Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Entertainment

PEP: Dennis Trillo still not losing hope on Heart Evangelista

Hindi pa alam ni Dennis Trillo kung ano ang bibilhin niyang regalo para sa anak niyang si Calix Andreas ngayong Pasko.

"Iyon na nga iniisip ko pa, kasi halos lahat meron na siya, e," sabi ni Dennis sa presscon ng SRO Cinemaserye Presents Exchange Gift nitong Lunes (December 7), sa GMA Network Center.

Halos lahat daw kasi ng hilig ni Calix ay mayroon na ito; tulad ng toy gun, drums, at gitara. Mahilig daw sa music ang anak ni Dennis.

"Sobrang mahilig sumayaw, mahilig kumanta, at saka may tono siya talaga," masayang kuwento ng binatang ama. "Kaya niyang kantahin ang alphabet, 'Baa Baa Black Sheep,' 'Twinkle, Twinkle Little Star'... kahit ano. Kasi lahat ng marinig niya, kaya na niyang gayahin, e. Kasi kaya na niyang mag-converse at makabuo ng sentences, e."

Two years and two months old na ang anak ni Dennis kay Carlene Aguilar.

CHRISTMAS ARRANGEMENT. Naitanong naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Dennis kung paano ang arrangement nila ni Carlene kay Calix sa nalalapit na Kapaskuhan.

"Katulad nung arrangement namin last year ni Carlene. December 24 sa kanila, tapos 25 sa akin. New Year, ganun din," sabi ng aktor.

Paano nila ise-celebrate ni Calix ang Pasko?

"Ano lang kami, e, punta lang sa relatives. Sa mother side, then sa father side. Then sa gabi, free na kami kung anong gusto naming gawin."

HEART EVANGELISTA.
Nabanggit naman ng PEP kay Dennis na ang babaeng gusto niya ngayon, si Heart Evangelista ay may regular na ka-date. Ito ay ang first boyfriend ni Heart na nagngangalang Ian Dy.

Ano ang reaksiyon ni Dennis dito?

"A, regular date lang naman, e, hindi pa naman boyfriend," sabi niya.

Sa tingin ba niya ay nawalan siya ng chance dahil dito?

"Hindi naman," mabilis niyang sagot. "Kasi lagi namang may pag-asa, lagi tayong may pag-asa. Kahit anong mangyari, basta buhay ang tao, laging may pag-asa 'yan. Kasi puwede niyang gawin kahit ano para makamit ang minimithi niya."

Of course, reregaluhan niya raw si Heart sa Pasko.

"Oo naman. Iisipin ko pa kung ano, kasi first time ko siyang reregaluhan sa Christmas, so dapat special yun. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung ano ang ireregalo ko sa kanya," pahayag niya.

Yayayain ba niyang mag-date sila sa Pasko?

"Sa parade, magkasama kami!" natatawang sinabi ni Dennis.

Co-stars kasi sina Dennis at Heart sa Metro Manila Film Festival 2009 entry ng Regal Entertainment na Mano Po 6.

Sabi pa ni Dennis, "At kung sakaling may gagawin man siya that day, basta makasama ko siya sa parade, okay na sa akin yun."

CHRISTMAS GIFTS. Ayon pa kay Dennis, maging ang ina ng kanyang anak na si Carlene ay reregaluhan din niya ngayong Pasko.

Sa mga babaeng bahagi (at naging bahagi) ng buhay niya, sino ang una niyang ibibili ng Christmas gift?

"Nanay ko," sabay tawa ng aktor.

E, kina Carlene, Heart, Cristine Reyes, at Pauleen Luna?

"Siguro maglalaan ako ng isang araw para mag-shopping para sa mga regalo nila, sabay-sabay," nakangiting sagot ni Dennis.

Sino sa kanila ang ibibili niya ng pinakamahal na regalo?

"'Yun ang hindi ko alam," natatawang sagot nito. - Rommel Gonzales, PEP
ADVERTISEMENT
US stocks end mixed ahead of Fed's rate meeting
2010-03-16 07:17:27
Investors turned cautious Monday ahead of the Federal Reserve's meeting on interest rates.
Ferrer on AFP appointments: We can't do anything but follow
2010-03-16 17:16:43
Lt. Gen. Raymundo Ferrer, the former military governor of Maguindanao, on Tuesday said he did not...
PEP: Sen Bong Revilla will stay a Kapuso even after May polls
2010-03-17 15:26:01
Abala ngayon sa pangangampanya ang re-electionist senator na si Ramon “Bong" Revilla Jr....
Japanese loses P50K to robbers in Cebu resort
2010-03-17 15:02:08
Unidentified armed men robbed a 52-year-old Japanese tourist of some Y100,000 (P50,328) in a...