Tamang pagpili sa kandidato dapat daw ituro ng Simbahang Katoliko
11/21/2009 | 07:11 PM
MANILA – Hinikayat nitong Sabado ang Simbahang Katoliko na lalo pang maging aktibo sa pagbibigay ng edukasyon sa mga tao sa pagpili ng mga iboboto sa darating na halalan.
Sa panayam ng Radio Veritos kay Fr Ronhillo Aquino, dean ng graduate school of law sa San Beda, hindi dapat magtapos sa pagbibigay ng paalala sa publiko ng “vote wisely" ang maging papel ng simbahan sa pagkilatis ng mga kandidato.
“The Church should actively get involve in educating electorate instead of saying vote wisely. Let’s explain what does wise voting consisted? What are the requirements in moral leader? What are the signal that a official cannot be trusted, cannot be of public trust," pahayag ni Aquino.
“I think this is the time the Church should come out. And why it should not dictate electorate, who is candidate should be. Dapat malinaw ang guidelines naibibigay ng simbahan sa mga residente," idinagdag niya.
Sa naturang panayam, tinawag niyang “oportunista" ang mga pulitikong nagpapalipat-lipat ng partido. Hindi umano ito nakatutulong sa bansa at sa halip ay nagbibigay ng maling mensahe sa mga mamamayan.
“Ang sinasabi nila sa mga botante natin ay hindi importante ang mga prinsipyo, hindi importante ang plataporma. Kasi kung importante ang prinsipyo at plataporma hindi mo iiwan ang partido mo because that party is the place to stand a set of principle and to attraction,’ paliwanag ni Aquino.
Hindi rin niya pinapaniwalaan ang karaniwang katwiran ng mga pulitiko na ang paglipat sa ibang partido ay bunga ng pagkakatugma sa kanilang plataporma at paninindigan.
“How to relate them, well ang dapat na tanungin bakit ngayon lang (panahon ng halalan)? Why do they choose part of candidate now? But you must choose party for a year not by that time," pahayag niya.
Habang papalapit ang halalan, lalong dumadami ang mga pulitikong lumilipat ng partido at nagkakaroon din ng mga alyansa ang magkakaibang lapian.
Pinakaapektado sa nagaganap na lipatan ng mga pulitiko ay ang administrasyong Lakas-Kampi-CMD kung saan marami sa mga kasapi nito ang nanunumpa sa Nacionalista Party ni Sen Manny Villar at Liberal Party ni Sen Benigno “Noynoy" Aquino III.
Binigyan-diin ni Fr Aquino na hindi lamang ang mga lider ng partido ang dapat magkaroon ng pananagutan sa bayan kapag nanalo sa halalan kundi maging ang mga kasapi ng lapian.
"If he transfer only now o kaya ako lilipat dahil naghahanap ako ng parido kung saan matutupad yung mga pangarap ko sa gobyerno. Anong ginawa niya habang siya ay nasa gobyerno," paliwanag niya. - GMANews.TV