Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Presyo ng produktong petrolyo itinaas

MANILA – Matapos ibasura ang Executive Order 845 na nagpatupad ng price control sa mga produktong petrolyo, nagsimula ng magtaas ang halaga ng naturang produkto pagsapit nitong Miyerkules.

Ganap na 12:01 am nitong Miyerkules, ipatutupad ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Eastern Petroleum at Flying V, ang bagong halaga ng kanilang mga produkto.

Magtataas ng P1.50 per liter sa gasolina at kerosene ang Shell at Petron, habang P2 per liter naman sa diesel at P2 per kilogram sa liquefied petroleum gas (LPG).

Halos hindi rin naiiba sa Shell at Petron ang price increase na ipatutupad ng Eastern Petroleum at Flying V.

Sinabi ni Bobby Kanapi, vice president for communication ng Shell, na ang price increase ay dulot ng pagtanggal sa Executive Order 845 na naging epektibo nitong Lunes.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Ipinatupad ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang EO 845 sa Luzon noong nakaraang buwan dahil na rin sa kalamidad na idinulot ng mga bagyong "Ondoy" at "Pepeng."

Una rito, nanawagan sa Malacanang ang mga kumpanya ng langis na alisin ang EO 845 dahil umano sa pagkalugi. Nagbabala pa sila na posibleng magkaroon ng kakulangan ng suplay sa produktong petrolyo kung hindi siya papayagang mabawi ang kanilang lugi.

Kasabay ng pag-alis sa EO 845, nangako ang mga kumpanya ng langis na gagawing patingi-tingi ang price increase hanggang sa mabawi umano nila ang tinatayang P5 bawat litro ng pagkalugi mula ng ipatupad ang kautusan ni Arroyo. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Dayuhan bawal pa ring magpapako sa krus sa ‘Cutud’
03/20/2010 | 03:06 PM
Dahil sa mga nagdaang kontrobersiya na kinasangkutan ng mga dayuhang nagpapako sa krus sa mga dinarayong senakulo, nagdesisyon ang mga opisyal ng barangay ng San Pedro Cutud sa San Fernando,... More
OFW gives birth on plane; baby gets unique name
03/19/2010 | 11:31 PM
Isang overseas Filipino workers mula sa Dubai ang nagsilang ng kanyang sanggol sa loob ng eroplano habang nasa himpapawid. Pinangalanan ang sanggol na SQ – na hango sa eroplano na sinakyan nilang... More
6 na kandidatong pangulo posibleng idiskuwalipika ng Comelec
03/19/2010 | 07:23 PM
MANILA – Posibleng tatlong kandidato na lang sa panguluhan ang pagpilian ng mga botante pagsapit ng halalan sa Mayo 10 kapag natuloy ang babala ng Commission ng Elections laban sa anim na iba... More
Senatoriable ni Gibo saksi sa pagwawala ng dayuhan sa loob ng eroplano
03/19/2010 | 05:57 PM
MANILA – Nalagay sa peligro ang buhay ng mahigit 100 pasahero ng Philippine Airlines (PAL) Airbus A320 na biyaheng Cebu – kabilang ang isang kandidatong senador - nang magwala ang isang dayuhang... More
May rason bakit ‘di sumasama sa kampanya si Korina - Roxas
03/19/2010 | 04:11 PM
MANILA – Hindi umano nais ni vice presidential bet Sen Manuel Roxas II na makaladkad sa “partisan activities" ang maybahay niyang si Korina Sanchez kaya hindi ito sumasama sa kampanya ng Liberal... More
OFW group handang tumulong sa OAV sa Saudi
03/19/2010 | 12:30 AM
JEDDAH, Saudi Arabia – Nag-alok ng tulong sa konsulada ng Pilipinas sa nabanggit na bansa ang isang grupo ng mga overseas Filipino workers kaugnay sa isasagawang Overseas Absentee Voting na... More
Pondo sa condom gamitin na lang daw sa ibang pangangailangan sa kalusugan
03/18/2010 | 06:09 PM
MANILA – Sa halip na condom, dapat unahin umano ng Department of Health ang pagbili ng mga gamit para sa mga pampublikong pagamutan at health center lalo na sa mga lalawigan. More
Edu Manzano ‘di nakasipot sa panayam ni Mike Enriquez
03/18/2010 | 05:41 PM
MANILA – Sa kabila ng garantiya ni Edu Manzano na hindi aatras sa kanyang kandidatura, nabigo naman itong humarap sa programa ni Mike Enriquez sa dzBB radio kung saan isinasalang ang mga... More
Kongresistang hinatulang makulong umapela sa Sandiganbayan
03/17/2010 | 09:45 PM
MANILA – Naghain ng apela sa Sandiganbayan Third Division si Sorsogon Rep. Jose Solis na baligtarin ang naunang hatol sa kanya na makulong ng matapos akusahang nagkasala sa kasong katiwalian at... More
Pasaporte ni Lacson pinapakansela
03/17/2010 | 08:35 PM
MANILA – Hiniling sa korte nitong Miyerkules ng mga anak ng pinaslang na publicist na si Salvador “Bubby" Dacer na kanselahin ang pasaporte ni Senador Panfilo Lacson na pangunahing suspek sa... More
ADVERTISEMENT
Ayala Land eyes sale of 12,000 housing units in three years
2010-03-18 18:09:43
Ayala Land, Inc. is aiming to sell 12,000 economic housing units in six locations outside Metro...
Interfaith dialogue ends with vow to uphold human rights, diversity
2010-03-19 04:54:59
Reiterating their commitment to protect and promote human rights and freedom of expression,...
OFW group handang tumulong sa OAV sa Saudi
2010-03-19 00:30:26
JEDDAH, Saudi Arabia – Nag-alok ng tulong sa konsulada ng Pilipinas sa nabanggit na bansa ang...
Sandra Bullock still poised for successful future
2010-03-19 18:13:46
LOS ANGELES — Sandra Bullock reached the pinnacle of her profession on March 7, when she won an...