Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

'Disyertonaryo': Pang-disyertong bukabolaryo

Paunang Salita:

Itong tulang ito’y sarili kong katha
at di ko kinopya sa may ibang akda
ang bokabularyo ay hindi rin salin
sa Tagalog mula sa ibang wikain

ito’y orihinal, pinagtyagaan ko
na makapag-research dito sa disyerto
kahit na mabagal broadband ng Internet
nagtagumpay ako na ito ay i-send

No problema para sa Kwentong Kapuso
kung i-publish ito at hindi itago
pakiusap lang kung gawing pelikula
gawing leading lady si Marian Rivera;

*Arachnid
Miyembro ay alakdan na tikwas ang buntot
kapag nakatusok ay lagnat ang dulot
pero masarap din na gawing adobo
sa Kabalen restaurant ay parang camaro

*Bedouin
Sila’y mga tribo ng nomadic Arab
doon sa disyerto ay gumagalugad
pero kahit sila’y no permanent address
‘di naman squatter sa tabi ng riles

*Camel

Ito ang sasakyan ng mga Arabo
kapag naglalakbay doon sa disyerto
ang gatong ay tubig, hindi smoke belching
kaya no pollution at clean air ang dating

*Desert
Ito’y isang dagat pero walang tubig
puro buhangin lang ang nandoon sa beach
kung kaya very safe na dito’y magswimming
ligtas na sa lunod at wala pang pating

Hanggang dito na lang ang lingkod po ninyo, dito tinatapos ang bokabularyo, pero open ito sa gustong mag-ambag, parang Wikipedia, may edit at dagdag.
– Ydonne _2008
















*Oasis
Natural greenhouse ‘to sa gitna ng desert
kaya mga Bedouin nakakapag-harvest
may bukal ng tubig na pinagkukunan
kaya bottled water di na kailangan

*Sand dunes

Bunton ng buhangin na paalon-alon
walang katapusan na source ng sandstorm
‘pag nasa malayo akala mo’y bundok
na kahawig ng kay Quasimodong likod

*Sandstorm
Ito ang s’yang bagyo dito sa disyerto
sa halip na ulan ay buhanging pino
sa mata, sa tenga sila’y sumusuot
ilong mo ay laging puno ng kulangot

*Souk
Kung sa atin ito, ang tawag ay t’yangge
temporary stalls, paninda ay tingi
dito sa Middle East mga nagtitinda
ay puro lalaki at walang tindera

*Vulture
Ibong scavenger ng patay na hayop
doon sa disyerto ay barangay tanod
dito man sa atin ay maraming b’witre
sobra kung tumagang recruitment agency

*Wadi
Daang-tubig ito, bangin na malalim
bumabaha lamang kapag may heavy rain
‘di tulad sa atin na konting ulan lang
baha na agad ang mga lansangan

Pahimakas :

Hanggang dito na lang ang lingkod po ninyo
dito tinatapos ang bokabularyo
pero open ito sa gustong mag-ambag
parang Wikipedia, may edit at dagdag - GMANews.TV

Ydonne _2008

Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay sa Kwentong Kapuso upang maibahagi sa iba. Ang inyong mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas.

Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad na sadyang nilikha para sa inyo.

Muli, ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Patuloy kaming hindi magsasawa na basahin ang inyong kwento - maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang at nagpapalipas lang ng oras.

Inaanyayahan din naman ang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na may bahagi sa buhay ng isang OFW na nais magpaabot ng kanilang saloobin sa kanilang minamahal na nakikipagsapalaran sa ibayong-dagat.

Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa aming mga kababayan saan mang bahagi ng mundo, saludo kami sa inyo mga Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!
ADVERTISEMENT
Tariff body presses JG Summit over naphtha cracker proposal
2010-02-09 10:46:51
Plans of JG Summit Petrochemical Corp. to put up a long-delayed raw material facility will be...
AddMix five hopes to create impact in PBL
2010-02-08 12:32:44
Coach Leo Austria of AddMix believes his team, a mix of UAAP and NCAA players, will be...
10 Ampatuans implicated in massacre are candidates
2010-02-10 00:20:29
DAVAO CITY – Only two of the 12 prominent Ampatuans implicated in the November 23, 2009 massacre...
Piglet with three eyes and two snouts born in Ilocos Sur
2010-02-08 12:42:41
A healthy piglet with three eyes and two snouts is currently the talk of the town in Narvacan,...