Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Early birds: 'Emperor of the World' tatakbong pangulo sa 2010 polls

MANILA – Isang nagpakilalang magiging ‘Emperor of the World" ang kauna-unahang naghain ng kanyang kandidatura bilang pangulo ng Pilipinas sa May 2010 elections sa Commission on Elections nitong Biyernes.

Isinumite ni Rigoberto Madera Jr., 61-anyos, nagpakilala ring "six-star general," ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa main office ng Comelec dakong 8:40 a.m. sa Maynila.

Ayon kay Madera, siya ay si N.N.N. para sa pinagsing "Najananan," na nangangahulugan umano ng "God the name above all."

Sa panayam ng media, sinabi ni Madera na tatakbo siyang pangulo upang lutasin ang problema ng Pilipinas sa ekonomiya.

Nasa likod umano niya ang Diyos na gagastos sa kanyang kampanya.

"Mananalo ako, si God na ang bahala," pahayag ni Madera sa GMANews.TV bago niya isumite ang COC.

Bukod sa pagpapalago ng ekonomiya, pagtutuunan umano ni Madera ng pansin ang edukasyon ng mga kabataan. Malaki raw ang tiwala niya na mananalo dahil siya ang nangunguna sa mga survey.

Bukod sa pamumuno sa Pilipinas, plano ni Madera na tumakbong pangulo ng United States, United Nations secretary-general, at maging "emperor of the world."

Sumunod kay Madera na naghain ng kandidatura sa pagka-pangulo ang 40-anyos na si Gilbert Garcia, isang quantum physics instructor mula sa Laguna.

Ngunit hindi katulad ni Madera, tumanggi siyang magpaunlad ng panayam.

Nagsumite rin ng COC para tumakbong pangulo sina Wendell Lope at Vicente Fabella.

Tatlong hindi rin kilalang personalidad ang naghain ng kanilang kandidatura bilang senador na sina Victoriano Inte, Micomi-I La-lawquero; at Eduardo Sion.

Iginiit nila na hindi sila dapat ituring "panggulo" dahil kaya nilang maglunsad ng kampanya sa buong bansa.

Ibinasura si Lozano

Samantala, hindi naman tinanggap ng Comelec ang COC ni Atty. Oliver Lozano na planong tumakbong presidente dahil hindi nito personal na isinumete ang dokumento.

Kilalang loyalista ng mga Marcos si Lozano na tumakbong senador noong 2007 elections pero natalo sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, mayroong isinagawang “screening" sa mga naghahaing COC ng mga tatakbo sa May 2010 elections.

Bagaman kahit sino ay maaaring maghain ng kanilang kandidatura, kailangan makompleto nila ang mga rekesitos na nakasaad sa dokumento para sa taong tatakbo.

Sa sandaling maisumite ang mga COC, sinabi ni Jimenez na sasalain muli ito ng Comelec para malamang kung sino ang mga idedeklarang “panggulo" at diskuwalipikado. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Tuition freeze iginiit dahil sa El Nino
03/20/2010 | 10:06 PM
MANILA – Bunga ng pinsalang idinulot ng matinding init o El Nino phenomenon lalo na sa mga lalawigan, nanawagan ang isang senatorial candidate na huwag payagan ng pamahalaan ang anumang tuition... More
Gibo pabor sa military cooperation maging sa ibang bansa
03/20/2010 | 04:53 PM
Inihayag ni administration presidential candidate Gilberto “Gibo" Teodoro na isusulong niya na magkaroon ng military cooperation maging sa ibang bansa katulad ng ipinatutupad na Visiting Forces... More
Dayuhan bawal pa ring magpapako sa krus sa ‘Cutud’
03/20/2010 | 03:06 PM
Dahil sa mga nagdaang kontrobersiya na kinasangkutan ng mga dayuhang nagpapako sa krus sa mga dinarayong senakulo, nagdesisyon ang mga opisyal ng barangay ng San Pedro Cutud sa San Fernando,... More
OFW gives birth on plane; baby gets unique name
03/19/2010 | 11:31 PM
Isang overseas Filipino workers mula sa Dubai ang nagsilang ng kanyang sanggol sa loob ng eroplano habang nasa himpapawid. Pinangalanan ang sanggol na SQ – na hango sa eroplano na sinakyan nilang... More
6 na kandidatong pangulo posibleng idiskuwalipika ng Comelec
03/19/2010 | 07:23 PM
MANILA – Posibleng tatlong kandidato na lang sa panguluhan ang pagpilian ng mga botante pagsapit ng halalan sa Mayo 10 kapag natuloy ang babala ng Commission ng Elections laban sa anim na iba... More
Senatoriable ni Gibo saksi sa pagwawala ng dayuhan sa loob ng eroplano
03/19/2010 | 05:57 PM
MANILA – Nalagay sa peligro ang buhay ng mahigit 100 pasahero ng Philippine Airlines (PAL) Airbus A320 na biyaheng Cebu – kabilang ang isang kandidatong senador - nang magwala ang isang dayuhang... More
May rason bakit ‘di sumasama sa kampanya si Korina - Roxas
03/19/2010 | 04:11 PM
MANILA – Hindi umano nais ni vice presidential bet Sen Manuel Roxas II na makaladkad sa “partisan activities" ang maybahay niyang si Korina Sanchez kaya hindi ito sumasama sa kampanya ng Liberal... More
OFW group handang tumulong sa OAV sa Saudi
03/19/2010 | 12:30 AM
JEDDAH, Saudi Arabia – Nag-alok ng tulong sa konsulada ng Pilipinas sa nabanggit na bansa ang isang grupo ng mga overseas Filipino workers kaugnay sa isasagawang Overseas Absentee Voting na... More
ADVERTISEMENT
Mindanao evacuees in the dark about elections, docu project bares
2010-03-20 21:04:54
Many people living in evacuation centers in war-torn areas of Mindanao don’t know a lot about the...
Influential Big Star member Alex Chilton dies
2010-03-19 07:22:16
Alex Chilton, the singer and guitarist who had a No. 1 hit as a gravel-voiced teen with "The...
Arroyo inviting a new military revolt — detained ex-general
2010-03-19 14:55:10
(Updated 9:40 PM) A new military uprising may take place if President Gloria...
11 pardoned OFWs miss flight back to Manila
2010-03-20 03:16:55
They were just a minute too late, but 11 pardoned overseas Filipino workers missed their flight...