Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Ex-actor na inalis sa pagka-kongresista tiwalang makababalik

MANILA – Kumpiyansa ang dating aktor na si Dan Fernandez na makababalik siya sa kanyang puwesto bilang kinatawan ng unang distrito ng Laguna.

Sinabi ni Fernandez nitong Biyernes na hindi na siya nagpupunta sa Kamara de Representantes mula nang ihayag ni House Secretary General Marilyn Yap noong Oktubre na ipatutupad na nila ang desisyon ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET)

Nagdesisyon ang HRET
na idiskuwalipika ang dating aktor dahil napatunayan umano na kulang ang panahon na inilagi nito sa distrito kung saan siya tumakbo at nanalo noong 2007 elections.

“Matagal na ‘kong hindi nagpupunta (sa Kamara) mula nang masulat na aalisin na raw ako (sa listahan ng mga kongresista). Wala na rin namang ginagawa dun, ilang buwan na lang eleksiyon na," pahayag ni Fernandez, asawa ng aktres na si Sheila Ysrael.

Disyembre 2008 nang magdesisyon ang HRET na panigan ang petisyon na inihain ng isang sibilyan na nagsasabing hindi naabot ni Fernandez ang residency requirement sa distrito kung saan ito kumandidato.

Abril ngayon taon nang ibasura naman ng HRET ang motion for reconsideration ni Fernandez. Iniakyat niya sa Korte Suprema ang kanyang kaso ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring desisyon ang mga mahistrado kaya ipinatupad ng liderato ni Speaker Prospero Nograles ang kautusan ng tribunal.

Dahil ilang buwan ding naantala ang pagpapatupad ng desisyon ng HRET, kinasuhan si Nograles sa House Ethics Committee ni Atty. Sixto Brillanes.

Tatakbo uli


Ayon kay Fernandez, muli siyang tatakbong kongresista sa unang distrito ng Laguna sa May 2010 elections sa ilalim ng partidong Lakas-Kampi.

Sinabi ng mambabatas na wala siyang hinanakit sa administrasyon at liderato sa Kamara kahit ipinatupad ang kautusan ng HRET.

“Tatakbo uli ako sa Lakas (party). Landslide ang panalo ko noon (2007 elections) at sa tingin ko mas malaki ang boto ko sa susunod kasi nakita ng mga tao ang ginawa sa’ken," pahayag nito.

Tiwala rin si Fernandez na papaboran din siya ng Korte Suprema kapag nagpalabas ng desisyon ang mga mahistrado tungkol sa naging hatol ng HRET.

“Baka sa susunod na linggo magpalabas ng desisyon, hopefully. Ako tiwala, ako na papabor sa’ken (ang desisyon ng SC)," idinagdag niya.

Ngunit kung hindi man maging pabor sa kanya ang desisyon ng SC, sinabi ni Fernandez na pabor pa rin ito sa kanyang panig dahil mangangahulugan na maaari uli siyang tumakbo sa susunod na tatlong halalan.

"Ibig sabihin hindi counted ang pag-upo ko ngayon kaya puwede pa ko ng three terms, pabor pa rin sa akin 'yon," paliwanag niya.

Sa resulta ng 2007 elections, umabot sa 35,000 boto ang lamang ni Fernandez sa pinakamalapit na kalaban niya na si Neric Joaquin, anak ng dating kongresista na si Uliran Joaquin.

Sinabi ni Fernandez na inaasahan niya na si Uliran ang makakalaban niya sa May 2010 elections ngunit posible umanong magkaproblema rin ito dahil kinukuwestiyon naman ang kanyang nationality. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Dagdag na tropa ng pamahalaan sa Davao City hiniling sa Comelec
03/17/2010 | 12:10 AM
MANILA – Hiniling ni Speaker Prospero Nograles sa Commission on Elections na dagdagan ang puwersa ng militar at pulisya sa mga lugar sa Davao City kung saan aktibo ang mga rebeldeng komunista. More
Pondo ng gobyerno vs El Nino ‘di nararamdaman – Mitra
03/16/2010 | 11:44 PM
MANILA – Hiniling ni Nacionalista Party senatorial bet Ramon Mitra IV sa Department of Agriculture (DA) na gamitin na ang pondo ng pamahalaan upang tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na... More
Unahin ang mga problema ng bansa bago paghihiganti – Arroyo allies
03/16/2010 | 09:07 PM
MANILA – Dismayado ang mga kaalyado ng administrasyon sa pahayag ni presidential candidate Sen Benigno “Noynoy" Aquino III na bubuo ito ng lupon na magsisiyasat sa mga alegasyon ng katiwalian ni... More
Magkapatid na paslit nasawi sa sunog sa Pangasinan
03/16/2010 | 06:14 PM
Patay ang magkapatid na paslit nang matupok ang kanilang bahay tanghali nitong Martes sa Barangay Bari sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan. More
5 bata patay sa tigdas - DOH
03/16/2010 | 04:20 PM
MANILA – Lima na ang kumpirmadong nasawi sa sakit ng tigdas, kabilang ang tatlong walong-buwang-gulang ng mga lalaki, batay sa impormasyong nagmula sa Department of Health (DOH). More
Suspek sa paghalay at pagpatay sa 16-anyos na babae nadakip
03/16/2010 | 03:55 PM
BUTUAN CITY — Hawak na ng pulisya sa Cabadbaran, Agusan del Norte ang pangunahing suspek sa hinihinalang kaso ng gang rape at pagpatay sa isang dalagita na naganap noong nakaraang linggo. More
Botante pinaalalahanan ni Rosales vs magastos na kandidato
03/13/2010 | 08:58 PM
MANILA – Pinangunahan ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales nitong Sabado ang 16 na lider ng Simbahang Katoliko sa Metro Manila sa pagbibigay ng paalala sa mga botante na maging maingat... More
3 OFWs sasabak sa halalan sa Mayo
03/13/2010 | 03:10 PM
RIYADH – Tatlong overseas Filipino workers ang nakatakdang umuwi ng Pilipinas sa susunod na linggo hindi para magbakasyon kung hindi para sumabak sa kampanya bilang kandidato sa darating na halalan... More
Banat ng pinsan ayaw patulan ni Gibo
03/13/2010 | 12:23 AM
MANILA – Binalewala ni administration presidential candidate Gilberto “Gibo" Teodoro Jr. ang patutsada ng kanyang pinsan na wala siyang utang na loob sa ginawang pagpapalaki ng kanyang tiyuhin na... More
ADVERTISEMENT
Police officer gunned down in Pampanga
2010-03-15 17:43:27
A police official was killed while his 17-year-old companion was hurt when unidentified men...
Toyota dismisses account of runaway Prius
2010-03-16 14:50:36
SAN DIEGO – Toyota Motor Corp. dismissed the story of a man who claimed his Prius sped out of...
US wants Israel to cancel Jerusalem building plan
2010-03-16 07:20:42
The Obama administration is demanding that Israel call off a contentious building project in east...
Pondo ng gobyerno vs El Nino ‘di nararamdaman – Mitra
2010-03-16 23:44:22
MANILA – Hiniling ni Nacionalista Party senatorial bet Ramon Mitra IV sa Department of...