Filtered By: Showbiz
Showbiz

Claudine Barretto is now a Kapuso star


Certified Kapuso star na si Claudine Barretto matapos siyang pumirma ng kontrata sa GMA Network nitong Miyerkules. Ayon sa aktres, excited na siyang magsimula sa kanyang mga magiging proyekto. Mainit na tinanggap ng mga pinuno ng GMA Network si Claudine kasama ang kanyang mga magulang sa pagpirma ng kontrata. Makakasama na ni Claudine ang kanyang mister na si Raymart Santiago na isang ring Kapuso star, ayon kay entertainment reporter Lhar Santiago. Nandoon sa pirmahan ng kontrata sina GMA Network president, chairman at CEO Atty. Felipe L Gozon; GMA Network executive vice president at COO Gilberto Duavit Jr; GMA Films president Annette Gozon-Abrogar at GMA vice president for entertainment television Wilma Galvante. Sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Miyerkules, sinabi ni Claudine na naninibago siya pero masayang-masaya sa kanyang pagiging Kapuso star.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Parang naninibago pero I think ang pinakanangunguna talaga sa lahat ng nararamdaman ko ngayon yung excitement, at the same time yung excited talaga ako dahil alam kong magaganda ang mga nakahelerang projects for me, and at the same time makakasama ko ang asawa ko," pahayag ng mahusay na aktres. Sinabi sa ulat na walang mahabang negosasyon na nangyari sa pagpirma ni Claudine ng kontrata sa GMA 7 na nagsimula sa bago niyang pelikula. “Claudine has a movie with viva and they offered us to co-produce it, so sabi namin wow! Dream come true to have a movie with Claudine, we never thought we could do a movie with Claudine," ayon kay Annette Gozon- Abrogar. Maging si Claudine ay inamin na mabilis ang mga pangyayari at nitong Martes lang nagkaroon ng usapan na pipirma na sila ng kontrata sa GMA Network building. “Kami’y tuwang tuwa na naging Kapuso na siya sapagkat hindi naman kaila sa lahat na magaling na artista si Claudine," pahayag ni Atty Felipe L Gozon. “Ang masasabi ko lang e sa wakas…si Claudine ay maraming tagahanga na mga Kapuso isa na ako roon. Hindi naman kaila na si Raymart ay Kapuso rin so welcome to the family. We’re very proud and happy na Kapuso ka na ngayon at excited na excited tayong lahat sa mga nakahilerang project para kay Claudine," pagbati naman ni Mr Gilberto Duavit. - Fidel Jimenez, GMANews.TV