Filtered by: Showbiz
Showbiz

iGMA: Bittersweet Christmas for Mark-Jen fans


Dapat magsaya na ngayon ang mga Mark-Jen fans habang happy pa ang inyong favorite couple. Dahil batay sa mga kuwento ni Mark Herras sa mga maaaring mangyari sa kuwento ng 'Ikaw Sana', the love team is in for a very bumpy ride. Masaya sina Mark, his co-stars at ang mga kasamahan behind the scenes ng Ikaw Sana sa pag-stabilize ng ratings ng show. "Nakatutuwa kasi habang tumatagal, nagiging stable." Mark said na compared sa performance ng show nila before, hindi daw talaga nila makita kung gusto ba ng viewers ang show nila o hindi dahil nga taas-baba ang ratings nila. "Ngayon, umaangat kami ng mga 4 to 5 points—so happy. Happy sa resulta," ayon sa binata. Sa Ikaw Sana, the characters have just gone through a six-year transition. Nakalabas na ng kulungan ang character ni Jennylyn Mercado, at alam na ng character ni Mark na ang character ni Pauleen Luna ang may kagagawan ng lahat ng kaguluhan. Regarding the pivotal scene kung saan nalaman ni Michael Olivares (Mark's character) ang nangyari kay Jennylyn, Mark shares this story: "Nagtaping ako nung isang araw doon sa kung saan nakulong si Jen, sabi nung mga nakakulong, 'Pag nakita namin si Pauleen dito, yari sa amin.' Mga ganoon, makinig ka sa kanya, Michael, pakinggan mo si [Eliza]'" At natutuwa sila Mark dahil ganoon ka-effective 'yung role na ginampanan ni “Pau,’ nickname na gamit ng mga close friends ni Pauleen. "Happy kami na nararamdaman ng mga tao, na parang mismo sila nakaka-relate doon sa istorya ng Ikaw Sana," dagdag niya. "I'm thankful for the people na sumusuporta sa amin." Growing Up Mark said na nang simula ang Ikaw Sana, he did wonder kung paano ba talaga naiiba ito sa previous role na ginampanan niya: Paano Ba Ang Mangarap's Eric Valderama. "Pero habang tumatagal," Mark said, "naiintindihan ko na parang kahit almost the same 'yung role na ginagampanan mo—ikaw mismo ang makakapag-iba ng character na ginagawa mo." And he says that he's proud of how he was able to give two different attacks para sa dalawa niyang roles. "Kasi, parang si Eric may pagka-bagets pa rin ng kaunti," he added that this time, talagang matured ang attack na binibigay niya for Michael. Mark does confessed na nagtataka ang cast sa bilis ng takbo ng story. "Parang, hindi ba tayo masyado mabilis mag-transition?" Mark wondered aloud, "parang kailan lang kasisimula lang natin—tapos nagka-anak agad kami ni Jen, kinasal kami, tapos ngayon nakulong, tapos nakalaya—ano pa kaya ang mangyayari?" iGMA.tv asked Mark kung sa bilis ng mga pangyayari ay magiging happy na ba ang fans nila ni Jen by Christmas time. He replied, "kasi may mga tinaping kami na feeling ko hindi pa siya aabot ng Pasko, matutuwa na sila e. Pero malulungkot ulit sila." So bittersweet ang Pasko? "Medyo," he said. "Pero maganda, maganda kasi 'yung mga mangyayari. Lalo na pag napanood na nila 'yung mga ginawa na naming eksena ni Pau. Siguro hint na lang, malalaman ko kasi 'yung buong katotohanan. Very, very soon." One thing na masisigurado ni Mark, the fans will be happy na hindi sila mawawala sa ere ng December. "Kung tama ako, extended pa ang Ikaw Sana hanggang January." So that's more than two months of gripping stories about unconditional and unstoppable love. Continue to fall in love with Ikaw Sana every weekday afternoon, before 24 Oras. And catch Mark's hosting skills sa ShoutOut: the StarStruck Dailies weekday afternoons before Family Feud. - Jason John S. Lim
LOADING CONTENT