Filtered By: Showbiz
Showbiz

Katrina Halili warns her would be suitors


Isa si Katrina Halili sa mga bagong makakalaban ni Marian Rivera sa nangungunang fantaserye ng GMA 7 na Darna. Trabaho daw muna ang nasa isip ng dalaga pero may babala siya sa mga lalaking balak manligaw sa kanya. Sa press launch ng mga bagong kontrabida sa Darna kamakailan, sinabi ni entertainment reporter Lhar Santiago na lutang na lutang ang kaseksihan ni Katrina na gaganap sa papel na 'Serpina.' Kuwento ng dalaga hindi raw madali ang pagsuot sa kanyang costume na inaabot umano ng isa at kalahating oras. Bukod pa rito, kailangan din pintahan ang ilang bahagi ng kanyang katawan.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “May stockings sa loob para madulas saka powder. At isa pa palang dusa yung hair mabigat, lagi akong sinasabunutan," nakangiting kuwento ni Katrina sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Sa kabila ng kaseksihan ni Katrina ngayon, sinabi ng dalaga na walang nanliligaw sa kanya. Natanong tuloy siya kung nagka-trauma ba siya sa lalaki matapos ang kontrobersiyal na karanasan kay Hayden Kho Jr. “Siguro sila ang magkaka-trauma sa’ken," tugon ng seksing aktres. “Dahil alam nila ang mangyayari sa kanila kapag gumawa sila ng hindi maganda sa’ken." Kamusta naman sila ng dating napabalitang nobyo niya na si Kris Laurence? “Nandiyan lang siya very supportive pa rin para sa’ken, pero sa ngayon trabaho muna ako," dagdag ni Katrina. Nakausad na rin daw siya sa kinasangkutan niyang sex video scandal. At Pakiramdam daw ni Katrina, mas lalo siyang naging matatag ngayon at nagpapasalamat siya dahil nanatiling buhay ang kanyang career. “Tuloy-tuloy pa rin po yung projects at tuloy tuloy pa rin po yung buhay ko…hindi ko tatapusin ang buhay ko sa nangyari. So haharapin ko ng bonggang-bongga ang buhay ko," masayang pahayag ng aktres. - Fidel Jimenez, GMANews.TV