Filtered by: Showbiz
Showbiz

iGMA: Direk Gina, Rey PJ support Carla-Geoff love team


Maganda ang mga reviews na nakukuha ng pinakabagong SRO Cinemaserye na Carinderia Queen, featuring ang nakakikilig na tambalan ni Carla Abellana and Geoff Eigenmann. Isa itong light romantic comedy na lalo pang naging interesting dahil kasama nila ang kanilang real-life parents-- ang batikang actress/director na si Ms. Gina Alajar (ina ni Geoff,) at ang '80s matinee actor na si Rey "PJ" Abellana (ama ni Carla). "Magiging DI (dance instructor) ako dito nina Gina and Melanie Marquez, na nanay niya (Carla). Mag-best friend ‘yung dalawa (Gina and Melanie) diyan. Magkakagulo dahil may triangulong mangyayari so, riot 'yan," kuwento ni Rey PJ about his first project with his daughter. Direk Gina noted that this is not her first time to work with her son. "I've worked with Geoffrey, noong bata pa siya when I directed a youth-oriented program here in GMA. It's called Next. Pagkatapos, noong bata kasi siya, in and out 'yan. Kapag bumababa ang grades sa eskuwela, hinto. Kapag maganda ang grades, pasok ng artista," paliwanag ni Direk Gina. Idinagdag niya na she is very proud dahil malayo na ang narating ni Geoff as an actor. "Well, he is improving little by little, lalo na dun sa pagsasalita niya. Nag-improve na siya sa kanyang emotional responsibilities when it comes to acting," ayon sa award-winning actress. Pero inamin din ni Direk Gina that she still gives pointers to her son, lalo na ngayon that they are working together sa SRO. "Of course, inaalalayan ko siya nang konti and Direk Mac Alejandre is there to guide him also. But there are things also na gusto kong i-correct sa kanya na sinasabi ko na, ‘Anak, ganito ang gawin mo, ganyan.’ Kaya dalawa ang director niya," natatawang kuwento ni Direk Gina. Obvious na nag-e-enjoy sina Rey PJ at Direk Gina na makasama ang kanilang mga anak and kitang-kita ito sa mga episodes ng Carinderia Queen. Kaya don't miss the remaining episodes Thursday nights, right after GMA’s Telebabad block. - Loretta G. Ramirez, iGMA
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
LOADING CONTENT