Lumipat kaya sa NP?: Pacquiao kandidato ni Villar sa Saranggani
11/21/2009 | 03:02 PM
MANILA – Isiniwalat ni Senador Manny Villar nitong Sabado na si Pinoy boxing hero Manny Pacquiao ang magiging kandidato ng Nacionalista Party (NP) sa pagka-kongresista sa Saranggani sa May 2010 elections.
Ipinaalam ni Villar ang pagsuporta sa pagpasok ni Pacquiao sa pulitika matapos panumpain sa NP ang may 200 lokal na lider sa Batangas nitong Sabado na pinangunahan ng dating gobernador sa lalawigan na si Armand Sanchez.
Ayon sa pambato ng NP sa panguluhang halalan, nagkausap sila ni Pacquiao nitong Biyernes ng gabi ngunit tumanggi itong magbigay ng iba pang detalye.
“Basta may kandidato tayo (NP) sa Saranggani, si Manny (Pacquiao) ‘yon," deklara ni Villar.
Nasa huling termino na ang kasalukuyang kongresista ng lone district ng Saranggani na si Erwin Chiongbian na kasapi ng Lakas-Kampi-CMD. Ngunit inaasahang manggagaling din sa mga Chiongbian - kilalang angkan ng mga pulitiko sa lalawigan – ang ilalaban sa tinaguriang 'Pambansang kamao."
Hindi naman sinabi ni Villar kung lilipat si Pacquiao sa NP dahil miyembro ito ng Kampi (Kabalikat ng Malayang Pilipino), na nakipagsanib puwersa na sa Lakas-CMD.
Tumanggi rin si Villar na magsalita kung siya ang susuportahan ni Pacquiao sa panguluhang halalan. Aniya, mas makbubuting si Pacquiao ang dapat ang magsalita sa naturang bagay.
Pero iginiit ng senador na magkatugma ang layunin nila ni Pacquiao na mapaganda ang kabuhayan sa bansa dahil kapwa sila nanggaling sa mahirap na pamilya.
Ate Vi vs Sanchez
Ipangtatapat naman ng NP kay Batangas governor Vilma Santos ang dating gobernador ng lalawigan na si Armand Sanchez na kumalas na rin sa kampo ng administrasyon.
Bitbit ni Sanchez na lumipat sa NP ang 18 incumbent at aspiring mayors, 18 sitting at aspiring vice-mayors, at 140 incumbent at aspiring councilors.
Noong Hunyo 1, 2006, nakaligtas si Sanchez sa asasinasyon nang pasabugin ang kanyang sasakyan sa tapat ng kapitolyo. Namatay sa insidente ang kanyang drayber at bodyguard .
Suspek sa naturang asasinasyon ang dating bise gobernador ng Batangas na si Ricky Recto, kapatid ni dating Senador Ralph Recto, asawa ni Vilma.
Kamakailan ay inihayag ng mag-asawang Ralph at Vilma ang pagkalas sa Lakas para lumipat sa Liberal Party ni Senador Benigno “Noynoy" Aquino III.
Nagdulot din ng kontrobersiya ang paglipat ng mag-asawang Recto sa LP dahil naging dahilan ito ng pagkalas ni dating senador Serge Osmena sa kampo ni Aquino.
Tinalo ni Vilma si Sanchez noong 2007 elections. Itinuturing “vote rich" province ang Batangas dahil mayroon itong 1.2 milyon populasyon. - GMANews.TV