Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Suspek sa pagpatay sa anak ng Palace official hinikayat na sumuko

MANILA – Nanawagan ang isang opisyal ng Malacanang nitong Sabado sa suspek sa pagpatay kay Renato Victor Ebarle Jr., na mapayapang sumuko sa mga awtoridad.

Ito ay matapos iutos ni Philippine National Police chief Jesus Verzosa sa mga tauhan na tugisin ang suspek na si Jason Ivler, na napag-alaman na sangkot din sa pagkamatay sa aksidente ni dating Manila Rep. Nestor Ponce noong 2004.

Sa panayam ng dzRB radio, nakiusap si Press Secretary Cerge Remonde sa mga nakakakilala kay Ivler na kumbinsihin ito na mapayapang sumuko sa mga awtoridad kaugnay sa pagkamatay ni Ebarle.

“Mananawagan tayo sa suspect o sinuman na nakakakilala sa suspect to yield peacefully, or give him up to authorities," ayon kay Remonde.

Hinihinalang iringin sa kalye ang ugat ng pagbaril ng suspek kay Ebarle sa Quezon City noong Miyerkules ng gabi. Ang biktima ay anak ni Undersecretary Renato Sr., ng Office of the Presidential Chief of Staff.

Aminado si Remonde na nararamdaman din niya ang galit sa pagkamatay ng nakababatang Ebarle dahil kaibigan niya ang ama nito.

“We condemn in the strongest possible sense the senseless murder of Renato Victor Ebarle Jr., especially because his father is very close to me, Undersecretary Boy Ebarle. He’s always in my office," ayon kay Remonde.

Kabilang umano siya sa mga unang tinawagan ng nakatatandang Ebarle nang malaman nito ang sinapit ng anak, ayon sa kalihim.

Sinabi ni Remonde na nagbigay ng direktiba ang Malacanang sa liderato ng PNP na, “to leave no stone unturned in solving this crime."

Diplomat

Nilinaw naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi maaaring gumamit ng diplomatic immunity si Ivler kahit pa isang diplomat ang kanyang stepfather na si Stephen Pollard, opisyal sa Asian Development Bank.

Lumitaw sa imbestigasyon na kotse ni Polland na may diplomatic license plate ang ginamit umano ng suspek nang maganap ang krimen.

"Our records do not show Ivler is accredited as having diplomatic status, though his father is, as a principal economist of ADB," ayon kay Foreign Affairs spokesperson Ed Malaya.

Inakusahan naman ng Quezon Police District si Pollard na hindi nakikipagtulungan sa imbestigasyon dahil ayaw nitong tukuyin kung sino talaga ang gumamit ng kanyang kotse nang mangyari ang krimen.

Idinahilan umano ni Pollard na pinagbawalan siya ng kanyang abogado na magsalita tungkol sa kaso. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Mga kandidato umarangkada sa unang araw ng kampanya
02/09/2010 | 11:20 PM
MANILA – Kanya-kanyang gimik, pagpapapogi at paninira sa kalaban ang bumungad sa unang araw ng kampanya nitong Martes para sa mga kandidato sa pambansang posisyon sa darating na halalan sa Mayo. More
Pagdakip sa 43 health workers sisiyasatin ng Senado
02/09/2010 | 09:28 PM
MANILA – Kahit nakabakasyon ang Kongreso, naghain ng resolusyon si Sen. Pia Cayetano sa kapulungan para imbestigahan ang pag-aresto sa 43 health workers sa Morong, Rizal na pinaghihinalaang... More
Pagdanganan pinayagan ng umupo bilang gobernador ng Bulacan
02/09/2010 | 08:44 PM
MANILA – Opisyal ng manunungkulan bilang gobernador ng Bulacan si dating Agrarian Reform Secretary Roberto Pagdanganan matapos ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang apela ng pinatalsik... More
Feb 16, 2010: Huling araw ng aplikasyon ng WWII vets para sa US benefits
02/09/2010 | 06:34 PM
MANILA – May isang linggo pa para makapagsumite ng aplikasyon ang mga Pilipinong beterano ng World War II upang makatanggap ng mga benepisyong ipinagkakaloob ng mga Amerika. More
Comelec bigong mag-report sa Kongreso tungkol sa automated polls
02/09/2010 | 05:54 PM
MANILA – Nagpahayag ng pagkabahala nitong Martes si Speaker Prospero Nograles Jr kaugnay sa kabiguan ng Commission on Elections (Comelec) na magsumite sa Kongreso ng ulat tungkol sa kalagayan ng... More
Isiniwalat ni Enrile na panunuhol ni Villar pinagdududahan
01/27/2010 | 09:52 PM
MANILA – ‘Dapat pa bang paniwalaan ang tao na minsan ng umamin na pineke niya ang sariling ambush noong panahon ng martial law? More
Pinay sa Saudi nagpamalas ng kabayanihan sa pagtulong sa kababayan
01/27/2010 | 05:21 PM
JEDDAH, Saudi Arabia – Isang Pinay ang nagpakita ng kabayanihan nang tulungan ang isang kababayan domestic hleper na minaltrato ng kanyang amo sa loob mismo ng paliparan sa Dammam. More
Lalaki kulong matapos humirit ng sex kapalit ng naked pics ng ex-gf
01/27/2010 | 04:25 PM
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Sa halip na malambot na kama, matigas na rehas ang hinihimas ngayon ng isang 38-anyos na nursing student matapos ipakulong ng kanyang dating kasintahan. More
ADVERTISEMENT
Bidding for Fujimi property lease deferred anew
2010-02-09 16:58:53
The government has again moved the bidding for the lease of its posh real estate property in...
SI swimsuit edition puts Roddick's wife on cover
2010-02-09 19:23:06
NEW YORK – Model Brooklyn Decker landed the coveted Sports Illustrated Swimsuit cover this year.
CHR's De Lima to visit detained health workers
2010-02-08 09:46:25
The head of the Commission on Human Rights (CHR) will personally look into Saturday's arrest...
Piglet with three eyes and two snouts born in Ilocos Sur
2010-02-08 12:42:41
A healthy piglet with three eyes and two snouts is currently the talk of the town in Narvacan,...