PEP: Jolina Magdangal talks about her disappearance on SOP
11/28/2009 | 12:35 AM
Si Jolina Magdangal ang pinakabagong talent na mina-manage ngayon ng PPL Entertainment Inc., na pinamumunuan ni Perry Lansigan. Kasama niya sa PPL sina Dingdong Dantes, Geoff Eigenmann, Angelika dela Cruz, Gabby Eigenmann, Arthur Solinap, at Carlo Gonzales.
Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press na makausap si Jolina sa Christmas party para sa mga press ng PPL nitong Huwebes (Nob 26).
Maraming isyu ang binigyang-linaw ni Jolina gaya na lang ng pagkuha niya kay Perry bilang bagong manager. For the longest time kasi ay ang kanyang ama na si Mr. Jun Magdangal ang naging manager niya. Ano ang reaksiyon ng daddy niya sa desisyon niyang ito.
"Si Daddy kasi, napagdesisyunan niya na mag-take charge siya doon sa business namin sa Tagaytay, yung restaurant namin doon. Siyempre ‘pag may business ka sa ganung kalayo, hindi puwede yung ganung sitwasyon," paliwanag ng multi-media artist.
So, okay lang sa daddy niya na iba na ang manager niya?
"Oo naman," mabilis na sagot ni Jolina. "Siyempre hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung isa lang ang nagdesisyon, di ba? Kailangan buong family din yung kumbaga magpapasa sa akin."
OUT OF SOP? Sumunod na nagpaliwanag si Jolina tungkol sa pag-alis niya raw bilang host ng kaka-reformat lang na SOP Fully Charged.
"Bago nangyari ang lahat ng nangyari sa SOP, may plano na talaga kami ni Perry na... may mga plans kami na gagawin. So, yun," medyo bitin na sagot ni Jolina.
May kinalaman ba yung pagre-resign ni Perry bilang executive producer ng SOP sa pag-alis niya rin sa show?
"In a way, oo. Kasi may mga plano nga kami para sa career ko," ayon kay Jolens.
Kasama ba talaga sa plano yung pag-alis sa SOP?
"Basta may mga plano kami," ulit niya. "Kasi siyempre ‘pag may plano, hindi mo naman yun magagawa hangga't may mga ginagawa ka pa. Kasama sa plano yung may mga times na hindi muna ako sisipot sa TV. Ibig sabihin, may ibang kinakabisihan kami na gawin."
May mga write-ups kasing lumalabas na babalik din naman daw siya sa SOP by January. Totoo ba ito?
"Hindi pa natin alam. Basta ang mahalaga doon, may something, kumbaga, may surprise kami. Kumbaga, may plano. Hindi yung basta sumagot ka lang ng ewan ko, ‘di ba? So, yun ang napagdesisyunan namin. We decided to plan something. Basta happy ako sa mangyayari sa akin for 2010. Parang ngayon pa lang pinaplano na," sabi niya.
Sa ngayon, Dear Friend lang ang natitirang active na show ni Jolens sa GMA-7. Pati raw sa Unang Hirit ay hindi na talaga siya kasama.
"Wala na ako sa UH, kasi may mga change na nangyayari sa buong GMA. So, ganun ang mga kinalabasan," pag-amin niya.
Puwede niya bang i-share ang ilan sa mga plano ni Perry for her?
"Secret pa, e," nakangiti niyang sabi. - Glen P. Sibonga, PEP