Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Claudine willing to work with ex-bf Mark Anthony


Sa paglipat ni Claudine Barreto sa GMA-7, malaki ang posibilidad na magkatrabaho silang muli ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez. Willing na ba si Claudine na makasamang muli ang kanyang dating nobyo sa isang project? "Oo," ang payak na sagot ni Claudine when interviewed by the press during her contract signing last week. She said na wala ring problema even sa kanyang husband na si Raymart Santiago sakaling makasama niya sa trabaho ang dati niyang boyfriend na si Mark Anthony. "Pinayagan na ako ng asawa ko. Walang problema sa kanya," Claudine added. "Hopefully, ganoon din on Mark's end. Para finally magkaroon kami ng closure. Kasi hindi naman talaga nagkaroon." Ngayong pareho na silang pamilyadong tao, Claudine said na naniniwala siya that they can work together without hang-ups. Besides, Claudine admitted to the press na, "naniniwala ako na isa talaga siya sa magaling talaga na artista sa mga lalaki." In fact, excited na nga daw siya sa possibility na magkatrabaho silang muli. Pero ano nga ba ang unang project ni Claudine bilang Kapuso? "Claudine has a movie with Viva Films," said Annette Gozon-Abrogar, President of GMA Films. "And they offered us to co-produce it." Sinabi ni Ms Annette, na dream come true ang makatrabaho nila si Claudine na isa sa mga kinikilalang mahusay na aktres ngayon. Ms Annette confessed, "We never thought that we could do a movie with Claudine, so siyempre sobra kaming excited." As for what the movie is about, Miss Annette doesn't want to reveal it yet. But what she can reveal is that it will start shooting January of 2010. And Claudine's on-screen partner will remain a mystery until then. The said movie is what started the ball rolling sa paglipat ni Claudine, and as stated in a previous article, naging mabilis ang lahat. Neither Claudine nor Ms Annette would like to preempt the television projects na susunod sa film that will be co-produced by Viva Films and GMA Films. - Jason John S. Lim, iGMA