Filtered by: Showbiz
Showbiz

PEP: Family of Krista Ranillo claims receiving death threats


Sa kabila ng pagsasalita ng mga taong sangkot sa isyung may relasyon diumano sina Manny Pacquiao at Krista Ranillo, hindi pa rin matigil-tigil ang usap-usapan tungkol dito. Ang pinakahuling balita nga ay nakakatanggap na raw ng death threats ang pamilya Ranillo bunsod ng pag-uugnay kay Krista at sa ‘Pambansang Kamao.’ Ito ang isiniwalat ng kampo ni Krista sa isang statement na ipinadala nila sa media nitong Miyerkules. Ayon sa kampo ni Krista, ang death threats ay galing daw sa mga hindi kilalang tao, "who are claiming that such inappropriate relationship exists." Dagdag pa ng legal counsel at spokesman ng mga Ranillo na si Atty. Tonisito Umali, ang death threats na ito raw ang isa sa malaking dahilan kung bakit hindi pa bumabalik ng Pilipinas ang pamilya Ranillo. Nasa U.S. pa rin ang pamilya ni Krista. Nagpunta sila roon upang manood ng laban ni Manny kontra kay Miguel Cotto, at para sa major operation ng bunsong kapatid ni Krista na si Trixie. Sa statement na pirmado ng ama ni Krista na si Mat Ranillo III, mariin nilang pinabulaanan ang nababalitang relasyon daw nina Krista at Manny. Nakasaad sa statement ang mga sumusunod: "Our family is deeply saddened by the continuing negative publicity being hurled upon us as a result of the alleged inappropriate relationship of Ms. Krista Ranillo with Mr. Manny Pacquiao. "We thought that our silence will stop all these lies being peddled in the Philippine media by some unscrupulous people." Nakikiusap din ang pamilya Ranillo sa media "to exercise balance, fairness and accuracy in their reporting." "DEROGATORY AND UNTRUTHFUL COMMENTS." Ayon pa sa official statement ng mga Ranillo, pinag-aaralan na raw ng kanilang abugado kung na-violate ng mga palabas sa TV, news programs, at major broadsheets ang karapatan ng pamilya Ranillo sa pag-uulat ng umano’y relasyon nina Krista at Manny. Pinag-aaralan na rin daw ni Atty. Umali ang "derogatory and untruthful comments" ng aktres na si Gina Alajar sa kanyang Facebook account— na unang inilabas ng The Buzz— at iba pang personalidad sa media, "to determine whether such comments are considered unprotected speech or libelous." "Pinag-aaralan kong mabuti kung ano ang pananagutan ni Ms Gina Alajar.... very, very defamatory, very, very libelous," saad pa ni Umali sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News. Sa hiwalay na panayam naman kay Gina, sinabi nitong: "I can say anything and everything in my profile. Nobody can stop me." Sa isa pang interview ay sinabi ng aktres na "unsolicited advice" lamang daw niya sa misis ni Manny na si Jinkee Pacquiao ang isinulat niyang shoutout sa kanyang Facebook account. Samantala, hindi na raw maglalabas ng iba pang statement ang Ranillo family, "so as not to jeopardize our attorney's efforts to study the legal implications of this negative publicity to our individual rights." - Erwin Santiago, PEP
LOADING CONTENT