Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mark Herras denies impregnating showbiz 'newcomer'


Pinabulaanan ng young Kapuso actor na si Mark Herras ang lumalabas na balita na nabuntis niya ang isang miyembro ng bagong all-female sing-and-dance group na nagngangalang "Krissa." Sa panayam ng showbiz talk show na Startalk nitong Sabado, sinabi ni Mark na siya man ay nagulat at natawa nang mabalitaan na may bagong isyu tungkol sa babae na kanyang nabuntis. “Nang malaman ko yung isyu, tinawagan ako, pati ako nagulat may ganyan palang isyu, tawa lang ako ng tawa. Itong bagong isyu na naman sa akin, kung tama ako ika-third time na nangyari sa akin ‘to, na may nagbibintang na may nabuntis daw ako," ayon sa tinaguriang ‘bad boy’ ng dance floor. Nanindigan si Mark na hindi niya kilala ang babae at wala raw siyang panahon para lumabas at gumimik dahil sa dami ng kanyang trabaho.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Ngayon sa totoo wala( nang time lumabas) kasi puro taping ako. M-W-F ang trabaho ko tapos ‘pag may vacant may rehearsal ako sa SOP, tapos may StarStruck taping. So wala rin akong time," paliwanag niya. Dismayado umano ang aktor dahil patuloy siyang nasasangkot sa mga ganitong uri ng kontrobersiya kahit anong gawin niyang ingat at pag-iwas. Alam na rin umano ng kanyang mga magulang ang pinakabagong intriga tungkol sa “panibagong" nabuntis niya. Ayon kay Mark, ang mga magulang niya ang higit na apektado kapag nasasangkot siya sa mga ganitong uri ng balita. Handa rin umano si Mark na patulan ang babae sakaling ituloy nito ang banta na magdedemanda laban sa kanya. “Sige maglabas kayo ng ilalabas ninyo kung gusto ninyong magdemanda, kung may maipakikita kayong ebidensiya or puweba. Kaya ako nagsasalita ng ganito kasi alam kong wala," kumpiyansa nitong paghamon. “Kung magdemanda ka man sige patulan kita, kasi wala ka namang marereklamo sa’ken dahil hindi kita kilala at never kitang na-meet, so good luck sa’yo," idinagdag ni Mark. Nakiusap ang aktor sa babae na ibang tao na lang umano ang gamitin kung nais nitong gumawa ng ingay sa kanyang pangalan. – Fidel Jimenez, GMANews.TV
Tags: markherras