Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Erap handa nang idepensa ang muling pagtakbo sa pagka-pangulo

MANILA – Nakakasa na ang legal team ni dating Pangulong Joseph Estrada upang idepensa ang muli nitong pagtakbo sa pinakamataas na posisyon ng bansa sa May 2010 elections.

Sa pagharap ni Estrada nitong Biyernes sa kauna-unahang web show sa Pilipinas na "Examine!" ng GMANews.TV, inihayag ng dating lider na dinagdagan niya ang mga abogadong magtatanggol sa kanyang kandidatura.

Inaasahang na kukuwestiyunin ang muling pagtakbo ni Estrada sa panguluhan kapag nakapaghain na ito ng Certificate of Candidacy sa Commission on Elections. Nakasaad kasi sa Konstitusyon na isang beses lamang maaaring manungkulan ang isang nahalal na presidente sa Pilipinas.



Kabilang umano sa mga kasama sa legal team ni Estrada ay retiradong mahistrado ng Supreme Court, isang election lawyer, at mga dean ng iba't ibang law school sa bansa.

Sa hiwalay na panayam ng mga mamamahayag sa Senado, sinabi ni dating senador Ernesto Maceda, tagapagsalita ng United Opposition (UNO), na ang legal team ni Estrada ay kinabibilangan nina:

• Justice Magdangal Elma, dating Presidential Legal Counsel ng pumanaw na si dating Pangulong Corazon Aquino,
• Pacifico Agabin, dean ng University of the Philippines' College of Law;
• Amado Valdez, dean ng University of the East College of Law;
• Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, dating dean ng San Sebastian Law School;
• George Garcia, elections lawyer; at
• Aquilino “Koko" Pimentel III, law professor.

Tiwala umano si Maceda na malulusutan ni Estrada ang mga ihahaing disqualification case kapag nagsumite na ito ng COC sa Nobyembre 27.

Sakaling matalo, posibleng maglagay umano ng kapalit na kandidato ang UNO o mag-endorso na lamang ng ibang kandidato sa panguluhan.

Nakasaad sa Article VII, Section 4 ng 1987 Constitution na, "The President shall not be eligible for any reelection. No person who has succeeded as President and has served as such for more than four years shall be qualified for election to the same office at any time."

Ngunit iginiit ng kampo ni Estrada na hindi ito maaaring ipatupad sa termino ng dating pangulo dahil hindi nito natapos ang kanyang anim na taong termino.

Nahalal na pangulo si Estrada noong 1998, subalit napatalsik siya sa mapayapang rebolusyon noong 2001 dahil sa alegasyon ng katiwalian. – GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Mga kandidato umarangkada sa unang araw ng kampanya
02/09/2010 | 11:20 PM
MANILA – Kanya-kanyang gimik, pagpapapogi at paninira sa kalaban ang bumungad sa unang araw ng kampanya nitong Martes para sa mga kandidato sa pambansang posisyon sa darating na halalan sa Mayo. More
Pagdakip sa 43 health workers sisiyasatin ng Senado
02/09/2010 | 09:28 PM
MANILA – Kahit nakabakasyon ang Kongreso, naghain ng resolusyon si Sen. Pia Cayetano sa kapulungan para imbestigahan ang pag-aresto sa 43 health workers sa Morong, Rizal na pinaghihinalaang... More
Pagdanganan pinayagan ng umupo bilang gobernador ng Bulacan
02/09/2010 | 08:44 PM
MANILA – Opisyal ng manunungkulan bilang gobernador ng Bulacan si dating Agrarian Reform Secretary Roberto Pagdanganan matapos ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang apela ng pinatalsik... More
Feb 16, 2010: Huling araw ng aplikasyon ng WWII vets para sa US benefits
02/09/2010 | 06:34 PM
MANILA – May isang linggo pa para makapagsumite ng aplikasyon ang mga Pilipinong beterano ng World War II upang makatanggap ng mga benepisyong ipinagkakaloob ng mga Amerika. More
Comelec bigong mag-report sa Kongreso tungkol sa automated polls
02/09/2010 | 05:54 PM
MANILA – Nagpahayag ng pagkabahala nitong Martes si Speaker Prospero Nograles Jr kaugnay sa kabiguan ng Commission on Elections (Comelec) na magsumite sa Kongreso ng ulat tungkol sa kalagayan ng... More
Isiniwalat ni Enrile na panunuhol ni Villar pinagdududahan
01/27/2010 | 09:52 PM
MANILA – ‘Dapat pa bang paniwalaan ang tao na minsan ng umamin na pineke niya ang sariling ambush noong panahon ng martial law? More
Pinay sa Saudi nagpamalas ng kabayanihan sa pagtulong sa kababayan
01/27/2010 | 05:21 PM
JEDDAH, Saudi Arabia – Isang Pinay ang nagpakita ng kabayanihan nang tulungan ang isang kababayan domestic hleper na minaltrato ng kanyang amo sa loob mismo ng paliparan sa Dammam. More
Lalaki kulong matapos humirit ng sex kapalit ng naked pics ng ex-gf
01/27/2010 | 04:25 PM
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Sa halip na malambot na kama, matigas na rehas ang hinihimas ngayon ng isang 38-anyos na nursing student matapos ipakulong ng kanyang dating kasintahan. More
Related
No Related Article
No Related Video
ADVERTISEMENT
In latest debate, presidential wannabes play it safe on RH issue
2010-02-08 21:57:01
On the eve of the official start of the campaign period for national posts, several presidential...
Gas blast at US power plant kills at least five
2010-02-08 13:28:43
MIDDLETOWN, Connecticut — An explosion blew out the walls of an unfinished power plant and set...
8 suspected robbers killed in Quezon shootout
2010-02-08 09:24:21
(Updated 1:17 PM) Eight suspected robbers were killed after engaging police in a shootout...
Ohio strip club hosts 'Lap dances for Haiti'
2010-02-09 09:52:11
TOLEDO, Ohio – A strip club in Ohio has raised $1,000 for Haitian earthquake relief during what...