Filtered by: Showbiz
Showbiz

Geoff Eigenmann backs mom Gina Alajar vs Krista Ranillo 'issue'


Suportado ni Geoff Eigenmann sa kanyang ina na si Direk Gina Alajar sa kabila ng banta ng kampo ni Krista Ranillo na gagawa ng legal na hakbang sa mga nagkalat daw ng mapanirang pahayag sa pagkakaugnay ng batang aktres kay Manny Pacquiao. Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi nito na may panahon ngayon si Geoff na makasama ng matagal ang kanyang pamilya dahil tapos na ang taping niya sa Rosalinda at magwawakas na rin ang SRO Cinemaserye: Carinderia Queen. Batid umano ng batang aktor na nadadawit ang pangalan ng kanyang inang si Gina sa kontrobersiya nina Krista at Manny dahil sa inilagay ng batikang aktres/direktor sa kanyang profile sa Facebook account.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nagpahayag ang kampo ni Krista ng pagkadismaya sa naturang pahayag ni Direk Gina na nakasasama umano sa batang aktres. Ngunit kung si Geoff ang tatanungin, naniniwala ang binata naglabas lang ng saloobin ang kanyang ina. “Kung lumabas man ‘yon e ‘di lumabas people have their different opinion on things so ok lang ‘yon, bahala na kung ano ang mangyari," ayon kay Geoff sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Sinabi ni Geoff na isang-daang porsiyento ang suporta nilang magkakapatid sa kanilang ina. Ipadadama umano nilang magkakapatid na kasama sila ng kanilang ina sa lahat ng pagkakataon “Everything is under control naman. She’s in the good hands, she has nothing to worry about kasi her family, which is us, will always behind her one hundred percent… wala siyang aalalahanin, full support of course ‘di namin pababayaan si mommy," idinagdag ng batang aktor. Nitong Huwebes, sinabi ng kampo ni Krista na hihingi ng public apology ang pamilya Ranillo kay Direk Gina dahil sa inilagay nito sa kanyang Facebook account. Sagot ni Geoff tungkol sa naturang usapin: “Bahala na we’ll see what happens, everything can happen. I think we deserve an apology too but it never happened so, ‘yon na ‘yon." - Fidel Jimenez, GMANews.TV