Posibleng tatlong kandidato na lang sa panguluhan ang pagpilian ng mga botante pagsapit ng halalan sa Mayo 10 kapag natuloy ang babala ng Commission ng Elections laban sa anim na iba... More
Senatoriable ni Gibo saksi sa pagwawala ng dayuhan sa loob ng eroplano
03/19/2010 | 05:57 PM
MANILA – Nalagay sa peligro ang buhay ng mahigit 100 pasahero ng Philippine Airlines (PAL) Airbus A320 na biyaheng Cebu – kabilang ang isang kandidatong senador - nang magwala ang isang dayuhang... More
May rason bakit ‘di sumasama sa kampanya si Korina - Roxas
03/19/2010 | 04:11 PM
MANILA – Hindi umano nais ni vice presidential bet Sen Manuel Roxas II na makaladkad sa “partisan activities" ang maybahay niyang si Korina Sanchez kaya hindi ito sumasama sa kampanya ng Liberal... More
OFW group handang tumulong sa OAV sa Saudi
03/19/2010 | 12:30 AM
JEDDAH, Saudi Arabia – Nag-alok ng tulong sa konsulada ng Pilipinas sa nabanggit na bansa ang isang grupo ng mga overseas Filipino workers kaugnay sa isasagawang Overseas Absentee Voting na... More
Pondo sa condom gamitin na lang daw sa ibang pangangailangan sa kalusugan
03/18/2010 | 06:09 PM
MANILA – Sa halip na condom, dapat unahin umano ng Department of Health ang pagbili ng mga gamit para sa mga pampublikong pagamutan at health center lalo na sa mga lalawigan. More
Edu Manzano ‘di nakasipot sa panayam ni Mike Enriquez
03/18/2010 | 05:41 PM
MANILA – Sa kabila ng garantiya ni Edu Manzano na hindi aatras sa kanyang kandidatura, nabigo naman itong humarap sa programa ni Mike Enriquez sa dzBB radio kung saan isinasalang ang mga... More
ADVERTISEMENT
Lawmaker wants cockfighting part of RP heritage
2010-03-21 16:17:55
Cockfighting may soon be officially part of the country’s national cultural heritage, if a...
Palace exec to public: Think positive on 2010 polls
2010-03-22 09:53:06
Three days after she raised the possibility of a junta in case of a total failure of elections, a...
Coop eyes revival of onion exports to Japan
2010-03-21 16:41:04
Local onion stakeholders are planning to revive exports to Japan, members of the National Onion...
Gibo pabor sa military cooperation maging sa ibang bansa
2010-03-20 16:53:55
Inihayag ni administration presidential candidate Gilberto “Gibo" Teodoro na isusulong niya na...